Chapter 7 - Tambay

1.1K 46 0
                                    

"Wag na natin 'to ulitin. Hindi na ako makikipaginuman sa kanila." Pepper swore.

Pepper rubbed his temple and grunted.

I visited him at his home dahil gusto kong makita ang itsura niya pag kinwento ko ang mga ganap kagabi. Besides he promised to treat me to lunch dahil sumama ako.

"Sweet mo pala pag lasing ka? Yakap yakap mo ako while you confess your love to me." I mimicked him. "I love you girl. I love you."

I'm not even done talking but he's already making a face. Nasa yakap pa lang ako ay nandidiri na siya.

Tawang tawa ako sa itsura niya. "You seem to love me last night. Bilis naman mawala ng feelings mo."

He glared at me so I continued, "You have this fight with Nico."

Kumakain siya ng chips habang nakikinig sa akin. "Nico? Di ko maimagine kung anong pagaawayan namin."

"Sinabihan mo siya ng pangit." I stopped him before he could argue. "Maraming beses."

Pepper choked and I patted his back while he coughs.

"Gano ba kapangit si Nico?" Biro ko.

"I was drunk okay?"

"So ayun. Si Andrew ang naghatid sayo pauwi. I have no idea after that. I wouldn't know kung may ginawa kayo ni Andrew or kung hinalay mo siya."

"Gaga ka! I passed out wala akong ginawa."

I grinned and feigned innocence. "As I said, I wouldn't know."

Sinipa ako ni Pepper dahilan kung bakit muntik na ako mahulog sa sofa. Binato ko naman siya ng unan at tumama sa dibdib niya kaya nagkalat 'yung kinakain niyang chips.

"Bastos ka talagang babae ka!" Sabi niya.

"Sinipa mo ako!" Sagot ko.

Tumayo siya at nagpagpag. "Akala ko ba nagugutom ka na? Anong inuupo upo mo dyan?"

"Meron ka ba? Ay hindi ka pala nagkakaroon." I said and ran before he could kick me again.

xx

I spent the rest of the afternoon at home. Hinatid ako ni Pepper pagkatapos ng lunch dahil magbubeauty rest daw siya sa bahay nila.

Nagligpit lang ako ng gamit at nag Facebook.

Tinag pala ako ni Andrew sa IG story niya kagabi. Pinanood ko ulit at rinig na rinig pala 'yung tawa ko sa background. I reposted it in my story.

May reply agad si Nico:
I didn't expect this from you!! Ang sama pala ng ugali mo :(

Me:
Tinag ako ni Andrew so I had to repost it. Tandaan mo sabi ng mama mo, ok lang pangit basta mabuting tao, Nico.

He replied a bunch of sad emojis.

I'm scrolling thru my FB feed when Arvic messaged me.

He sent a GIF of a dog saying hi.

I replied using GIF also.

Arvic:
Kamusta si Pepper?

Me:
Alive and kicking. Literally kicking! Sinipa niya ako kanina!!

Arvic:
Maybe you deserved it. Magkasama pa kayo?

Me:
Nope. Nasa bahay ako.

Arvic:
Tambay sana pero wala si Pepper so ayoko na rin.

Me:
Sabi ko na! Crush mo talaga si Pepper. I'll do you a favor, ilalakad kita sa kanya.

Arvic:
Great. It means I have to return the favor right? Ilalakad kita kay Nico. I know how much you like him since college.

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon