Chapter 32 - Conservative

1K 46 1
                                    

This is how spontaneous my friends are. Just like that tumuloy kami sa resort.

Sinalubong kami ni Pepper pagdating namin and lead us to our rooms.

"Tatlong room lang nakuha ko so kayo nang bahala which is which. Kailangan ko nang bumalik. Chika later guys!" Umalis agad siya.

"Dibs kami ni Velasco dito." Trisha called out upon seeing the first room.

"What?" Kumunot ang noo ni Arvic.

Vince purposely avoided his eyes. Our eyes met briefly at pinigilan kong matawa dahil nanghihingi siya ng tulong sa akin.

"Why not? Kuya, you were born in 90's pero ang close minded mo. Masyado kang makaluma."

Arvic scowled at nagtitigan sila ni Trisha.

Siniko ko si Arvic. "Hayaan mo na sila. It's not like Vince will try something."

Tinulak ko na si Arvic bago pa siya makasagot.

I turned to them and nodded. Urging them to go inside before Arvic interferes again.

Trisha smiled at me and stuck her tongue out at her brother.

Nung nakapasok na si Trisha at Vince sa room nila doon ko lang narealize na kami ni Arvic sa isang kwarto.

"Looks like it's you and me then." Ngumisi siya at dinala ang bag ko papasok sa katabing kwarto.

"Conservative ka diba? Bakit ang saya mo?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "I didn't make this happen. Why do you think nasa iisang room tayo?"

I sighed. "Malaki na 'yung kapatid ko. Besides, hindi naman gagawa ng kalokohan si Vince knowing all of us can hear them."

Kinatok ko ang pader sa side nila. "See? Hindi naman soundproof ang kwarto."

"He is not a saint though." Arvic said in a low voice.

"Bakit ikaw santo ka ba?"

"I never claimed I'm one." He smirked and advanced toward me.

Umatras ako hanggang sa tumama na ang likod ko sa pader. Kinulong niya ako kaya hindi ako nakatakas.

"Wanna check if this room is really soundproof or not?" Ngisi niya.

"Mag-isa ka!" Tinulak ko siya at tumakbo papasok ng CR.

Narinig ko ang malakas na tawa niya. Pinagtritripan nanaman ako ni Arvic. Kinatok pa niya ako, "It takes two to tango, Mandy. Bilisan mo dyan."

Nasapo ko ang noo ko. Tinamaan nanaman ng kalokohan si Arvic.

Pepper still has work to do kaya kami muna ang nagsama sama. We just strolled and admired the view hanggang matapos si Pepper.

"Hello friends! Missed me?"

"Pepper!" I ran to him.

"Ay miss na miss?" Tumawa siya. "Kamusta naman kayo dito? Kumain na ba kayo? Sumabay na kayo sa amin kumain. May hinanda ang set. You might meet some celebs too!"

Nag ningning ang mata nung tatlo. "Tara na, babe. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Inakbayan siya ni Andrew. Sumunod sila Patrick at Nico.

Pinakilala kami ni Pepper sa celeb friends niya na nakita ko na sa birthday celebrations ni Pepper.

Kinausap kami ni Trisha ng make up artist. "Alam niyo pwede kayong mag artista." Sabi nila at bumulong, "Mas maganda pa kayo."

Tumawa lang kami ni Trisha.

"So sino ba doon ang boyfriend niyo?"

Tinuro ni Trisha si Vince at Arvic.

Napatili ang mga bakla. "Naku nakakagigil kayong mga bagets. Ang gwapo ng mga jowa niyo. Si Pepper naman! May mga gwapo palang kaibigan sinolo lang."

Dumating si Pepper. "Oh tama na mga bakla. Masyado kayong natutuwa sa mga sisters ko. Hinahanap na 'tong dalawang 'to ng jowa nila."
Tinipon kami ni Pepper sa isang tabi.

"So guys anong gusto niyong gawin? Have you seen the pool? 'Yung may jowa pwedeng mag swimming. 'Yung wala tara inom!"

We sat by the pool while drinking. Hiwahiwalay kami ng pwesto. Kami sa kaliwang dulo at sila Vince sa kabila. Nasa bandang likuran naman namin sila Pepper habang nagvivideoke.

"This is nice."

"What is?"

Sumandal ako sa balikat niya. "This beer, the view, our friends and you."

"May kasalanan ka ba?"

"It's the beer."

"We can do this once in a while. Alternate weekends if you like." Aniya.

"Just us?"

"Yep. Just you and me." Nginitian niya ako.

"Promise 'yan ha."

He clinked his bottle to mine. "I promise."

Bumalik ang kaba ko nang tulugan na. Naalala ko ang pang-aasar niya sa akin kaninang hapon.

Nagmadali akong gawin ang evening routine ko at humiga ng kama at pumikit. Baka sakaling tulog na ako paglabas ni Arvic ng CR.

Nakapikit pa rin ako nung naramdaman kong lumubog ang kabilang side. "Tulog ka na agad?"

Hindi ako sumagot.

"Bakit ba ang layo layo mo?"

Napasigaw ako nang bigla niya akong hinigit palapit sa kanya. "Hmm this is better." He said.

"Ano ba. Tulog na ako." Umarte pa akong nagising.

Tumawa siya. "Kilalang kilala kita pag nag iinarte ka lang. I don't know why you still do that."

"Bakit ka biglang nanghihila? Anong nangyari sa bawal magkaroom ang babae at lalaki?" Sabi ko sa maliit na boses.

"Applicable lang sa kapatid ko 'yun."

"Ang close minded mo pa rin talaga."

"I call it protective." Pinatong niya ang baba sa balikat ko.

Pinagdikit ko ang labi ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Parang kailangan ko rin ng protection laban sayo." Biro ko.

"I'm protecting you now." He said.

"Saan banda? You call this protecting?"

"Oh?" I hear amusement in his voice. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Eh ganito?"

"Uhm.."

Mabilis niya akong inikot paharap sa kanya. Nanliit ang mata niya sa akin. I tried to contain my smile while shaking my head.

Nakangiti siya sa akin. "What should I do then?"

I cupped his cheeks. "Ganito," Then I kissed him briefly. "Now you're safe."

He flashed me a big smile. "You make me crazy."

"Oh, anong ginawa ko?"

"How come ang chill mo while my heart is racing?"

Oh boy, you have no idea how crazy this makes me feel right now.

"Kulang ka lang sa experience." Tumawa ako habang inaasar siya.

"Sigurado ka?"

Nanliit ang mata ko sa kanya. "May kailangan pa ba akong malaman? Sabihin mo na habang maaga pa."

Humalakhak siya. "Matulog na lang tayo. Aawayin mo nanaman ako, e."

"So meron nga? Umamin ka na habang good mood pa ako."

"Wala. Tinotoyo ka nanaman." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Sleep, love."

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon