Chapter 34 - Wish

1K 50 2
                                    

I texted Arvic to come to my house for dinner.

Naisip kong paglutuan siya since he spoils me too much. Konti palang mga nagagawa ko sa kanya compare sa nagawa niya para sa akin simula ng naging kami.

Nung isang araw pa siya nagccrave ng tinola so I tried looking for different recipe online. I chose to follow the one with the step by step instruction.

I did everything the video says pero parang hindi tinola 'tong akin. Where did I do wrong? Ang tagal ko sa kusina na naabutan na ako ni Arvic.

He paused at the doorstep and sniffed. "Nagluluto ka?"

I'm actually embarrassed to say I am because I don't know if this can even be called cooking so I just nodded.

Ang balak ko talaga ay isurprise siya. Ang plano ay nakaready na ang dinner at kakain nalang siya pero dumating na siya at namomoblema pa rin ako sa niluluto ko.
Nakatingin siya sa akin habang nagpipigil ng tawa.

"You can laugh." I said feeling helpless.

"I'm not laughing. I'm just surprised." Sabi niya at sinilip ang niluluto ko. "It looks good. Hmm and smells good too."

"Do you want to try?" I asked hesitantly. Baka sabihin niya nilalason ko siya pag pinilit ko.

Kumunot ang noo niya pagkatikim niya. Para bang iniisip kung tinola ba talaga ito o ano.

"I give up. Ayaw ko na. Hanggang kain lang talaga ako." Inunahan ko na siya.

"It's not bad. May kulang lang, let me try again." He said and have another spoonful.
"Stop eating it! Umorder nalang tayo." Pinigilan ko na siya sa pangalawang kutsara niya.

Then he smiled, cupped my face and gave me a quick kiss. "I got this. Umupo ka na doon."

I sigh and let him do his magic. Maybe he can still salvage our dinner.

Sinilip ko ang nilapag niya sa mesa. How can I not do this simple task? Gaano ba kahirap magluto?

Nahihiya ko siyang tinignan. "Ikaw pa rin ang nagluto."

"No, I didn't. Luto mo kaya 'to. Be proud." He wiggled his brows.

Sinandukan niya ako bago ang sarili niya. Pagkatikim ko nagulat ako sa lasa. It's like a completely different dish from what I cooked earlier.

Masayang kumakain si Arvic kahit na hindi naman talaga ako ang nagluto. Medyo nahihiya tuloy ako sa kanya.

After the meal I promised myself to watch more cooking shows and videos and learn how to cook so I can cook for Arvic.

Tinignan ko ang phone ko na kanina ko pa hindi pinapansin. Nagulat ako dahil ang dami kong notifications.

Napatingin ako kay Arvic. "Pinost mo?"

Pinost niya sa IG stories niya ang dinner niya with the caption: Best tinola I've ever had.

Now our friends are messaging us. Nangunguna si Pepper sa group chat.

Pepper: I'm shookt! Never ko pa natikman ang luto ni Mandy (with the exception of pancit canton)

Andrew: Padala ka naman dito niyan @Mandy

Trisha: Now I'm craving. Mag-uwi ka, Kuya!

Vince: @Trisha just say the word, Zamora. Lutuan kita bukas

Me: It was all Arvic. Ayaw ko pa kayong malason sa luto ko.

Arvic: What are you saying? It was all you, love.

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon