Nico offered his family's vacation house in Batangas nung nagpumilit si Pepper na mag overnight bonding kaming lahat.
Hindi nakasama si Camille pero kasama si Trisha at Ian.
"Buti nalang kasama kayo because Trisha never invites me." Sabi ni Ian.
"Hindi rin tayo magkakaroon ng ganito kung hindi nagpumilit si Pepper." Sabi ko at humarap kay Pepper. "Ang lakas mo talaga sa mga boys."
"Sa ganda kong 'to? Hindi sila makatanggi noh."
Lahat kami tumawa at may violent comment.
"Mukhang pinagtatawanan niyo kami ah?" Lumapit si Patrick.
"Oo kasi boring kayo." Sabi ni Trisha.
"Uy Vince." Patrick clicked his tongue. "Bantayan mo nga 'tong girlfriend mo. Bad influence sa tropa."
"Role kaya 'yun ni Arvic." Sabi ko naman.
"Anong ako?" Biglang sulpot niya. "Paano ako naging bad influence sayo? I only do good things to you."
"Gross." Trisha said and made her exit.
"Anong good things ba 'yan ha?" Pepper teased.
I nudged Pepper to make him shut up.
"Buti sumama ka." Sabi ni Arvic sa akin.
"May choice ba ako? I had to lie I have a migraine just to come."
Pumalakpak siya. "Congrats on your first lie. Buti nakayanan mo? Workaholic of the year ka pa naman."
"Tingin mo sa kulit ni Pepper tapos sinabayan pa ng kapatid mo may choice ako?"
"Kung sinabi mo sa akin na ayaw mo edi sana dinate nalang kita." Aniya.
"Very funny, Arvic." I made a face and left him.
"I'm serious." Pahabol niyang sigaw.
"Ginagago ka nanaman?" Tawa ni Vince nang magkasalubong kami.
Umirap lang ako. "Pagsabihan mo nga."
"Hindi ko pagsasabihan pero tuturuan ko. Mahina eh, bagal." He tsk-ed.
I sighed. Hindi talaga nila kami tinitigilan.
Minsan hindi ko maintindihan kung joke pa ba o seryoso na. Because he say it in a serious way but the words is just ridiculous and unbelievable.
Hindi sa ayaw kong maniwala na magugustuhan niya ako pero alam ko kung ano ang opinyon niya sa pagkakaroon ng girlfriend.
Binabalewala ko nalang dahil kung maniniwala ako ay aasa lang ako and I hate that feeling.
"Pano pala room arrangement natin?"
Nico answered. "May 3 rooms sa taas. Pwede rin matulog dito sa couch. Ok lang ba sainyo magsamang apat or Trisha and Mandy in 1 room and Ian and Pepper together?"
"Together nalang kami para may space kayo." Sagot ko.
"Pwede ba makitogether sainyo?" Andrew chimed.
"In your dreams." Binatukan siya ni Vince.
So kaming apat, Vince and Arvic then magkasama ang tatlo.
Pagpasok namin sa kwarto ay humiga lang kami at nagkwentuhan ng kung anu ano. Trisha just shared funny stories about Vince and Arvic. Seryoso naman nakikinig si Ian at Pepper.
Ang mga boys naman ay lumabas para pumunta sa beach.
Naisipan naman pagtripan ni Ian ang buhok ko at binraid niya ito.