"Kaya pala binasted mo yung taga Sales department." Tukso sa akin ni Farah.
"In her defense, kahit ako basted talaga 'yun." Nicole winked at me.
"She's just reserving herself to someone." Sabi ni Farah.
Isang linggo na nakalipas pero grabe pa rin sila mang asar sa akin. Hindi na tuloy ako bumalik doon. I settled for the cafe in our building which taste awful compare to Arvic's shop.
I still can't believe he owns his coffee shop. Alam kong matalino siya and madiskarte but coffee is not his type of a person. He's more of a inuman type. Pag bar ang inopen niya baka maniwala pa ako. He's just different from what I imagined him to be.
Hindi ko na pinansin sila Nicole at nagbasa nalang ng emails.
Pepper called later that afternoon. "Nasa office ka? Meet tayo pag out mo. I'm in the area."
"Basta sunduin mo ko."
"May choice ba ako?"
I grinned. Kahit bakla si Pepper ay sobrang gentleman pa rin siya. He open doors for me and even let me walk in first.
Wala pang 6pm pero tumatawag na si Pepper. "Asan ka na, girl?"
"Wala pa kayang 6. Gaga ka hindi ko pa uwian." Sabi ko.
"Alam mo naman mga guard niyo dito." Sabi niya then out of earshot narinig ko siyang nakikipag-usap sa guard. "Kuya bababa na daw siya. Ayan na siya. 30 seconds." Then back to me again. "Magready ka na pag log out mo tumakbo ka na. Bilisan mo!"
Mukhang irita na 'yung guard pagbaba ko kaya nginitian ko nalang siya at sumakay na.
"Girl! Sumakit 'yung bangs ko, girl. Ang bagal mo." Sabi ni Pepper.
"How is it my fault? Eh ang aga mo."
"Umaawra awra ka pa kasi. Sabi ko tumakbo ka na, inuuna mo pa ganda mo. Miss Universe?"
Umirap ako sa pagiging sarcastic niya. Our friendship was mostly made out of that anyway. Sanay na ako sa kanya.
"I have chika." Sabi ko. "Did you know, may coffee shop si Arvic malapit dito?"
Pepper looked me at briefly. "Yeah. Why, hindi mo alam?"
"Paano mo nalaman?"
"Everyone knows! Huli ka na sa balita. That's hardly a chika."
"I just found out last week when I went there. I even asked him if he has a job and I sort of judged him after he said he doesn't have a job. Nakakahiya."
Tinawanan lang ako ni Pepper. "Dapat lang na mahiya ka. Oh tapos anong nangyari?"
"Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin?" Reklamo ko.
"Diba hindi ka naman interesado?"
"Hindi nga. But at least."
"At least ano?"
Sumimangot ako. "Wala."
"Oo nga pala, sinabihan ko silang aalis tayo baka gusto nilang sumama. They are around the area too."
I shifted in my seat. "Seryoso? Bakit hindi mo sinabi kanina? Tsaka kailan pa kayo naging close?"
"Lately lang. Boring naman kung tayong dalawa lang. Mas masaya kung may boys diba?" Excited na sabi ni Pepper.
"No, Pepper."
"Aminin mo masaya sila kasama."
Napailing nalang ako. Bigla akong naconscious sa itsura ko. I finger combed my hair and straighten my dress.
Hinila ni Pepper buhok ko. "Bakit nagpapaganda ka?"
"Maganda na ako." Sagot ko.
"Asus. Naglolokohan pa tayo kahit na alam natin sino pinapagandahan mo sa kanila."
"Wala akong pinapagandahan sa kanila. Please, apat na taon nila ako nakita na walang ayos."
Pepper made a face. A made a face too.
They were already there when we arrived.
"Dahil late kayo," Andrew placed two glasses of beer in front of us. "Inom."
"Hindi ako nasabihan na inuman pala 'to." Sabi ko.
Nagtinginan sila. Then Patrick answered, " Joke lang. Juice juice lang tayo. Si Nico kasi, sinabi nang dinner 'to at hindi inuman."
Doon ko lang napansin na wala si Arvic. Siya lang ang wala. Hindi ko rin tinanong dahil ayaw kong mag mukhang interesado lalo na sa kanya.
"Magkakalapit lang pala tayo ng office." Sabi ni Nico.
"Working kayo or business?" Tanong ko.
"Employed kami." Tumingin si Nico kay Vince. "Business partners sila ni Arvic. Ewan ko nga pano sila nagkakasundo."
"Try dating his sister kung hindi mo susundin 'yung Kuya." Sabi ni Andrew kay Nico.
Vince just laughed tapos tumingin siya sa akin. "He's just wrapping things up. Susunod siya."
"Huh?" Nagtataka kong sabi.
Pasimple akong siniko ni Pepper at nginitian. This didn't go unnoticed by Vince but he didn't say anything. I didn't say anything.
Kumain lang kami at nagkwentuhan. Inaasar nila si Vince na takot kay Arvic dahil kay Trisha. Pepper being Pepper and Nico being funny as always.
Then biglang napunta sa akin ang usapan.
"Diba may boyfriend ka nung college tayo?" Patrick asked.
"Yup."
"Nako mukhang ayaw pag usapan. Hindi ko na itatanong." Aniya.
Tumawa ako. "Ok lang. We are not in bad terms. We're still friends."
Pepper cleared his throat. "He's a douche. Bakit ba natin siya pinaguusapan? Past na siya."
"Woaaah." The boys roared and laughed.
"Bakit hindi 'yung future pag usapan natin?" Ngumisi si Pepper.
"Pepper!" I started but closed my mouth when I saw Arvic walking towards us.
Umupo siya sa tapat ko. "Continue. Don't stop on my account."
In my peripherals Andrew and Patrick are nudging each other and hugging na parang kinikilig.
Hindi ko sumagot. Vince offered him a beer.
He took a sip, "So anong pinaguusapan niyo?"
"Future boyfriend ni Mandy." Pepper answered.
Tumaas ang dalawang kilay niya. "Oh. Sino?"
"Wala. Anong future boyfriend. Wala naman." Sabi ko.
Tumawa siya. "Inaasar niyo nanaman. Hindi na sasama 'yan sa susunod."
"Ano bang type mo sa lalaki?" Tanong ni Nico.
"Wag mo nang alamin. Hindi ikaw." Sabi ni Arvic.
We all burst out laughing. Nico threw a punch kahit malayo siya. Nakaiwas si Arvic habang tumatawa. "Kasalanan ko hindi ka niya type?"
"Gago. Wala akong sinabing ako." Sabi ni Nico.
Andrew patted Nico as if comforting him but he said, "Wag kang malungkot kung pangit ka. Nakakatawa ka naman. Bawing bawi ka."
"Ulol ka gago!" Mura ni Nico sa kanya.
Inasar na nila si Nico. Thank god nawala sa akin ang usapan.
Arvic winked at me. He leaned forward and said in a voice that only I can hear. "No need to thank me."