Sa aking kuwarto, 2008
Bakit ako matatakot sa aking kalaban?
Kung ang dala ko naman ay isang matatag na sandalan
Bakit ako magpapaapekto sa sinasabi ng iba?
Kung sa aking Diyos at sa sarili akoý nagtitiwala.
Apat na taon na ang nakakaraan noong sinulat ko ang tulang ito. Sa pagkakatanda ito ay naisulat ko ang tulang ito para sa aking ina. For twenty years, mula ng iwan kami ng tatay namin ay naging matatag siya para sa amin. Tinaguyod niyang mag-isa ang aming pamilya, siya ang nagbilang ama at ina naming magkapatid. Ngunit ang hindi ko akalain ay magkakaroon pala ng malaking bahagi ang maikling tula na ito sa buhay ng isang lalaki at sa buhay ko.
Jones Bridge, Escolta, Gabi ng August 2004
Napakalungkot ko.
Sa isang aspiring writer na katulad ko ay talagang nakakalungkot kapag natatalo ka sa mga writing contest na sinalihan mo. Sa ilang beses ko ng sumasali sa mga writing contest ay ngayon lang ako natalo ng ganito. Nakakahinayang, sayang, inaalay ko pa naman ang tulang ito para sa aking ina.
Naglalakad ako sa Jones Bridge bitbit ang tulang naitalo ko sa contest at dala-dala ang depression at frustration mula sa pagkatalo ko sa “FILIPINO WEEK: PALIGSAHAN NG TULANG MAKATA”
Every year ay may ganitong contest sa aming university, at every year akong sumasali and this is the first time na kahit runner up man lang ay hindi pumasok ang tulang ginawa ko. Hay nakakainis…
Napahinto ako sa gitna ng tulay na iyon. Pinagmasdan ang kadiliman ng ilog at ang mga ilaw na nakapaligid dito. Ang dilim at payapa, para tuloy napakalungkot, katulad ko.
Dala ang maliit na pirasong papel na iyon ay inilahad ko ang aking kamay sa may ilog at saka ako pumikit. “Goodbye, my poem.”
Handa ko na sanang bitawan ang pirasong papel na iyon ng may narinig akong isang hagulgol.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng parang umiiyak na boses na iyon. Namataan ko ang isang pamilyar na mukha na lumabas ng kanyang dala-dalang kotse. Tumayo siya sa gilid ng tulay na iyon at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.
Naalala ko, nabalitaan ko na kailan lang ay nakipagbreak sa kanya ang girlfriend niya sa Amerika upang magpakasal sa karelasyon nitong Amerikano. Napailing ako sa pagkaawa sa kanya, sobrang broken hearted siguro siya, pareho kami, broken hearted. Siya sa love life niya habang ako sa career.
Pinagmasdan ko ang pag-iyak niya habang nakatingin siya sa kadaliman ng ilog hanggang sa napansin kong umaakyat na siya sa bakal ng tulay. Nabahala ako sa gagawin niya. Tumakbo akong papalapit sa kanya at saka hinila ang kuhelyo ng T-shirt niya papalayo sa bakal na iyon. sa lakas ng paghila ko sa kanya ay sabay kaming napahiga sa gilid ng tulay na iyon.
“Hoy! Magpapakamatay ka ba? Sira ra kin noh! Buti na lang nakita kita kung hindi ay bukas ay headline sa mga diyaryo ang pagsuisuicide mo.”ang sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili sa pag-upo.
Hindi siya sumagot, tahimik lang siya na nakatingin sa akin at parang natutulala, “Hoy ano ban a-pipi ka na ba?”
Napansin kong wala siya sa kanyang sarili kaya isang malakas na sampal ang pinaabot ko sa kanyang pisngi.
“Aray!”Dahil sa napalakas ng aking sampal ay namula ang kanyang pisngi at agad niya iyong hinawakan. “Bakit mo pa ako niligtas? Sana hinayaan mo na lang akong tumalon.”
“Sira ka pala eh, eh di karbo de konsensya pa kita. Saka ano ka ba? Hindi naman solusyon ang pagkakamatay para sa mga pinagdadaanan mo eh. Tandaan mo may kasabihan tayo habang may buhay ay may pag-asa.”
Napatingin siyang sandali sa akin at bigla siyang natawa, “Parang kang sumasali sa Little Miss Philippines. May kasabihan-kasabihan ka pa riyan.”
Mula sa aming pagkakaupo ay tumayo siya at pinagpag ang kanyang pantalon, “Taga saan ka ba?” tanong niya sa akin at saka niya inabot ang kanyang kamay sa akin upang alalayan ako sa pagtayo.
“Diyan lang ako sa Juan Luna.” Sagot ko sa kanya.
“Ihahatid na kita.”
Umiling ako, “Naku, no thanks na lang, mag-aabang na lang ako ng jeep.”
“Miss, mag-aalas dose na ng madaling araw at madalang na ang jeep at baka kung may mangyari sayo ay ako naman ang ma-kakarbo de konsensya.”
“Ah eh, hindi na…”hindi ko na nakuha pang tumanggi dahil binuksan niya na ang pintuan ng kanyang sasakyan para sa akin.
Sa loob ng kanyang sasakyan ay napansin ko ang mga pictures ng ex niya nakadikit sa harapan ng sasakyan. Napailing ako. Hmp kaya naman pala di makamove on ito eh, hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya alisin ng kusa sa buhay niyo yung babaeng yun. Napansin ko rin ang ilang lata ng beer na nasa tabi ng kinauupuan niya. Siguro ay habang tinitignan niya ang mga pictures na iyon ay sabay na nagpapakalulon siya sa alak.
Kaibigan ni Jad si Bry, ang kapartner ko sa thesis. Kapag gumagawa kami ng thesis ni Bry ay madalas niyang kasama si Jad kaya alam kong ganon na lang kamahal ni Jad si Che-ann.
Lagi niyang sinasabi kay Bry na hindi niya kayang mabuhay ng wala si Che-ann. For five years kay Che-ann umikot ang mundo ni Jad. Lagi namang pinapayuhan ni Bry si Jad na kalimutan na si Che-ann at magmove on na, pero sa attitude ngayon ni Jad hay malayo ngang makalimutan niya si Che-ann.
“P-pasensya na sa kotse ko ha. Amoy beer ba?”
Hindi naman amoy alak ang loob ng kotse niya dahil buti na lang at may mabangong air freshner sa loob nito.
“Hindi naman. Sabi ng government, stop drinking alcohol while driving. Bawal yan, sige ka baka mahuli ka ng mga pulis.”
Ngumiti siya sa akin, “Hindi pa naman ako nahuhuli eh. Ano nga pala uling name mo?”
Sino ba naman ako para maalala niya ang pangalan ko? Hindi naman kami nagkakausap kaya hindi niya talaga makakabisado ang pangalan ko.
“Odessa.”ang sagot ko, “Dito lang ako.” Sabi ko sa kanya nang tumapat kami sa may kanto ng bahay namin.
Inihinto ni Jad ang sasakyan, “Salamat uli ha.”
Ngumiti siya sa akin, “Sige, salamat din, in saving my life.”
Binuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan at lumabas ako ron. Bago pa man ako makalayo ay napansin ko ang kapirasong papel na hindi ko namalayang kanina ko pa hawak-hawak. Tinignan ko sa loob ng sasakyan niya si Jad na kasalukuyang iniistart ang kotse niya.
Kinatok ko ang bintana ng kanyang sasakyan at binaba niya iyon. “May nakalimutan ka ba?”
Iniabot ko sa kanya ang kapirasong papel na iyon, “Sayo na lang.”
Binuklat niya ang papel.
“Yan yung ipinanglaban kong tula kanina sa contest kaya nga lang natalo ako eh, sayo na lang yan. Try mong basahin, baka makatulong sayo.”
Ngumiti siya sa akin, “Sige, babasahin ko.”
Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.
Buti na lang, andoon ako upang sagipin ang buhay niya kanina at sana maka-move on na siya.
BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...