"Neng ang ganda mo!"sabi sa akin ni Meng habang kumakain kami sa isang carenderia malapit sa amin, "Yung ganon kaguwapo pinahihirapan mo ng ganyan, ang ganda mo talaga. Nagtataray ang kagandahan mo niyan."
"Ano ka ba Meng, hindi ko naman talaga gustong pahirapan yung tao."
"Hala eh anong tawag mo ron sa gusto mo rin pala siya pero pinatatagal po yang pagliligawan niyo? Ano ka ba, Des, balak mo bang mangolekta ng chocolates, roses at stuffed toys kaya ayaw mo pang sagutin yang si Jad."
"Paano si Che-ann?"
"Che-ann! Hoy lukring ka talaga Des, nanahimik yung babaeng yun sa Amerika dinadamay mo pa rito."
"Alam ko naman kasi eh, kahit kailan hindi ko kayang pantayan yung pagmamahal ni Jad kay Che-ann."
"Aba, neng, kailan mo naman naging feeling yung feelings ni Jad, malay mo naman. Takot ka kasing masaktan eh, Neng walang buhay na perpekto, kung masasaktan ka masasaktan ka ang mahalaga alam mo sa sarili na ikaw, wala kang nasasaktan na ibang tao." Payo sa akin ni Meng, "Ano ba girl? Sagutin mo na si Jad, excited na akong magkaboylet ka noh!"
Sobrang saya ko at sa wakas ay makatapos ng ilang buwan ay natanggap na rin ako sa trabaho. Unang araw ko sa publication na pinagtratrabahuhan ko kaya talagang abala ako sa pag-aayos sa sarili ko.
"Ang celphone mo ba dala mo? Ang wallet mo nasa bag mo ba, o baka may nakalimutan ka pa ha." Sabi sa akin ni Jad nang sinundo niya papuntang opisina.
"Oo, kagabi ko pa inaayos ang mga gamit ko noh."
"Good. Basta tandaan mo palagi ha, maging mabait ka ron, give them a good impression ha, maging palabati ka lago kang maggood morning at lagi kang ngingiti." Dagdag payo niya sa akin habang nagmamaneho siya ng kotse.
"Yes sir. May ihahabalin pa po ba kayo sa akin sir?"
"Lagi mo lang isipin na andito ako para sayo. Susuportahan ka."
Ngumiti ako sa kanya, "Alam ko naman yun eh."
Inihinto ni Jad ang sasakyan niya sa tapat ng pintuan ng building na iyon at dali-dali akong lumabas ng sasakyan.
"Hoy, wag ka ngang magmadali, maaga pa."sabi sa akin ni Jad na sumabay sa akin na lumabas ng sasakyan.
"Kinakabahan kasi ako."
Lumapit siya sa akin at inaayos niya ang kuhelyo ng damit ko, "Ayusin mo yung polo mo."
"Okey na ba ako?"
"Oo naman. Ang ganda-ganda mo nga."
"Sige, mauna na ako ha. Thank you ha."
"I love you."
Ngumiti ako sa kanya, "Sige pasok na ako." Naglakad ako papalayo sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing sasabihin niya sa akin ang mga salitang yun.
Gustong-gusto ko na ngang ipagsigawan din yun sa kanya kaya nga lang pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa hindi pa akong handing sagutin siya.
Pero ang sarap-sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing sasabihin niya sa akin yun.
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ko muli si Jad. Andoon pa rin siya nakatayo sa tabi ng sasakyan niya parang inaabangan niya akong pumasok ng tuluyan sa building.
"Jad!"at kinawayan ko siya, "Jad, I love you too!"
Napansin kong napanganga si Jad sa sinabi ko parang hindi niya alam kung anong isasagot niya sa akin.
"Magkita tayo mamaya ha, after office." At agad akong tumakbo papasok ng building.
Dahil first day sa trabaho ay wala pa rin ako masyadong ginagawa sa opisina kaya panay bantay ko sa orasan para tignan ang oras. Excited din kasi ako sa pagkikita naming ni Jad, for sure marami kaming pag-uusapan dahil sa sinagot ko na siya.
Nangtumama ang orasan sa alas-singko ay nagpalampas muna ako ng mga five minutes bago ako dali-daling nagpunta sa may bundy clock para mag-out.
Pagkasampa ko sa elevator ay hindi humihinto ang kaba sa dibdib ko, mas malakas pa yata ito sa kabang naramdaman ko kaninag umaga. Paglapag sa first floor ay mabilis akong lumabas ng elevator at lumabas ng building expecting na andoon si Jad, naghihintay siya sa akin sa labas.
Paglabas ko ng building ay hinanap agadng mag mata ko ang presence ni Jad o di kaya ang sasakyan niya, pero hindi ko siya makita. Nilibot ko ang labas ng building baka andoon lang ang sasakyan ni Jad pero bigo akong makita yun.
Napaupo ako sa isang bench sa may labas ng building. Malungkot kong inabanagan si Jad, umaasa na darating siya. Baka naman kasi na traffic lang, o di kaya may kausap na kliyente, o di kaya baka na paano na siya...
Grabe naman, ganito yung mga napapanood ko sa mga pelikula eh yung kay kailan happy-happy na ang lahat tapos biglang may maaaksidente o di kaya mamatay. Wag naman po sana.
Isa-isa ring naglabasan ang mga kaopisina ko at naabutan pa nila akong naghihintay sa labas ng building.
"Uy, Des, ba't andito ka pa? Wala ka pang sundo?" tanong nila sa akin.
"Am hindi pa kasi dumarating yung kasama ko eh." Tanging sagot ko sa kanila.
Jad, asan ka nab a? bakit pa kasi kung kailan kita sinagot saka ka pa malilate sa usapan natin. Di kaya ginagantihan ako ni Jad? Ako naman ngayon ang pinaghihintay niya? Hay sobra naman siya, tatlong buwan lang naman yun ha at hindi tatlong taon.
Isang oras na rin akong naghihintay sa labas ng building pero wala pa rin si Jad. Kinuha ko na ang aking celphone pero walang text don si Jad kaya sinubukan kong tawagan siya, pero cannot be reached naman. Ano na bang nangyari kay Jad?
Napayuko hindi ko mapigilan ang maiyak sa pag-aalala.
"Hoy!" bigla akong lumingon nang marinig ko ang boses ni Jad.
"Jad...."agad kong niyakap ng mahigpit si Jad, "Bakit ang tagal mo? Kinabahan na naman ako."
"Sorry ha, traffic kasi sa EDSA eh. Pinag-alala ba kita, sorry talaga."
"Eh yung celphone mo, bakit hindi mo sinasagot?"
Napakamot ng ulo si Jad, "Nalow bat kasi ako." Kumuha siya ng panyo at pinunasan niya ang mga mata ko, "Tahan na, first day na first day natin umiiyak ka."
"Ikaw kasi eh, pinapaiyak mo ko." Sabi ko sa kanya.
"Sorry na. Halika na at mamasyal tayo."at hinila niya ang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?"
Ngumiti siya sa akin, "Kung saan madilim, tahimik at higit sa lahat tayo lang dalawa ang tao. Masosolo na tin ang isa't isa."
"Masosolo natin ang isa't isa?"bigla akong nagpanic, "Hoy jad, hindi ko gusto yang mga binabalak mo ha!"
Bago pa ako makatanggi pa ay agad na akong binuhat ni Jad papasok ng sasakyan niya.

BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...