I waited for a chance to get Pepper alone to tell him what happened.
It was hard to get him alone because he is always with Trisha or talking with the boys. Marami akong sinabing dahilan para samahan niya ako but he shut it all down.
"Kaya mo na 'yan, sis."
"Sister, that can wait, right?"
"Mands, Trisha can help you."
I squeezed his arm to get this attention nung hindi na ako nakatiis.
"I need you, Pepper!" I said firmly.
Hearing my voice he immediately followed me.
He crossed his arms at me. "Ano ba kasi 'yun?"
Hindi rin ako mapakali dahil baka biglang may sumulpot sa kanila.
"Arvic just confessed to me!"
"Ano?" Tumaas ang boses niya. "Kailan? Paano? Ano!"
Hinampas ko siya at pinatahimik. "Pwede bang hinaan mo boses mo?"
Nanlaki ang mata niya at panandalian niya akong niyakap. "You just won me a bet."
"What bet? Pinagpustahan niyo kami?"
"Just me, Trisha and Vince. Trisha bet na matotorpe si Arvic." Pepper grinned.
Hinampas ko siya. "Walang hiya kayo, kaya pala push kayo ng push!"
"Now I need to know the details! Ano nga? Anong sinabi mo?"
"Ang lakas ng boses mo! Baka may makarinig sayo." Saway ko.
"Did you kiss?" He shouted.
"Sige isigaw mo pa para malaman na ng lahat."
Sinamaan niya ako ng tingin kaya inumpisahan ko na ang kwento ko.
"So ayun, tapos tinawag na kami ni Nico."
"Sasabunutan ko 'yan si Nico. Nako! 'Yun na 'yung moment oh. So wala kang sinagot sa sinabi niya?"
"Wala. Ano nang gagawin ko?"
"Ewan ko sayo. Ano ba gusto mo? Kung gusto mo siya edi go. Kung ayaw mo edi wag. Hindi ko naman control feelings mo."
Sumimangot ako kay Pepper. "Oo na, gusto ko rin siya. Pero kasi parang ang bilis. Alam mo 'yun?"
He squealed. "Sabi ko na gusto mo rin siya. Pabebe ka rin talaga eh noh? Nakakainis. Ikaw 'yung pabebe pero nakuha mo pa rin si Arvic Z. Ikaw na talaga!"
"Pepper, I'm not sure if I'm ready. We lose everything pag pinush namin 'to. Hindi ko alam kung kaya kong mawala kung anong meron ngayon."
"Sis, you will not lose everything. You will gain something and you will have each other. 'Yun 'yung point ng isang relasyon. But you have to risk everything first pero hindi ako ang magdedecide niyan para sayo. Ikaw lang makakapagdecide niyan."
This is supposed to be easy. Gusto ko siya at ganun rin siya but why is this so complicated?
"Kahit anong maging desisyon mo, dadamayan kita, okay? Now babalik na ako at sasabunutan ko pa si Nico." Pepper patted me at my back before leaving.
Hindi na kami nagkausap ni Arvic dahil hinila na siya nila Vince at nag inuman sila. Kasama ko buong gabi sila Trisha.
Hindi alam ni Trisha kung matutuwa siya o hindi dahil talo siya sa pustahan nila pero naeexcite siya sa pangyayari.
"Akalain mo ang sungit sungit ni Kuya tapos may ganun side rin pala siya."
"Kanino ka ba kampi ha?" Masungit na tanong ni Ian.
Tinawanan lang siya ni Trisha at humarap siya sa akin. "Should I call you Ate na?"
"Naku tigilan niyo ako." Sabi ko. "Walang meron. Hindi naman kami."
"Doon rin punta nun."
Nagtaklob ako sa kumot. "Bahala kayo dyan. Matutulog na ako. Good night na."
Hinila ni Pepper ang paa ko kaya napasigaw ako. Maya maya nakarinig kami ng ingay at footsteps at may kumatok sa kwarto sabay binuksan.
"Ok lang kayo dyan?" Si Nico.
Sumilip si Vince. Nginitian lang siya ni Trisha at pinaalis na. Nakita ko naman si Arvic sa likod.
Ok ka lang? He mouthed.
Tumango ako bago sila tinaboy ni Ian.
"Ayan tuloy." Natatawa kong sabi. "Matulog nalang tayo."
Hindi pa nakuntento si Arvic at nagtext pa.
Arvic:
Sure ka ok ka lang?Me:
Yup. Nag iinuman pa rin kayo?Arvic:
Sila lang. Matutulog ka na?"Akala ko ba matutulog na?"
Binato ko ng unan si Pepper na nagpaparinig pa.
"Aray! Nakakasakit ka na. Ako na nga lang ang matutulog. Wala naman katext."
Me:
Yup. Good night na :)Arvic:
Good nightWe all slept until noon lalo na ang mga maraming ininom. Naabutan kong nagluluto ng breakfast si Ian at Arvic.
Ian winked at me when I walk past him.
Arvic smiled at me.
Umupo ako sa table habang naghihintay. Nandun na si Patrick na inaantok pa.
Sunod sunod na nagdatingan ang mga tao at umupo sa mesa habang naghihintay ng pagkain.
Kumapit si Trisha kay Arvic at may binulong. Arvic scowled and rolled his eyes.
Pagkatapos kumain ay naghanda na kami para umuwi. Nagkita nalang kami ulit nung aalis na. It is given that I will be with Arvic. Pepper willingly go with Ian.
Bago siya umalis ay nagbeso siya sa akin at bumulong. "Good luck."
Tahimik lang kami ni Arvic at hindi namin pinag-usapan 'yung kagabi until he broke the silence.
"What do you think about what I said last night?"
I paused then said, "Okay."
Napalingon siya sa akin. "Okay as in okay or I have a shot okay?"
"I don't usually say this but please give it a shot?" Pahabol niya.
Natawa ako, "Wala pa nga ako sinasabi."
"You have that no face."
"I don't have a no face. My answer is actually yes, I wanna try this with you." I smiled.
Considering all options and Pepper's advice, ito ang best choice. I know for a fact that Arvic is a good guy and I also know how much he loves his sister. Sapat na dahilan na 'yun para bigyan siya ng chance.
His lips stretched into a smile. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya hanggang sa makauwi kami.
Seeing him so happy is making me happy too. Happy that he, who has no experience in this is willing to try with me.