Alam kong mayron ng iba
Sa kilos moy nadarama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na Wala ng masasabi, diba? 🎶Kapit moy kay lamig na
Pati halik moy wala ng gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag ibig koy patuloy parin. 🎶Mga sari-saring letra ang lumalabas sa aking utak ngayon. Di ko alam paano magsisimula. Di ko alam kung paano na ako. Paana na nga ba ako ngayon?Naintindihan niyo pa ba ako?
Kaya ko ba to? Kaya ko bang kalimutan ang lahat ng meron kami? Kaya ko ba ang lahat ng ito, para sa kanya? Hindi ko na alam.
Sa isip koy yakap ka pa
Sa isip koy walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamang. 🎶Akala ko wala ng sasakit pa sa mawalan ng magulang. Akala ko nung mawala sila sa akin, yun na ang pinakamasakit sa lahat. Hindi ko na alam.
Ang tanga ko. Akala ko magbabago ang ikot ng mundo pag nagparaya ako. Sa pagpaparaya ko maiisip niya ang pagtitiis ko. Na sana maisip niya kung gaano ko pinapahalagahan ang lahat-lahat. Lahat ng di ko kayang gawin ay nagagawa ko para sa kanya.
Alam kong mayron ng iba
Ang init ay nanlamig na
Ba't di aminin ang di malilihim
Ikaw at ako'y tapos naBawat hakbang palayo ka
Walang linaw na babalik pa
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag ibig koy patuloy pa rin🎶🎶Mga luhang di ko mapigilang umagos sa aking mukha. Mga luhang kinakapitan ko sa tuwing nasasaktan ako. Mga luhang nakakaintindi sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ito nalang ang meron ako. Pipigilan ko pa ba?
Ang hina ko...ang hina-hina ko sa lahat ng bagay. Isa akong duwag. Naduduwag ako sa twing naiisip ko na paano kung iiwan niya ako sa huli.
Paano kung di ako ang piliin? Mas masakit marinig ang katotohan kaya huwag nalang. Di ko kaya.
Sa isip koy yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamangMananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamang🎶🎶Bawat lyrics ng kantang to parang pinapatamaan ako. Parag ginawa to ni Juris para sa akin. Saktong-sakto.
Gusto kong maawa sa sarili ko pero kahit anong pag seself pity ko umiiral parin ang pagmamahal ko.
Sana mababago ko pa ang takbo ng relasyon namin. Sana maalala ng puso niya na nandito ako nagmamahal sa kanya. Masakit mang isipin na sa twing magkasama kaming dalawa nasa iba ang utak niya. Sa twing sasabihin niya sa akin "mahal na Mahal kita, Love" ngunit di ko maramdaman. Alam ko. Alam na alam ko, Love.
Umaga na pala di ko man lang namalayan. Nandito ako ngayon sa ilalim ng kahoy sa may bandang likod ng restaurant. Mga boses ng mga ibon ang aking naririnig at malalamig na hangin na yumayakap sa buong paligid. Dito ako napadpad matapos kong mabangga kagabi. Dito na rin ako naabutan ng umaga. Sobrang ginaw pero choks lang.
YOU ARE READING
Next Door
FanfictionThis story talk about the right love at the wrong time. Faithful leads to unfaithful. Love in sadness. Happiness leads to death and believe turns to beliefs. How love conquer everything? Well, let's see how this story will end. Have a nice read ev...