"Jia! What the hell. Pick up your phone!" Sigaw ko sa kabilang linya habang tinatawagan ko si Jia. Kahit ilang ring pa ang ginawa ko di parin siya sumagot. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa aking phone. Makalipas ang ilang minuto sinubukan ko ulit siyang tinawagan.
"Thanks God, Jia! Where have you been?" Agad kong sabi sa kanya ng sinagot na niya ito.
"Hi...jho. How are you?" Casual niyang tanong na para bang wala siyang ganang makipag usap.
"I'm good. Ikaw, kamusta kana?" Masigla kong sabi sa kanya. Iwan ko ba, nagkamali ata ako ng natawagan. Parang ibang Jia tung kausap ko ngayon. Ibang-iba sa Jiang nakilala ko noon.
"Okay, lang naman. Napatawag ka?" Sagot niya sa kabilang linya. Sa sobrang casual niya gusto ko na tuloy ibaba tung phone ko.
"Uhm...!" Pagdadalawang isip ko. Nahihiya akong magtanong. Sa ganitong paraan pa talaga ako tatawag sa kanya. "Uhm... itatanong ko lang sana--."
"Kung nasaan si Bea?" Pagputol niya sa akin at nag iba din ang boses niya. Napapikit ako ng wala sa oras. Masakit parin pala marinig kahit yung pangalan niya. Tumango nalang ako sa kabilang linya kahit di niya ako nkikita.
"Oo. May nabalitaan kasi ako na nasa Davao si Maddie. Nagbabasak--." Mahina kong tugon ngunit napapikit ako ulit kasi pinutol niya na naman ako.
"Malamang jho, taga Davao yan si Maddie saan paba siya uuwi?" Para akong nabingi sa sinabi niya, kung kanina wala siyang gana magsalita ngayon naman parang nagagalit na. Natahimik tuloy ako.
"Jho! Anjan kapa?" Tawag niya sa akin sa kabilang linya. Natauhan naman ako at binalik ang aking attention sa kanya.
"Yeah! May naisip lang. Salamat sa pagsagot Jia kahit busy ka sinagot mo parin ako, naisturbo pa tuloy kita. I missed you!" Sabi ko ng nakangiti.
"Wag kana mag-aksaya ng panahon, jho. Wag kanang humabol kahit alam mo ng huli kana. Bumawi ka nalang sa iba hanggang sa puno ka na at alam mo ng kaya mo na. Kaya muna ulit. Di lahat ng bagay nakukuha natin. Pag di kasya sayo wag munang pilitin at baka masira mo lang at di na mapapakinabangan pa." Natulala ako sa kanyang sinabi. Biglang sumakit ang puso ko at agad tumulo ang mga luha ko. Huli na ako saan? Masisira?
"Yeah! I will...keep that on my mind... salamat." I said stuttering while nods my head. Di ko alam saan ko ibabaling ang mata ko kaya pumikit nalang ako at pilit iniintindi ang mga sinabi niya. Andami ko sanang tanong tungkol kay Bea pero nawalan ako ng lakas ng loob sa pagkakataong ito.
YOU ARE READING
Next Door
FanfictionThis story talk about the right love at the wrong time. Faithful leads to unfaithful. Love in sadness. Happiness leads to death and believe turns to beliefs. How love conquer everything? Well, let's see how this story will end. Have a nice read ev...