"Jho? May problema ba?"
Tanong sa akin ni Jia. Kahit wala pang isang araw ang pagkakilala namin ni jia, alam kong nag alala rin siya sa akin. Wala siyang alam tungkol sa amin ni Bea at pinili ko nalang na huwag sabihin. Wala rin namang magbabago kung sasabihin ko sa kanya, diba?
"Okay lang ako."
Matipid kong sagot. Ayaw kong magsalita ng mahaba baka di ko mapigilan ang sarili ko at bumaha tung restaurant.
"Bakit ang bilis mo atang nag CR? Gusto mo samahan kita ulit dun?"
Di ko alam kung kaya ko pang bumalik dun. Tumingin ako kay Jia at kitang-kita ko ang pag alala niya.
"Akala ko gusto kong umihi kaso pagdating ko dun iba pala ang gusto kong gawin."
Alam kong di niya ako maiintindihan sa ngayon pero alam kong balang araw si Jia ang isa sa mga taong pwede kong takbuhan.
"Huh? Kung gayon, ano pala ang gusto mo?"
Kunot noo niyang tanong na para bang kahit naguguluhan pinili niya paring dugtungan ang mga sinasabi ko.
"Alam kong siya lang ji."
Kung kanina kumunot lang noo niya pati mata niya ngayon lumaki na.
"Sino?"
Maikling tanong pero nagdudulot sa akin ng pagkabuo ng pait at sakit sa isang saglit. Tatlong letrang sagot pero sa tuwing iisipin ko para akong tinakluban ng langit at lupa.
Bakit sa ganitong paraan ko mararanasan ang lahat ng ito? Kala ko sa pagdating ni Bea magbabago ang lahat. Kala ko siya ang magbubuo sa durog kong pagkatao. Kala ko mapapalitan niya ng saya ang mapait kong nakaraan.
"Hoy! Tulala lang te? Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa tahimik."
Sana pala di na ako lumabas pa sa mundong ginagalawan ko. Sana pala nanatili nalang akong nakaluklok sa sulok. Sana pala di ko hiniling na darating ang araw na magiging masaya ako.
Kasi panandalian lang pala ang lahat.
Gusto kong umiyak. Gusto kong makalimutan yung nakita ko pero sa galit at sakit na nararamdaman ko ngayon, di ko na alam kung tama pa ba tung ginagawa ko.
Sana sa tuwing nasasaktan ako konting pikit lang ng aking mga mata wala na akong maramdaman pa at sana sa pagdilat ng aking mga mata wala na ako dito sa harap nila.
Sana kung gaano kadali tumibok ang puso ko, ganun din sana kadali bumalik sa dati.
Sa dating ako kung saan ramdam ko ang tahimik na mundo. Yung matiwasay ang isip ko, matiwasay ang puso ko at higit sa lahat wala itung kirot sa buong sistema ko.
"Hey! Where have you been guys?"
Napapikit nalang ako sa sandaling nagsalita si Jia. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Alam ko rin kung sino kahit di ako tumingin pa.
"Sorry guys. Ito kasing best friend ko hilong-hilo na, sumuka pa kaya natagalan kami."
Kung gaano kahirap ng nararamdaman ko ngayon ganun din kadali para sa kanya magsinungaling.
"Okay ka lang mads?"
Tanong ni Jia dahilan para tumingin ako sa kanila. Mabait naman pala talaga tung si jia. Pagpupugay ko sa kanya.
"Okay lang ji. Salamat sa pag-alala." Sagot niya at ngumiti ng konti.
Ako?
Heto, nakatingin lang sa kanila especially kay Bea na relax na ralax lang pero halata parin ang kaba. Yung, tipong di makatingin sa akin ng diretso. Yung, tipong di mapakali.
YOU ARE READING
Next Door
FanfictionThis story talk about the right love at the wrong time. Faithful leads to unfaithful. Love in sadness. Happiness leads to death and believe turns to beliefs. How love conquer everything? Well, let's see how this story will end. Have a nice read ev...