I don't know how I survived 4 days without Arvic. I'm not over reacting by saying hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. It's just life is boring without him. Walang mangungulit at hindi ako makapag rant pag kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko sa work.
I guess constant face timing works and we update each other daily so 4 days really past by quick.
Sakto naman na may 3 days out of town si Pepper kaya hindi ko siya mayaya. Nagtatampo na nga siya sa akin dahil hindi na kami masyado nakakapagkita.
Arvic is coming back today so we gathered at his house. Si Nico ang may pakana nito at walang alam si Arvic. He doesn't even know I'm here.
"Ang saya mo ata? Una palang talaga alam ko nang kayo magkakatuluyan, e." Andrew grinned.
Tinawanan ko lang siya.
"Uyy miss mo na noh?" He teased more.
"Sympre miss. Ikaw kaya mag LDR." Sabi ni Trisha pero napaisip siya. "Kung sabagay. You won't understand. Wala ka naman jowa."
"Magjowa ka na kasi." Sabi ko.
"So pinagtutulungan niyo ako?"
"Just stating the facts." Sagot ko.
"Alam mo ikaw nagiging makaugali na kayo ng magkapatid na Zamora." Lumapit si Andrew kaya tumakbo ako palayo. "Mabait ka naman dati. Halika nga dito paisa lang."
Saktong bumukas ang pintuan at pumasok si Arvic. Agad akong tumakbo at nagtago sa likuran niya.
"Aba nagtatago ka pa ah."
Nilingon ako ni Arvic. "Looks like you are having fun habang wala ako." Natatawa siya.
Lumabas ako at umubo. "Mga kaibigan mo kasi!"
"Nandamay pa. Mababait kaya kami." Sumulpot si Nico.
"They are what?" Natatawa si Arvic.
"They are well..your friends. You know..."
"Can you guys believe it? Mandy just sound like a Zamora already. Paano pa kung kasal na kayo?"
"What's wrong with being a Zamora?" Trisha challenged.
"The Zamora attitude. See!" Andrew pointed out.
"I like a Zamora." Vince smirked. "Maattitude."
Binagsak ni Andrew ang sarili sa sofa, defeated.
I looked at Arvic and noticed that he is a bit tanned dahil siguro mas mainit sa probinsya.
Gusto kong maiyak dahil namiss ko siya. Hindi ako clingy na tao. Ngayon lang, kay Arvic lang.
Umakyat na siya para mag-iwan ng gamit sa kwarto. Pumunta naman ako ng kitchen para kumuha ng tubig.
Biglang may yumakap sa akin at pinatong ang baba sa shoulder ko. "I missed you."
Nasiko ko siya sa gulat.
"Ow! We haven't seen each other for days tapos ito ang salubong mo sa akin?"
"Sino ba kasi may sabing mang gulat ka?"
"Namiss kita."
I elbowed him. "Oo na. Bitaw na baka makita pa tayo nila Trisha."
"So?"
"Anong so?"
Lalong humigpit ang yakap niya. "5 seconds."
Tumawa ako at humarap sa kanya. "Namiss rin kita."
"Alright time's up." Aniya pero imbes na bumitaw ay kinulong niya ako sa counter. He leaned in and pouted like he's asking for a kiss.
"Arvic, no."
"Mandy, yes."
Tumagilid ang ulo ko at pinisil ang pisngi niya. "No."
"Akala ko ba namiss mo ako? Hindi naman pala totoo."
Before I could answer he closed our distance and gave me a quick kiss. "See, not that hard."
He chucked and left the kitchen. I counted to 10 before following him so it won't be too obvious.
Unfortunately, he is bad at controlling his facial expressions. So when I went back and pretended nothing happened, our friends are looking at me with a teasing smile.
"Bakit? Ano nanaman?" I asked defensively.
Trisha avoided my eyes. The boys are grinning from ear to ear. Even Arvic has a big smile.
"Fine. We had a moment. Happy?" I said to satisfy their curiosity.
Andrew answered, "Who said anything about having a moment?"
"Ewan ko. Wala naman akong sinabi." Sabi ni Vince. Trisha shrugged but is smiling.
Nico shrugged and turned to Patrick. "Wala akong alam."
"I hate your friends." Sabi ko kay Arvic.
Inikot ni Arvic ang tingin sa living room. "Bakit ba kayo nandito?"
His eyes landed on Vince. "Next time ikaw ang mag business trip. The rest of you? Uwi."
"Uy kayo naman hindi mabiro." Andrew was the first to defend himself. "Magpapainom pa nga si Nico sabi niya. Diba?"
"Kailan ko 'yun sinabi?"
"Kuya, alam mo naman ikaw ang the best makipag-usap sa mga suppliers. Velasco can't do that. Hindi siya magaling." Umiling iling si Trisha.
"I can't do what? Sus, makikipag-usap lang sa suppliers-" Vince was cut off by Trisha's gaze.
"Arvic is the best in talking." Vince finished.
"Asan pala si Pepper? Sana pinapunta mo."
Sumimangot ako kay Patrick. "Busy siya sa work."
"Busy? Tawagan natin. Namimiss ko na rin ang attitude ng isang iyon." Andrew said and dialled.
"Hi babe." Bungad ni Andrew.
He put him on speaker.
"Sino ka?" Mapang asar na tanong ni Pepper.
"Babe naman. Ang bilis mo naman akong kalimutan." Andrew laughed. "Saan ka? Miss ka na namin dito. Kasama namin si Mandy."
"Kilala niyo pa pala ako. Akala ko nakalimutan niyo na ako."
"Pwede ba 'yun? Ikaw lang ang nagsabing pangit ako kaya hindi kita makakalimutan." Sumingit si Nico.
"Uyy nagtatampo. Package deal kaya tayo." Sabi ko naman.
"Nako, iba na kaya ang ka-package deal mo. Kung gusto niyo puntahan niyo nalang ako dito. Nasa Batangas lang naman ako."
"Uy sige tara 'yan!" Biglang umingay ang mga tao.
"Set natin 'yan. Gusto mo ngayon na, e."
"Baka naman pumunta kami tapos hindi ka pwede." Tanong ko.
"Duh, I'm always available and ready to mingle! And I could get you rooms too. Akong bahala sa accommodation."
Pumalakpak si Vince. "Ayun sige tara!"
Nagtinginan kaming lahat at sabay sabay na umoo.