Mabilis akong sumugod ng clinic kung saan dinala ang anak ko. Pagdating ko ay andon si Jad kausap ang doctor ni Jolie.
“Anong nangyari?” ang tanong ko sa doctor.
“May nakain lang ang bata na hindi hiyang sa kanya kaya siya nilagnat at nagsususuka.”
‘Ano bang pinakain mo kay Jolie?” ang tanong sa akin ni Jad.
“Aba, ewan ko sa Yaya niya.” At itinuro ko ang Yaya ng anak ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang pinapakain ng Yaya niya sa tuwing wala ako sa bahay.
“Nasaan ka ba kasi at bakit hindi mo nabantayan ang kinakain ng anak mo?” ang sabi ni Jad sa akin.
“Excuse me, may aasikasuhin lang akong pasyente.” Ang sabi ng doctor na mukhang umiiwas sa tensyong namamagitan sa amin ni Jad.
“Sinasamahan ko lang si Lexa sa date niya.”
“Si Lexa? Mas gusto mo bang bantayan ang kapatid mong yan kesa sa sarili mong anak? Twenty years old na yang sinasamahan mo at one year old pa lang yang anak mo!”
“Kapatid ko si Lexa, kaya responsibilidad ko rin siya saka kaya ako kumuha ng Yaya para mabantayan si Jolie sa mga oras na wala ako.”
“At talagang pinapaubaya mo na ang lahat sa Yaya kaya tignan mo tuloy ang nangyari sa anak natin! Parang di ka ina!” at tinalikuran ako ni Jad.
Nagpintig ang tainga ko sa sinabi ni Jad. Nagkasakit lang ang anak ko iresponsable na ako. Hinabol ko si Jad, “Anong ibig mong sabihin iresponsable akong ina!”
Nagtinginan ang mga nakapaligid na nurse sa akin dahil sa lakas nang pagkasabi ko non kay Jad.
“Des, ang sinasabi ko lang, sana habang sinasamahan mo sa paglalakwatsa yang kapatid mo ay maisip mo man lang na may anak kang iniwan mo sa Yaya niya.” At tuluyang lumabas si Jad sa clinic na iyon na mukhang may galit pa sa akin.
Kahit tuluyan ng gumaling si Jolie ay di pa rin kami nagkikibuan ni Jad. Malaki pa rin ang galit niya sa akin. Siguro ngayon iniisip niya na ang malas-malas niya dahil ako ang napang-asawa niya. Siguro ini-imagine na niya ngayon na kung paano kaya kung si Che-ann ang pinakasalan niya… hindi siguro sila magiging ganito. Baka nga iniisip din niya na siguro si Che-ann, masarap mag-alaga, hindi pabaya sa pamilya at higit sa lahat mas magiging maganda ang mga anak nila.
Si Che-ann… hindi na talaga ako magtataka kung one of these days ay magkrus muli ang kapalaran nila. Maslalo na ngayon siguro na mukhang hindi na okey sa lalaking pinakasalan ko.
Ayoko na siya munang maalala… ayoko na munang maalala ang malungkot na sitwasyon namin ni Jad. Kaya upang makalimot Ay nagpunta akong mag-isa sa bar.
“Alone?”
Nagulat ako ng tumabi sa akin si Bernan habang umiinom ako ng Vodka.
“Yah.” Hindi ko kasama sila Lexa dahil wala namang silang date ng lalaki niya.
“I came here by myself also.”
“Why?” ang tanong ko sa kanya.
“Im just hoping to see you here.”
“To see me?” at napatawa ako ng malakas, “Ano bay un? Kung kailan naman ako nag-asawa saka naman may nagkainteres sa akin ng ganito!”
Napakunot ng noo si Bernan. Obviously hindi niya na gets ang mga sinabi ko.
“Ang kulit mo ring Canadian ka noh, Im not available already, because Im already married.”
“I don’t care.” Ang sabi niya, “Des, I like you, Im crazy about you.”
Napanganga ako sa kanya, “Krung-krung ka talaga.” Ang sabi ko sa kanya na siyempre hindi na naman niya na-gets, “You are really insane.”
Pero infairness pala kung may Che-ann akong kinatatakutan… may Bernan naman palang dapat katakutan si Jad.
Tinapik ko ang balikat ni Bernan, “Pero don’t worry, once I need you, I will call you.”
Nakaramdam ako na may humawak sa braso ko at napatingin ako ron.
“Umuwi na tayo.” Napalingon ako at nakita ko si jad na nasa likuran ko kasama si Lexa.
“J-jad anong ginagawa mo rito?”
“Di ba dapat ikaw ang tanungin ko niya, anong ginagawang mag-isa ng isang babaeng may asawa na dito sa bar na to?” hinila muli ni Jad ang kamay ko, “Umuwi na tayo.”
“Hey!” saway ni Bernan sa kanya, “What are you doing with my girl?”
“Girl?”
Napapikit ako. Patay, bakit pa kasi umepal itong Canadian na ito!
“At kailan mo pa siya naging girl?”
“Jad, ano ba, hindi siya nakakaintindi ng Tagalog.” Ang saway k okay Jad.
“Mister, she is not your girl, and she will never be, because she’s my wife!” pwersahan na akong hinila ni Jad palabas ng bar, “Halika na nga!”
BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomansaMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...