Chapter 21

328 5 3
                                    

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay, biglang tumunog ang phone ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi dahil nanginginig pa ang mga tuhod ko katatakbo. Nang tignan ko ang caller si Mika ang naka flashed nito.

"Sa ngayong pagkakataon pa talaga siya tumawag." Bulong ko sa sarili pero bago ko sinagot, huminga muna ako ng malalim at umirap pagkatapos.

"Busy ako just call me--."

"kasama ko si Bea ngayon." Pagputol niya sa akin. "Puntahan mo dito ese-send ko saiyo ang address." Pagpapatuloy niya at inuutusan pa ako. Para naman akong nabunotan ng tinik ng marinig ko ang pangalan ni Bea. 

"Is she okay?" Tanong ko ngunit di na siya sumagot at pinatay ang tawag. Matapos kong mabasa ang text niya dumiritso agad ako sa aking sasakyan at pinaharurot papunta sa address na senend niya.

Matapos naming mag argue kanina tungkol sa naging desisyon ko na babalik kami ng manila tomorrow, nagalit kami pareho at nag walk out ako. Ayaw niyang pumayag kaya iniwan ko siya at pumasok sa loob ng kwarto. Kinatok pa niya ako ngunit di ko siya binuksan hanggang sa nakatulog ako. Gabi na ng magising ako at sa pag gising ko walang Bea sa bahay kaya panay ang hanap ko ngayon. Thanks God at tumawag si Mika, ang best friend ko.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na din ako sa lugar na sinasabi niya. Nakatayo siya sa di kalayuan ng kanyang sasakyan at kinawayan ako.

"Hi bes! Kanina kapa dito? Si Bea nasaan?" Sunod-sunod kong tanong ng makalapit na ako sa kanya. 

"She's sleeping," at itinuro ang kanyang sasakyan gamit ang kanyang mukha. "Anong nangyari?" Pag usisa niya ng tumingin ulit siya sa akin. Tulad ng ginawa ko kanina huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Sinabi ko sa kanya na gusto ko ng bumalik ng manila." Mahinahon kong sagot at inilayo ang aking paningin sa kanyang mukha. "Kaso ayaw niya, ayaw niyang sumama sa akin." Pagpapatuloy ko at tumingin muli sa kanya.

"Bakit gusto mong mobalik ng manila eh kararating niyo lang." Seryoso niyang tanong.

"Kailangan eh." Matipid kong sagot na mas lalong nagpa seryoso ng kanyang mukha.

"Kailangan? Bakit pa ba kayo pumunta dito kong babalik lang rin naman ka agad. Davao to bes hindi Baguio baka nakakalimutan mo." Nagagalit niyang sabi. Bago ako sumagot sa tanong niya binigyan ko muna siya ng masamang tingin at irap ng mata. 

"I know...hindi ko naman nakalimutan yon." Kalmado kong sagot. Ayaw kong magkasagutan kami dito kaya kumalma nalang ako.

"Hanggang kailan ka ba tatakbo, mads? Bes! Dika paba napapagod? Hanggang kailan mo ba yan gagawin?" Tanong niya na nagdulot sa akin ng pagpikit ng aking mata. Pagdilat ko sumunod na tumulo ang aking mga luha habang naghahanap ako ng isasagot sa tanong niya.

"Tatakbo ako kung kinakailangan, bes! Kahit mag-marathon pa kaming tatlo gagawin ko. Kahit pa umikot ako ng umikot makarating lang ako dun, gagawin ko. Sana lang huwag mo kong iwan." Umiiyak kong sagot ng maramdaman ko ang concern ng isang tunay na kaibigan. It really feels good.

"Hanggang kailan, huh? Look! Diko naman pinagdadamot ang cousin ko saiyo, pero paano kung--."

"Shut-up! Nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi mo, bes." Pagputol ko sa kanya. "Alam kong darating yang mga iniisip mo pero huwag muna tayong mag conclude ngayon, okay?" Beast mood kong sagot sa mga di matapos-tapos niyang katanungan.

"Pero itutuloy mo parin ang pagbalik ng manila?" Kunot noo niyang tanong. 

"Depende but I'll try to convince her." Pagbibigay alam ko sa kanya tungkol sa aking gagawin. Kaibigan ko naman siya.

"Magpalipas muna kayo ng mga ilang buwan dito bago kayo bumalik dun, for sure papayag na siya nun." Pagpapahayag niya ng kanyang opinion na ikinalungkot ng puso ko. Paano nga kung ganun mangyari? Sana hindi.

"Bakit pa ba natin papatagalin kung  dun naman ang punta, diba?" Sagot ko habang nakataas ang aking kilay.

"Okay, sabi mo eh!" Dugtong niya at tumango na para bang sumasang-ayon narin sa mga plano ko.

"Parang ang dilim dito?" I asked ng mapansin kong walang masyadong ilaw sa paligid.

"Ganito talaga dito, walang masyadong ilaw para magkaroon ng privacy yong mga tao pero maganda at tahimik." Pag-explained niya sa akin.

"Safe dito?" Tanong ko ulit na may halong concern sa aking pananalita.

"Oo naman." Nakangiti niyang sagot at tumingin sa paligid.

"Okay, sige. Ikaw bahala." Matapos kong magsalita naglakad na ako papunta sa aking sasakyan ng tinawag niya ako.

"Bes!" Lumingon ako at naglakad siya papunta sa akin. "Iiwan mo siya dito?" Tanong niya na para bang na surprised sa aking ginawa.  

"Yeah! She wants to be with you then why not? Hindi ko naman yan kinukulong atsaka may tiwala naman ako sayo." Seryoso kong sagot at akmang papasok na sa loob ng pigilan niya na naman ako.

"Thanks bes! Ingat ka, bye!" Sabi niya at tumango nalang ako at pumasok na sa loob. Matapos kong inayos ang seat belt ko pinaandar ko na ang sasakyan at linisan ang lugar.

Habang nagda-drive ako binaba ko ang salamin ng bintana at nilabas ang aking kamay. Ninamnam ko ang malamig na hangin at huminga ng maluwag. Kung mali tung ginagawa ko hindi ko alam kung ano pa ang tama. Pag nagmahal ka lahat naman nagiging tama.

Flashback!

Matapos ang gabing yon nakaramdam ako ng tuwa sa aking sarili. Alam kong nakasira ako ng relasyon pero kung ang pagkasinara naman nun ang siyang dahilan na pagbe-benefit ko gagawin ko parin yon kahit ilang ulit pa.

Nung gabing nagkainitan sila Jia at Bea sa Palawan, napansin kong tumayo si Jho sa kanyang inu-upuan at naglakad papalayo sa amin. Di ko na siya pinigilan at hinayaan ko nalang para naman makahinga siya ng sariwang hangin. Alam ko ang ganung  feeling kaya hahayaan ko siya. 

Lasing na kaming tatlo at pare-pareho na kaming hindi makatayo. Sa sobrang lasing diko na alam kung saan kami napunta. Basta ang alam ko, magkasama kami ni Bea. Sa pagkakataong yon, pareho kaming nawala sa aming sarili at pinagsaluhan ang mga bagay na hindi dapat ginagawa sa isang magkaibigan.

Kasalanan ko ba kung sa isang kaibigan tumibok ang puso ko? Pinigilan ko naman, pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.

 

Next DoorWhere stories live. Discover now