Nakareceive ako ng text galing kay Pepper.
Wag kang umuwi hanggang hindi pa umaga!
Natawa ako at pinakita kay Arvic. Pinakita naman niya sa akin ang text ni Trisha.
Nilock ko 'yung gate, Kuya. Umaga ko na bubuksan. Enjoy your date!
"Ate na nga gustong itawag sa akin ni Trisha." Sabi ko.
"Ayaw mo ba?"
"Gusto mo ba?" Tanong ko pabalik.
Hindi niya inasahan ang tanong ko pabalik. He expected me to be flustered pero siya ang natigilan.
Nginisian niya ako. "Oo gusto ko. Gusto kita diba?"
"Sigurado ka first time mo manligaw?"
"Bakit, in love ka na sa akin? I'm not even starting." Nilapit niya ang mukha sa akin.
"Minus 10. Masyadong mayabang. Negative 50 ka na ngayon." Sabi ko.
Humalakhak lang siya because he knows I'm in love with him already.
God, I'm so smitten!
Nasundan pa ng maraming dates ang first date. Marami siyang pakulo at pakilig.
Inaasar na nga siya nila Vince dahil ibang iba si Arvic na kilala nila.
Tulad kanina habang nanonood kami ng movie sa bahay nila. Nasa mahabang couch ako at katabi ko si Patrick. Si Arvic ay nasa solo chair sa gilid.
Imbes na sa TV siya nakatingin ay panay ang sulyap niya sa akin at ngingisi sa akin.
"Ayaw ko na nga dito! Parang gago, e." Biglang tumayo si Patrick.
Akala ko anong nangyari 'yun pala nirereklamo niya si Arvic.
"He kept shooting love eyes! Nakakailang ang gago. Magtabi nga kayong dalawa. Damay niyo pa ako."
Nagtawanan ang lahat at inasar si Arvic.
Andrew whistled. "Pumapag-ibig na si boss."
Tapos sabay silang kumanta ni Vince ng Pag-ibig na Kaya.
Hiyang hiya ako the whole time.
Arvic just shook his head. Nagkatinginan kami at natawa nalang pareho.
This is new to his friends kaya siya ang laging trip ngayon ng barkada. But Nico is still not spared.
"Paano ba 'yan, Nico, naunahan ka?" Asar ni Patrick.
"Bakit nanaman ako nadamay?"
"Crush ka talaga ni Nico." Sabi ni Vince sa akin.
Tumawa lang ako. "College pa kaya 'yun. Grabe kayo ang tagal na nun ayaw niyo pa tigilan si Nico."
Napaharap si Nico sa akin. "Alam mo?" Tumaas ang boses niya.
"You're not actually subtle."
"Shit."
Natulala si Nico. Natawa ako sa itsura niya. Sa kanilang lahat si Nico lang 'yung parang bata. He doesn't act according to his age which is good kasi chill lang siya kasama.
"And the memes." Arvic added.
"What mem-" Nanlaki ang mata ni Nico. "Paano mo alam 'yun?"
"That's how you don't get the girl." Inakbayan siya ni Andrew. "Di bale mabait at nakakatawa ka naman."
Inalis ni Nico ang pagkakaakbay ni Andrew. "Tigilan mo nga ako dyan sa nakakatawa na 'yan."
"Bakit nakakatawa ka naman talaga ah? Diba Mandy?"
Pinigilan kong matawa pero nung nakita ko ang itsura ni Nico ay natawa na ako. Dahan dahan akong tumango.
Pumigil si Arvic. "Tama na baka umiyak si Nico. Papakilala nalang kita sa iba, ano payag?"
"Ayaw ko. Bahala kayo sa buhay niyo! Uuwi na ako." Nagtatampong sabi ni Nico.
Pabiro kong hinampas si Arvic na tigilan na. Tinawanan lang niya ako.
Nung tinamad na ang lahat sa bahay ni Arvic ay nagyaya naman sila sa bahay ni Andrew.
"May stock pa naman tayo doon diba? Sakto doon nalang tayo para hindi tayo istorbo kay Trisha dito."
"Tara." Nag oo na si Andrew. Vince nodded, Nico stood up and is ready to go.
"Mandy?" Tanong ni Vince.
Nagkatinginan kami ni Arvic.
"Ihahatid ko lang muna si Mandy." Sabi ni Arvic. "Sunod ako."
"Sige. Ingat kayo."
Nagpaalam na rin sila sa akin. Nung nakalabas na kami tsaka lang ako nagtanong, "Bakit hindi ako pwedeng sumama?"
"Hanggang late pa 'yun. Tsaka ikaw lang ang babae hindi sasama si Trisha kaya wag na. Gusto mo bang sumama?"
Umiling ako.
"Sure ka? Ok lang naman kung gusto mo."
"Hindi na, wala rin naman si Pepper or si Trisha."
Hinatid na niya ako pauwi. Hindi hinahayaan ni Arvic na late ako iuuwi sa bahay. Kahit na wala akong curfew ay sinisigurado niyang wala pang alas dose ay nasa bahay na ako.
"Inuman pa kayo?"
"Yup."
"Wag ka masyadong uminom ng marami kung magdrive ka pa." Sabi ko.
"Is that concern I hear?"
"Yes. I'm concerned so ingat, okay?"
"Of course." He smiled.
"Text mo ako ha."
"Yup. Sige na pumasok ka na. Good night."
Nakatulog na ako nung nakarating siya sa bahay ni Andrew pero nagising ako sa call ni Arvic. Tinignan ko ang oras at alas tres na.
Nakapikit pa ang isa kong mata nang sinagot ang tawag niya. "Hello? Ok ka lang? Ano nangyari sayo?"
"Sorry did I wake you?"
"Ok lang. Nandyan pa rin kayo?"
"Yup. Lasing na si Nico. Natulog na sa tabi ng pool." Tumawa siya.
Parang ang giddy ng boses niya kaya tinanong ko rin siya. "Lasing ka na ba?"
"Medyo. Pero kaya ko pa naman."
"Uuwi ka pa niyan?"
"Baka dito na ako matulog."
"Good." Then narinig kong tinatawag na siya. "Sige na bye na, tawag ka na nila."
"Hayaan mo sila. Istorbo. Ikaw ang gusto kong kausap." Aniya.
Kikiligin na sana ako kung hindi lang alas tres ng madaling araw at hindi niya ako ginising.
"Anong oras na? Matutulog na ako, okay? Matulog ka na rin."
He sighed. Parang nalungkot pa siya. "Good night, love."
"Anong tawag mo sa akin?"
"Love. Ayaw mo ba?" A pause then, "I love you, Mandy."
Nagising ang diwa ko at napabangon ako. "Anong sabi mo?"
"Wala, sabi ko matulog ka na. Sorry nagising kita."
Tapos nawala na siya sa linya.
"Huy! Anong sabi mo?"
Pero wala na siya. Napatingin nalang ako sa screen ng phone ko.