Chapter 25 - Boyfriend

1.1K 44 1
                                    

Hindi ko ipinaalam kay Arvic ang ginawa niya at mukhang hindi niya rin matandaan. He just called the morning after and asked about his call at 3am.

Nakita niya kasi sa recently called niya at nagsorry ulit na nagising niya ako.

Ngayon ay pupunta naman kami sa birthday ni Andrew. Paniguradong inuman nanaman 'yun at baka may weird nanaman na mangyari.

Dumiretso ako sa pinakamalapit na mall galing sa office at bumili muna ako ng cake para kay Andrew.

"Wala kang personal gift kay Andrew?" Tumawag ako kay Pepper.

I still tease him with Andrew kahit na may Denver na sa picture. I know they are pretty serious since I saw them texting and video chatting many times.

"Meron, ikaw. Ireregalo kita sa kanya pag hindi ka tumigil."

"Ay ang sungit. Warla kayo?"

"Ikaw iwawarla ko. Ano, may nabili ka na ba?"

"Ito na binabayaran ko na. Ang sungit sungit mo. See you later nalang!"

Dinaanan pa rin ako ni Arvic kahit na sinabi kong wag na at mag grab nalang ako papunta.

Inabot sa akin ni Arvic ang susi ng kotse niya.

Tinignan ko lang 'yun. "Oh anong gagawin ko dyan?"

"Ikaw ang mag drive."

"Seryoso ka ba?"

"Bakit pa kita tinuruan?"

"Wala naman akong lisensya. Mahuhuli tayo or worst baka mabangga pa tayo."

"Wag kang paranoid. Hindi tayo mahuhuli o mababangga. Akong bahala sayo. Sige na, ikaw nang bahala." Nilagay niya sa palad ko ang susi.

"Huy!" Tawag ko nung sumakay na siya sa passenger seat.

He didn't budge. Wala akong nagawa at sumakay sa driver's seat.

"Sobrang gentleman mo, grabe." Sarcastic kong sabi.

"Wag ka nang magreklamo simulan mo na." He jerked his chin.

Sumimangot ako at sinimulan. Sinadya kong bagalan para mainis siya at siya ang pumalit.

"Baka bukas pa tayo makarating niyan?"

"Bakit ba kasi ako ang pinagmamaneho mo?"

"Kasi gusto kitang tignan."

Tumingin ako sa kanya at sinaway niya ako agad. "Sa harap lang ang tingin."

"Paano tayo hindi mababangga sa mga pinagsasabi mo?"

"Totoo naman. Hindi kasi kita matignan pag ako ang nagmamaneho. Now I can see you properly."

"Tigilan mo nga ako!"

"Bakit?"

"Isa pa at ibabangga ko 'tong kotse mo." Warning ko. "Pwede bang ituro mo nalang kung saan ang daan?"

"Oh wag kang magalit."

"Kanina pa ako galit sayo kaya umayos ka."
Tumawa siya. "Itabi mo na, ako na. Nagagalit ka na, e."

Trisha is giving out party hats when we arrived. Inabutan niya ako at sinuot naman niya sa ulo ni Arvic 'yung kanya.

Tatanggalin na sana ni Arvic pero pinigilan siya ni Trisha.

"Subukan mong tanggalin 'yan at ididikit ko 'yan sa ulo mo."

Arvic obeyed but called after his sister. "Kuya mo pa rin ako, Trisha!"

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon