Crying
Amarah Serina De Gracia Point Of View
Hindi ako nakaderetso sa bahay dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng sarili kong mga paa. Ang kabayo ay iniwan ka doon. Ang alam ko ngayon nakatayo ako sa mabatong bahagi ng bangin kung saan makikita mo ang ganda ng dagat. Sa lakas ng hangin ay natanggal ang pagkakatali ng buhok ko. Dahan dahan akong naupo at ipinikit ang mga mata ko. Sobrang sikip sa dibdib.
Parang bawat salitang binitawan niya ay hindi maialis sa puso ko. Parang ang laking pagkukulang sa puso ko ang nawala. Everything I worked for didn't seem to be there for him. Naguguluhan ako! Ang sakit sakit.
***
"Aalis na po ako, Tito. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa sa akin ni Serina." Umiiyak na sabi ni Angel. Naabutan ko siyang pinipigilan nina Papa at Lola. Kinalabog ko ang pinto dahilan para mapatingin sa akin ang lahat.
"Serina---"
"Great! Just great!" Galit kong sabi. Wala na siguro akong iluluha pa. "Wow! Unbelievable! Sana nararanasan ko rin yan." Sabi ko. Nag iwas ako ng tingin.
"Serina..." Mahinang sabi ni Lola.
"May dapat po kayong malaman." Biglang sabi ni Angel. Alam ko na ang sasabihin niya. Sinuri ko siya ng tingin. May kalmot siya at may pasa sa kanyang mga braso. Hindi lang siguro sabunot ang nagawa ko sa kanya.
"Go!" Sigaw ko. Natigilan siya. "Oh baka naman gusto mong ako pa ang mag sabi sa kanilang lahat." Matapang kong sabi. Lumapit agad sa akin si Mama. "Ako ang nag lagay ng lason sa ininom ko. Okay kana?" Tanong ko. Napatingin ako kay Papa. Naguguluhan siya dahil sa sinabi ko. "Oo. Nilason ko ang sarili ko para idiin si Claricci. Okay kana?"
"What the hell?!" Sigaw ni Papa. "Pinahiya mo si Claricci--" Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya pero agad akong nag salita.
"Sinabi ko na. Sa oras na makabalik ako dito sa pamamahay na ito magiging impyerno ang buhay ng babaeng yan." Seryoso kong sabi. "Tandaan ninyo. Hindi lang yan ang kaya kong gawin."
***
Quezon City, Manila
"Jusme...nasayo na talaga ang korona." Sabi ni Will habang inaayos ang buhok ko. "Imagine. Ang lakas ng loob mo." Tuwang tuwang sabi nito. Mabuti at hindi nalaman ng media ang nangyari. Tapos na ang trabaho ko kanina pa kaya naman malaya ako ngayon. Nasa bar kami ngayon at ipinagdiriwang ang katangahang ginawa ko. Oww. Nagsisisi ako kung bakit ko ginawa yun. The man I trust is gone. Because it's all in the sense that I did it. O' ide ako na ang bobo.
"Look. I don't fucking care that crown you said. Ang important maibalik ang lahat sa dati. I want Claricci to leave Hacienda." Seryoso kong sabi.
Nagkatinginan silang dalawa. Sumabat naman agad si Bell. "Tss. Alam mo, Señorita Serina dapat talagang makaalis dyan ang babaeng yan. Imagine maraming aalis sa hacienda ninyo sa oras na maikasal yan." Nakangusong saad ni Bell. Naging walang kibo ako sa lahat ng mga comment nila. Ramdam ko ang paligid ko na umiikot na.
"Makahanap lang ako ng tamang tyempo, matatapos din ang saya sa puso ng babaeng yan." Tumayo ako pero aksedenteng napatingin ako sa stage. Ilang beses pa akong umatras pero nagulat ako nang pagharap ko ay may nabangga akong lalaki. "Sorry." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Tumango siya at agad na dinampot ang prada purse ko.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomanceThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...