Chapter 06:I like him

413 18 1
                                    

I like him

Third Person Point Of View

"I miss you, Marco." Aniya sabay pisil sa pisngi ni Marco. Natawa si Marco.

"Ito nga pala si--" nagulat siya ng wala na si Serina sa tabi niya. "Asan na yung kasama ko?" Tanong niya. Nagtaka naman si Kalina at ang mga kasama nito. "Ah..umalis ata." Napakamot sa batok ulo si Marco.

"Wala kang pinagbago, Tol." Ani Justine na pinagsangga ang kanilang mga kamao.

Napansin ni Kendall si Angel na namumula ang pisngi habang nakatingin kay Marco. "Marco, this is Angel. Angel, this is Marco my cousin." Ani Kendall.

"Hi." Nakipagkamay siya kay Marco. Nakangiti naman iyong tinanggap ni Marco. Hindi nalalayo ang mukha ni Angel sa kanyang pangalan. Mala Anghel nga naman talaga ito. Ang pilantik ng kanyang pilikmata, ang maganda nitong mata at mapupulang labi. Makinis din ang balat at maputi pero wala nang tatalo sa pagiging mala anghel ni Serina sa kanyang mga mata.

Bagong kaibigan nila si Angel na nag mula pa sa America. Masiyahin ito pero napakahinhin.

Nag punta sila sa gazebo kung saan nandun ang pagkainan nila. Bukod doon ay may ginagawa ding paghahakot ng dayami si Marco kaya nagpahinga sila. Bawat galaw ni Marco ay pinapanood ito ni Angel. Ang makisig nitong pangangatawan at parang walang kahirap hirap sa kanyang ang kanyang ginagawa. Tila nabiktima siya ng pag ibig sa unang tingin.

"You like Marco?" Nagulat si Angel sa biglaang tanong ni Kendall sa kanya. Napalunok ito at pinamulahan ng pisngi.

"Hindi ah." Mahinhing sabi niya pero tinukso siya nina Joshua, Markian, Justine, at Kalina. Pinipilit niyang wag panoorin si Marco dahil simula ng malaman nilang may gusto si Angel kay Marco ay bantay na nila ang bawat paningin niya. Kahit di man sabihin ay sobrang halata.

"Donya Margarita, magandang umaga po." Bati ni Marco sa Lola ni Serina na ngayon ay nakangiting naglalakad papunta sa kanya.

"Andyan na ba ang apo kong si Angel?" Tanong ng matanda bagay na ikinagulat ni Marco. Tumango siya. Doon lang nag sink in sa utak niya na magpinsan pala sina Serina at Angel.

Dali dali ng tumakbo si Angel papalapit sa Lola niya at niyakap at hinalikan niya ito sa pisngi.

***
Gabi na pero nagkulong pa rin si Serina sa kanyang kwarto. Kundi pa gabi na ay hindi pa siya lalabas. Binitawan niya ang gitara. Nag suot siya ng pure white long dress na off shoulder. Inihanda niya ang sarili dahil alam niya sa kahit ano mang oras pwede niyang makita ang mga dating kaibigan. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na isinasayaw ng hangin habang siya ay naglalakad sa buhangin. Napangiti siya ng makita niya si Damon na buhat buhat si Noah.

Nakahanda ang bawat pagkain sa gilid. Ang mahabang lamesa ay siyang kakainan nila mamaya. Ang mga Christmas light na kulay ginto at mga lanterns.

Ilang sandali pa ay nagsidatingan ang mga kaibigan niya pero hindi talaga siya napapansin nito dahil panay ang iwas niya. Paglalapit sa kanya si Marco ay lumalayo siya. Tinawag niya si Sandra at lumabas na din. Ang ama niya na si Hector na kararating lang din galing sa America.

Nakangiti namang si Mhel habang palihim na kinukuhaan ng litrato si Serina habang tinatanaw ni Marco. Hinubad ni Serina ang ka nyang tsinelas at inapakapak ang mga kanyang paa buhangin. Naglakad si Serina palapit sa dagat pero tumatakbo siya tuwing lalapit na sa kanya ang mahinang pag alon.

Napangisi si Marco habang tinititigan niya kaibigan. Paulit ulit ito sa ginagawa niyang pakikipaglaro sa alon ng dagat. Ilang sandali ag inutusan na si Marco na sunduin ang kanyang mga kaibigan din.

Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon