Chapter 28 - Clingy

1.1K 50 2
                                    

I took a deep breath and reached out to hold Arvic's hand.

This is the first that we will meet his friends after getting together at alam kong alam na nila pero hindi pa ako ready sa pang-aasar nila.

"They have been teasing us since day 1 ngayon ka pa hindi ready?"

"Iba 'yun. Walang meron nun ngayon meron. And Andrew is the worst of them."

He tugged at my hand. "Tara na, akong bahala."

They were waiting for the exact moment we entered and whistled. Nagtatalon sila na parang nanalo ang favorite team nila sa basketball.

"Iyon oh!" Patrick yelled.

"Pumapag-ibig na talaga!"

I growled at him. "Ikaw bahala?"

He smirked at me and faced the crowd. "Titigil kayo o aalis kami?"

Nagtinginan sila tapos hinampas ni Andrew si Patrick. "Sabi ko sayo tumigil ka na."

Tunigil naman sila but Andrew is humming a love song. Nung sinamaan ko siya ng tingin ay nginisian lang niya ako.

"Kailan pa naging kayo?" Nico asked.

Vince patted his back. "May mahahanap ka rin."

"Tanga! Nagtatanong lang ako. Parang gago 'to."

Arvic laughed. "Wag mo na kasi itanong."

"Yup. Don't put salt on your wound." Patrick is laughing.

"Hindi talaga makausap ng maayos mga tao dito."

Lumapit ako kay Nico at inakbayan siya. "Kahit ako hindi makausap ng maayos?"

"Nako Arvic tignan mo 'tong girlfriend mo oh. Nangaakbay." Sumbong niya.

Umiling lang si Arvic at umalis sila ni Vince papuntang kusina.

"So, gusto mo bang ipakilala kita sa mga friends ko?"

"Kung si Pepper lang 'yan wag na."

Tumawa ako. "I also have other friends noh."

"Hindi na. Pagtritripan niyo nanaman ako."

"Don't tell me crush mo pa rin ako?" Biro ko.

Napakamot siya sa ulo at tumayo. "Makakuha na nga lang ng beer."

Kasabay nun ay ang pagbalik ni Vince.

"Anong ginawa mo dun?"

I shrugged. "Sabi ko papakilala ko siya sa friends ko. Saan pala si Trisha?"

"Ayaw sumama, e. Nagsasawa na daw siya sa mukha ko." Tawa ni Vince.

Pag angat ko ng tingin ay nakatingin lang sa akin si Arvic. Kausap niya sila Nico pero sa akin siya nakatingin.

Nagtaas ako ng kilay. What?

Umiling siya. Nothing.

"Did you know that college palang gusto ka na ni Arvic?"

"Hmm?" Napaharap ako kay Vince.

"How can you not know? 'Yung tinginan niya sayo hindi nagbago. It was like that then and now."

"Weh? Niloloko mo nanaman ako."

Vince chuckled. "Akalain mo? You can really get the girl by waiting?"

No way. There is no way.

"Pwede bang inuman na?" Andrew announced with two bottles of whiskey in hand.

The King Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon