Hindi kami masyadong nagkikita ni Arvic since saying yes to him dahil naging busy siya. May mag eevent kasi sa cafe nila ni Vince.
Ngayon lang kami nagkita nung bigla niya akong niyayang maglunch. Bitin pa dahil 1 hour lunch break lang ang oras ko.
"Parang gumanda ka?" He teased when he saw me.
I've been ranting about my pimples na lumabas dahil nastress ako sa boss ko.
"Heh! Tigilan mo ako."
"Totoo nga. Do you remember your first time in my shop?"
"Oo alam kong pangit ako nun. Tanggap ko naman hindi ako super ganda."
Tinawanan lang niya ako. "Bakit napipikon ka?"
"Stress na nga ako sa work tapos ngayon lang ulit tayo nagkita aasarin mo pa ako sa itsura ko."
"Joke lang, hindi na. Takot pa naman ako sayo pag galit ka."
Lalo ko siyang sinamaan ng tingin dahil inaasar pa rin niya ako.
"Let's have dinner tomorrow night." Sabi niya bago ako makapasok ng building.
"Saturday bukas diba?" Nagtataka kong tanong. Usually kasi weekdays kami nagkikita at kasama ang barkada niya pag weekends.
Tumango siya.
"Sure."
He hesistated and shifted. "Dinner as in a date."
"Oh."
"Is that still a yes?"
I nodded.
"Wala nang bawian. Sunduin kita sa inyo." He said before he left.
I immediately texted Pepper that I'm going to have a date with Arvic at bigla siyang tumawag.
"Hoy bakla ka! Finally naman! Jusko ang bagal bagal niyong dalawa. So saan daw at anong susuotin mo?"
"Uhm.."
"I knew it." He sighed, "You know what, akong bahala sayo."
Kinabukasan pati si Trisha ay tinatanong ako tungkol sa sabado na wala akong kaalam alam dahil hindi ko natanong kay Arvic.
Sabi ni Pepper tutulong si Trisha sa susuotin ko at doon kami sa bahay nila mag-aayos.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako samantalang naka-ilan dinner na kaming dalawa. Who knows baka doon lang kami sa go-to Japanese resto namin.
"Si Kuya naman ang bilis ngayon na agad gusto makipagdate. Hindi ka man lang binigyan ng time mag-isip ng susuotin." Trisha ranted while leading us to her room.
Maagang umalis si Arvic sabi ni Trisha kaya dito niya kami pinapunta.
"Girl, long overdue na 'tong date nila." Sabi ni Pepper.
"So saan daw kayo pupunta?"
"No idea. Ayaw niyang sabihin." I shrugged.
"Knowing Kuya he will try something fancy. So let's go for a classy look."
Sumunod ako kay Trisha at Pepper na naghahanap ng pwede kong suotin sa closet.
See you tonight. Arvic texted.
Nagreply ako, Actually nandito ako sa bahay mo.
Bigla siyang tumawag. "Anong ginagawa mo dyan?"
"Pinapunta ako ni Trisha." Sagot ko.
"Si Kuya ba 'yan?" Tanong ni Trisha. "Put him on loud speaker."