"Where are you?" Matapos kong mag type pinindot ko agad ang send button ng phone ko. Kaka-send ko lang ngayon ng text at naghihintay nalang ako ng reply at di nagtagal tumunog na rin ito.
"Why?" Matipid niyang tanong.
"I need you, can you please pick me up?" Pagse-send ko ulit ng mensahe, pero di na siya nag reply. Makalipas ang ilang segundo tumunog ulit ang phone ko.
Calling...
"What happened? Nasaan ka?" Sunod-sunod niyang tanong ng sinagot ko na ito.
"Nasa labas ako ng bahay, I'll wait you here." Pagbibigay ko ng konting detalye. Di ko na sinagot ang tanong niya kasi alam ko na naman na papagalitan niya ako.
"Okay, papunta na ako. Hintayin mo ko dyan." Utos niya at binaba ang tawag. Himala talaga hindi siya nagagalit ngayon, sa twing gagawa ako ng ganitong eksina kulang nalang talaga susuntokin niya ako sa noo.
Thirty minutes na ang lumipas pero di parin siya dumating. Kanina lang sinabi niya papunta na siya, pero hanggang ngayon wala parin. Mahigit isang oras na din akong nakatayo dito at nangangawit na mga paa ko kaya naisipan kong tawagan siya ulit.
"Cuz, saan kana?" Naiinip kong tanong.
"Wait! Malapit na ako. Saan ka ba banda?" Tanong niya ng mapansin ko ang kanyang sasakyan. Pinatay ko ang tawag at kumaway agad ako sa kanya. Binuksan ko ang kabilang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.
"Ikaw lang?" Pagtataka niyang tanong ng akmang kukuhanin ko na sana yung seat belt ng napahinto ako at napatingin sa kanya.
"Oo." Matipid kong sagot at inayos muli ang seat belt sa aking tagiliran. Di na siya nagtanong bagkus tumango nalang.
"Saan tayo?" Tanong niya habang nagmamaneho. Tumingin ako sa kanya kasabay ng pag kindat ng aking mata na siyang dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.
"You're not allowed to drink my dear, cuz. Don't even force me cause I won't let you, as long you're with me you can't do anything that will harm you, okay? Got it?" Pagmamatigas at pagbabanta niya, umirap nalang ako.
"Kahit konti lang promise, di ako maglalasing. Gusto ko lang magpahinga, huminga at tumawa para naman mawala tung pagkadismaya ko today." Pakiusap ko pero parang hindi nagwork kaya inalis ko nalang ang paningin sa kanya at tumingin sa labas ng sasakyan.
"Hindi solution ang pag-inom alam mo yan. Nahihirapan ka bang huminga pag hindi nakainom? Alam mo ba kung ano ang nagagawa paglasing na? Nawawala ang utak gaya ng..." Huminto siya dahilan ng paglingon ko sa kanya. "Nawawala sa pag-iisip." Pagpapatuloy niya. Inalis ko ulit ang paningin sa kanya ng may maalala ako sa sinabi niya.
Habang nakatingin ako sa labas ng bintana di ko maiwasang isipin yung babae sa panaginip ko. Napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ganun. Bakit sa twing gusto ko siyang lapitan nawawala nalang siya bigla. Ipinikit ko ang aking mata at pilit ko siyang inalala.
"Hey...! Hintay! Hintayin mo ko, please!" Sigaw ko habang tumatakbo ngunit parang di niya ako narinig at nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang sa di ko na kaya at huminto na ako. Habang humihingal ako unti-unti naman siyang nawawala hanggang sa di ko na ulit siya makita.
Naimulat ko bigla ang aking mata ng makaramdam ako ng paghingal at takot. Isang panaginip na naman. Iwan ko ba, sa twing ganito ang eksina ng panaginip ko nalulunkot ako. Parang may kulang sa buong pagkatao ko na pilit kong inaalala pero hindi ko maalala.
"Gising ka na pala." Bungad niya sa akin.
"Kanina pa. Saan ka galing?" Walang gana kong sagot at umayos sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan.
"Dun!" At itinuro ang di kalayuang parte ng lugar gamit ang kanyang bibig.
"Sino yun?" Direkta kong tanong habang nakatitig sa kanya while raising my eyebrows.
"Ang ano?" Kunot noo niyang balik tanong kahit alam naman talaga niya kung ano ang tinutukoy ko. Tumingin ako sa lugar na pinanggalingan niya bago ako nagsalita.
"Yung kausap mo, sino yun? Atsaka, nasaan tayo?" Since nakatulog ako kanina hindi ko alam kung saang parteng lugar kami napadpad. She cleared her throat first bago nagsalita.
"Ito yung favorite place ko. Dito ako pumupunta sa twing pangit ang araw ko o may nami-miss akong tao. Maganda dito nakakawala ng stress." Sagot niya habang iniikot-ikot ang paningin sa buong paligid.
"Di mo parin sinagot ang tanong ko. Sino yon kasi?" Nilakasan ko pa ang boses ko para marinig niya.
"Someone I know. Andami mo naman kasing tanong." Nagagalit niyang sagot. "Lumabas ka nga dyan para naman makita mo ang ganda ng lugar." Pagpapatuloy niyang sabi.
Lumabas na rin ako para lumanghap ng sariwang hangin. Matapos kong mag ikot-ikot napagpasyahan kong tumabi narin sa kanya.
"Feeling good?" Tanong niya sa akin ng makaupo na ako sa kanyang tabi habang winawagayway ang kanyang paa sa kawalan.
"Yeah! I'm feeling good, finally. Thanks for bringing me here." Binigyan ko siya ngiti at ninamnam ang bawat hanging dumadampi sa aking pisngi.
Tutuo nga ang sinabi niya maganda dito at sariwa ang hangin. Walang masyadong tao at hindi maingay ang paligid at yung lawak ng dagat grabi nakakamanghang tignan, isali mo yung sobrang laki ng buwan. Sana madala ko dito yung taong mahal ko, si Maddie.
"Anong iniisip mo, cuz?" Bigla niyang tanong sa gitna ng aking pag-iisip.
"Random thought lang." Maikli kong sagot habang nanatili paring nakatingin sa dagat na kumikinang sa pamamagitan ng buwan. Hindi siya sumagot at tulad ko nakatingin lang din siya sa dagat.
"Sana makapunta ulit ako dito kasama ang taong mahal ko. Iyong taong pinakamahal ko." Mahina kong tugon at inulit ko pa yong huli kong sinabi at binigyang diin na nagpalingon sa kanya papunta sa aking gawi.
"Sino ang tinutukoy mo? Si Maddie?" Pagtataka niyang tanong na siyang nagpatawa sa akin. Humarap ako sa kanya at natatawa na din siya.
"Baliw! Mayroon pa bang iba? Si Maddie lang naman nag-iisa dito." At itinuro ang puso ko. Napansin kong natahimik siya kaya binalik ko ang aking paningin sa aking harapan.
"Paano kung malaman mo na hindi pala si Maddie ang taong minahal mo?" Malaman niyang tanong dahilan para makaramdam ako ng malakas na pagtibok sa puso ko. Takot, saya at pangamba ay siyang naramdaman ko sa pagkakataong ito.
"Bakit mo naman natanong yan? Alam mo napapansin ko na talaga na parang may laman yang mga tanong mo. Bina-bother mo lang ako eh!" Paglilihis ko mula sa aming pinag-uusapan.
"Walang ibig sabihin yun. Tinanong ko lang para may mapag-usapan tayo. Change topic nalang." Tulad nga ng sinabi niya walang ibig sabihin kaya pinagkibit balikat ko nalang.
Lumipas ang ilang minuto nanatili parin kami sa aming position, nakaupo at diritsong nakatingin sa buwan na napapagitnaan ng langit at karagatan ng napaisip ako tungkol sa tanong Mika kanina.
Paano nga ba kung malaman ko na iba pala ang mahal ko? Paano kung mangyari yon, maibalik ko pa kaya ang dati? Paano kung mobalik yong dati at si Maddie parin ang pipiliin ko nasa tama parin ba ako?
YOU ARE READING
Next Door
FanfictionThis story talk about the right love at the wrong time. Faithful leads to unfaithful. Love in sadness. Happiness leads to death and believe turns to beliefs. How love conquer everything? Well, let's see how this story will end. Have a nice read ev...