Chapter 10 - Movie

1K 41 0
                                    

We had more dinners like that. Minsan kasama sila Pepper minsan kaming dalawa lang. Ang masasabi ko lang talaga is, bakit hindi kami naging close noon pa? They are all so fun to be with! I got stuck with Pepper since college while there's a whole lot of world out there.

Isang beses ko lang sila nakasamang uminom nung college and I can't even remember anything. Wala akong lakas na loob itanong sa kanila kung anong nangyari nung outing.

Maybe I could ask one of them later dahil magkikita kita kami sa bahay ni Andrew. Arvic and Vince are most likely to remember everything dahil silang dalawa ang malakas uminom.

May I'll ask Vince.

Nasa office pa ako at tinatawagan ako ni Nico.

"Mandy! Nasaan ka?"

"Office pa, why?"

"Sunduin ka namin dyan. Kasama ko si Paul." Aniya at narinig ko ang boses ni Pepper correcting him.

"Magkasama kayo? Bakit kayo magkasama?" I asked.

"Susunduin ka namin." He said it like it's very normal for him to be with Pepper na magsundo sa akin.

"Ok. See you later."

I got a text from Pepper after that.

Pepper:
Bilisan mo! Nabibingi na 'yung right ear ko kay Nico!

Malayo palang ako ay nakikita ko na si Nico. Halos lumabas na siya sa bintana para kawayan ako.

"Hindi ka naman tuwang tuwa makita ako?" Natatawa kong sabi.

"Kanina ka pa hinahanap niyan." Sabi ni Pepper. "Asang asa ka nanaman, Nico."

Hinampas ko si Pepper dahil wala nanaman filter 'yung bibig niya.

Nandun na sila pagdating namin. All of them are there including Trisha. Tuwang tuwa si Pepper sa kanya dahil girl version siya ni Arvic at may fashion sense.

"See? This is what you call an OOTD." Pepper pointed at Trisha.

Trisha is in white romper shorts and what looks like an Hermes sandals.

"Mandy is okay. Gusto ni Kuya mga simple lang." She winked at me then look at Pepper, "Ipapakilala kita kay Ian. I'm sure magkakasundo kayo."

"Gwapo ba 'yan?"

Tumawa si Trisha. "Ohh gwapo si Ian. Sobrang gwapo."

Pepper practically squealed but frowned when Trisha added that Ian is gay.

"Hello, Zamora." Vince came up behind us.

"Hay nako, Velasco. Namiss mo naman ako agad? We were talking about Ian. Sana pala sinama ko sila Ian."

Tumingin si Vince sa akin at ngumisi. "Baka magselos si Mandy niyan?"

"Patay na patay kay Kuya 'yun." Trisha whispered.

My mouth formed an o. Then I grinned, "Si Pepper patay na patay kay Vince."

Trisha is grinning also.

"Seriously, when did you two become close?" Arvic joined us.

"Oops alis na ako. Ayaw ko maging fifth wheel."

I rolled my eyes at Pepper.

"Since forever, Kuya. Ang bagal bagal mo kasi kumilos." Sabi ni Trisha at umalis. Pinuntahan niya si Andrew at tinulungan sa table setting.

"Kuya mo pa rin ako, Trisha!" Pahabol ni Arvic.

This is my chance to ask him about the outing. I can't talk to Vince dahil nandyan si Trisha. Arvic will have to do.

"Okay so, remember 'yung -"

"Tara na dito! Hindi pa ba kayo nagugutom?" Tinawag kami ni Andrew.

Arvic shrugged and lead the way.

Dinner was served with wine. Maingay na agad ang lahat kahit kakaupo lang. Some are eating already and others are sharing embarrassing stories of someone.

"Infairness ang sarap ng food niyo dito. Pwede bang dito makikain araw araw?" Sabi ni Pepper.

"Sure walang problema. Ikaw pa!" Andrew winked at Pepper.

"Wag kang ganyan baka patulan kita."

"Ano ba kasing masarap?" Sabi ni Nico.

"Hoy! Pagkain pinaguusapan natin dito ha."

"Pagkain nga. Alin nga ba? Wala kaming ibang sinasabi." Arvic is laughing.

"Ibang klase 'to si Paul, bro, hindi mo kakayanin 'to." Sabi ni Patrick kay Andrew.

Tinukso ko pa lalo si Pepper. "'Yung totoo anong nangyari nung hinatid ka niya?"

"Ayan ah. Pinaglalaruan niyo ako." Nanlalaki ang mata ni Pepper.

"So pwede nga ba?" Vince grinned.

"Happy kayo guys? Pwede bang kumain muna? Mamaya kayo sa akin." Pepper was saying.

Nagsiksikan kami sa living room pagtapos ng dinner para manood ng movie. Apparently they love to watch horror movies together.

Dibs agad si Andrew ng pwesto kung saan malayo kay Nico. Vince and Trisha also picked their place in the couch.

Tumabi ako kay Pepper at si Patrick naman sa kabilang side.

Umpisa palang ay may mga nagsiside comments na at nagtatakutan.

"Tanga naman ng bidang 'to! Wag kasing buksan 'yung creepy na cabinet." Nico was saying.

Imbes na matakot ay natatawa ako sa mga nangyayari. Hindi ako makapagfocus dahil sanay ako na tahimik pag nanonood ng movie.

Nakasiksik si Trisha kay Vince kahit na hindi siya mukhang takot.

Inabutan ako ng chips ni Patrick at inalok ng tubig. Umiling ako sa tubig at sinabing kukuha nalang ako.

Dahan dahan akong umalis para kumuha ng tubig. Tanging ilaw sa TV lang ang nakikita kaya napasigaw ako nung may nakatayo sa kitchen.

"Holy shit!" Sigaw ko. "Papatayin mo ba ako sa takot?"

Tinawanan lang ako ni Arvic. "Hindi ko alam sayo pero wala na ako naintindihan sa pinapanood natin."

"Water?" I offered.

Umupo siya sa bar stool. "Ano nga 'yung sasabihin mo bago tayo magdinner?"

"Ahh 'yun. Wala lang 'yun. Itatanong ko lang sana kung naalala mo 'yung outing natin tapos nagkita tayo nung gabi?"

Tumaas ang kilay niya. "What about that?"

"Nabother lang ako because I totally passed out. Did we do something weird? I don't know or kung paano kami nakabalik sa room?"

Sumandal ako sa kitchen island habang naghihintay ng sagot. Parang nag iisip si Arvic kung sasabihin ba niya o hindi.

Pinagdikit ni Arvic ang labi niya, "Uhmm.."

I just stared at him and praying that I didn't make a fool out of myself in front of him that night.

"Nope. Ang mabait mo ngang lasing. Tahimik ka lang tapos tumatawa. Patrick brought you to your room after you passed out. Pepper was warning him all the way to your room to be careful." He laughed. I smiled at Pepper's sweetness kahit na ang taray niya pag sober.

"Takot lang namin kay Pepper. So don't worry, you were totally normal." He assured me.

"Hoy 'yung nagmoment dyan bumalik na. Wag kayo mag momol dyan sa kitchen ni Mama. Kadiri kayo!" Sumigaw si Andrew.

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon