Cold
Amarah Serina De Gracia Point of View
"Amarah." Natigil ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Angel. Kahit na naka talikod ako ay alam kong siya iyon. "You like Marco?" Tanong niya gamit ang nakikiusap na tinig. Pero ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya na parang wala akong balak kausapin siya pero iyon ang totoo. "Sana hindi mo siya gusto." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. "Because I like him."
Humapdi ang gilid ng aking mga mata. Tila hindi ata nagustuhan ang sinabi ni Angel. Magsasalita pa sana siya pero tinalikuran ko siya. Nag tago ako sa gilid ng malaking poste at napahawak nalang sa puso ko. I don't know why I feel this annoying feeling. Hindi lang siguro ako sanay na may umaaligid sa kanya sa loob ng ilang bwan naming pagkakaibigan.
"Señorita, pinapasabi po ni Miss Mhel wag na daw po kayong pumunta sa kanya. Matutulog na daw po siya." Sabi ng katulong namin habang nakayuko. Tumango lang ako at dumeretso sa kwarto ko. My system couldn't replicate what I heard earlier.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ng katawan ko pero namalayan ko na lang na hinihintay kong mapuno ang tubig sa bathtub. Tulala ako sa umaagos na tubig habang nilalagyan ng sabon ang tubig. Bulang bula na ito at malapit ng umapaw. Agad kong pinatay ang gripo. Pagod na pagod akong sumalampak dito.
Ipinikit ko ang mga mata kong sandaliang humapdi kanina. Bakit ba ang bilis kong nagtiwala sa isang tao? Bakit ang bilis kong nasanay sa kanya? Tuloy ang nasasaktan ako ng ganito.
"Alam mo ba, hija, hijo, nababasa ko sa kapalaran ninyong dalawa na magiging magkaibigan kayong dalawa. Susubukin ng panahon at pagkakataon ang tibay ng pagkakaibgan ninyo. At hihigit pa sa pagkakaaibigan ang mararamdaman ninyo."-Ale.
Sana. Sana totoo. Sana nga pagsubok lang ito. Kung sana ay pagkakaibigan lang ang nararamdaman ko pero hindi ko masabi. Kahit sa sarili ko. I don't know, but I'm having a lot of trouble right now. Dahil kung hindi sila bumalik ay wala na sana akong poproblemahin sa pag alis ko sa susunod na bwan. Isang kaibigan isang malaking kawalan.
Tumayo ako at tuluyan ng nagbanlaw. Kinukuskos ko ang buhok ko ng tuwalya dahil sa tubig na pumapatak. Naglagay ako ng pulbo sa aking leeg at ang skin care na dala ni Ate Sandra mula sa Europe. Kahit hindi ko alam ang nangyari sa kanila ang alam ko okay na sila at masaya ako para sa kanila.
Umupo ako sa harap ng vanity at hinanap ang barette na bulaklak na ibinigay sa akin noon ni Marco. Nanlaki ang mata ko ng wala iyon doon sa loob ng maliit na kahon. Naalala kong suot ko pala iyon kanina. Napatayo ako at lumabas. Ganun na lang ang kaba na naramdaman ko. Naalala kong baka nahulog iyon kanina. Dali dali akong tumakbo papunta sa beach kahit alam kong may kalayuan ito. Naabutan kong nagliligpit na ang iba. Nagpaikot ikot ako doon at hinanap ko ang bagay na importante sa akin.
Walang katao tao sa labas bukod sa mga nag lilinis. Tahimik na at busy sila sa paglilinis ng mga kalat.
"Eso no se puede perder!" Mariing bulong ko sa sarili ko. (Hindi iyon pwedeng mawala!) Halos makalmot ko ang kamay ko sa sobrang pag kainis. No matter what I do you can't see barrette. Namuo ang luha sa mga mata ko. Ganun ka importante iyon sa akin. Dahil ang nag bigay din niyon ah importanteng tao. If I were to let that happen to me now, it would be as if Marco would lose me.
BINABASA MO ANG
Langit ka, lupa ako (Señorita series No.1)
RomanceThere is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na ikasasaya niya pero mali pala. Yung sakit na bumago sa pananaw niya sa buhay. Yung tipong nagkaroon...