Chapter 26 - Hangover

1K 47 2
                                    

Ayaw ko pa sanang bumangon kung hindi sa sinag ng araw na galing sa bintana. Nagtakip ako ng kumot at pumikit ulit when I heard a voice.

"Gising ka na?"

Napabalikwas ako ng bangon at agad kumirot ang ulo ko kaya napahiga ako ulit. "Awww."

"How much did you drink?" Said the voice.

Boses 'yun ni Arvic. Hindi ako pwedeng magkamali. I don't know why I'm hearing his voice right now but I ignored it.

Lasing pa ata ako dahil imposibleng nandito siya.

Lumubog ang isang side ng kama nung may umupo doon. Now this is weird so I opened an eye to check.

Napapikit ako ulit nung nakita kong si Arvic nga. Nagising ang diwa ko at naalala ang mga nangyari kagabi. I was drinking with them and...and...shit anong nangyari?

Am I in Arvic's bed? Ngayon ko lang napansin ang dark blue sheets niya. Kaya pala ang sarap ng tulog ko at medyo weird sa feelings dahil malambot ang kama.

Nagtago ako sa ilalim ng comforter habang pilit inaalala ang mga pangyayari.

Arvic chuckled, "Alam ko gising ka na."

"Matutulog pa ako."

"Hindi ka ba nagugutom? Judging by how drunk you were last night sure akong gutom ka na. May breakfast sa baba." Aniya.

Bigla kong naalala si Trisha. Nilabas ko ang ulo ko sa comforter.

"Si Trisha? We were drinking and..." I trailed because I have no idea what comes after and.

"Tulog pa." He leaned forward and suddenly he is being serious. "Kailangan pa ba kayong bantayan? How wasted were you na hindi mo matandaan? Do you also drink like that outside? It's a bad idea na magsama kayong dalawa."

Napahawak ako sa ulo ko. Sunakit bigla ang ulo ko sa sermon niya. "Don't go Kuya mode on me. At nagsasaya lang naman kami. Why is it that when you guys do that ok lang pero pag kami hindi pwede?"

"Hindi ko sinabing hindi pwede. Pwede kang magsaya pero may limit. Alam mong hindi kita pinagbabawalan. Mandy, what I'm saying-"

I cut him off. "Oo na alam ko na."

I looked away and realized that there's only one bed and no couch or anything.

So... "Saan ka natulog?"

He raised his brows at my question. "Anong tingin mo?"

Pasimple kong tinignan ang kama. Malaki ang kama niya so kasya kaming dalawa at may space pa.

Tumawa siya. "Don't worry, sa baba ako natulog. I don't think may pwesto pa ako kahit gusto kong matulog dito since you are hoarding all the space."

I pursed my lips and looked away.

"Isa pa baka magalit 'yung boyfriend mo."

Napaharap ako sa kanya. "Anong boyfriend?"

"Last night sabi mo wag kitang hawakan dahil magagalit boyfriend mo. Sabi mo pa susuntukin ako ng boyfriend mo."

"Um, wala akong boyfriend?" I answered.

Nag-isip si Arvic. "Hmm I think you do. Sabi mo 'yung boyfriend mo nanununtok ng kaibigan."

Shit.

"You don't have to look so horrified. At least hindi mo dinescribe si Nico. That will really be horrifying." He laughed.

Tawang tawa siya habang kinekwento kung anong pinaggagawa ko.

"Ikaw nga tumawag tapos may palove love ka pang nalalaman." Bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?"

Nag angat ako ng ulo. "Wala."

Doon ko lang napansin na bihis na bihis siya. "Aalis ka?"

"Kailangan kong pumunta ng shop to check up on things. You can stay, ihahatid kita pagbalik ko."

Tumango ako at hindi ako nakagalaw nung hinalikan niya ang noo ko. "Please, stay."

I kicked the comforter the moment he's out. Stay? I'm not his girlfriend or anything para magstay ako dito. At 'yung halik? Ano iyon?

So I got up and went to the bathroom. Inayos ko ang sarili ko and I still have plenty of time to check his room. Hindi kalakihan ang kwarto niya. There's a coat rack beside the door, may work table siya at may mga frames and that's it.

May mga pictures nila ni Trisha at ng barkada niya.

I paused. Wait, I don't have to wait for him. Bakit ako makikinig sa kanya? He's not my boyfriend yet.

Kailangan ko nang umalis bago pa magising si Trisha.

Inayos ko 'yung kama at nag iwan ng note. Nakailan papel rin ako bago ako nakuntento sa sinulat ko.

I went home. Thanks, boyfriend.

xx

Tinawagan ako ni Arvic kinagabihan.

"Oh?" Sagot ko.

"Nakauwi ka na?"

"Oo, pag inantay kita edi namuti na mata ko."

"Dito ako sa labas. Come out?"

"Ano? Bakit?" Naging alert ako bigla.

"I brought coffee. Sayang naman kung itatapon ko lang."

"Bakit itatapon? Edi inumin mo." Sabi ko pero tumayo na ako at tinignan ang sarili sa salamin.

"Kung ayaw mo aalis nalang ako." Aniya.

"Ito na lalabas na. That coffee better be good."

I didn't bother to change my clothes dahil wala naman pupuntahan at nakakatamad. Naka loose t-shirt lang ako at shorts.

"I told you to wait for me at ihahatid kita."

"I heard you pero hindi ko naman kailangan sumunod. Hindi naman kita boyfriend."

Nilabas niya sa bulsa 'yung note ko. "Your note says otherwise."

"We both know joke lang 'yan. Tinotoo mo naman."

"Bakit hindi natin totohanin?"

"Hmm?" Nanlaki ang mata ko.

"Be my girl, Mandy. Officially?"

Kumunot ang noo ko at sumimangot ako. "Hindi ka ba pwedeng pumili ng timing na maayos ako?"

Pepper would probably reprimand Arvic for not preparing something or gauge the situation.

Tinignan niya ang mukha ko at ang suot ko. "Maayos ka naman."

"I mean can't you like take me out on a date tapos tsaka mo itanong 'yan?"

"I thought you'd prefer simple over extravagance?"

Pumikit ako. Did he really have to compare that? Simpleng tao lang ako pero at least ask me when I'm in my right mind? Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanya.

"But not like this. May hangover pa ako at wala akong tulog!"

"That's why I brought coffee."

Sumasagot pa siya.

"Sige mag reasoning ka pa dyan nang hindi talaga kita sagutin."

His lips twitched. "Sinasagot mo na ako?"

"Nope, manigas ka dyan! Ask me again when I'm sober and not hangover. Bye, thanks sa pa-kape mo." I waved.

Pumasok na ako at iniwan siya sa labas. Kanina ko pa pinipigilan ngumiti at hindi naman talaga ako nagrereklamo.

Ang totoo gusto ko lang siyang asarin. That's for teasing me earlier this morning.

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon