Ang palaging makulit at masayahin na Jad ay biglang nag-iba habang kumakain kami sa restaurant. Naging tahimik ito at walang imik. Kahit nga sa pag-oorder ng pagkain ay di siya makapagdesisyon.
"Jad? Okey ka lang ba talaga?"tanong ko sa kanya.
"Ha? O-oo, oo naman."tumayo sa kanyang kinauupuan, "Teka, mag CR lang muna ako ha."at mabilis siyang tumakbo ng restroom.
"Am, mas maganda siguro kung susundan ko siya."tumayo rin si Bry at sinundan ang kaibigan sa CR.
Napailing ako. Grabe, hindi pa rin talaga niya matanggap. Siguro ay umiiyak-iyak na naman yun sa CR o baka kung anu-ano na naman ang isipin nung gawin, baka magbalak na naman yung magsuicide ha? Napatayo ako at dahil sa hindi naman ako pwedeng pumasok sa CR ng lalaki ay tumayo na lang ako sa may pintuan nito at pinakinggan ang mga pinag-uusapan nila.
"Tol, tanggapin mo na kasi, ayaw niya na sayo." Sabi ni Bry sa kanya habang umiiyak siya sa may lababo ng men's CR.
"Pinipilit ko naman tanggapin ang lahat eh, pero sa tuwing nababanggit nila si Che-ann hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan. Pare, mahal na mahal ko pa rin si Che-ann at gusto ko pa rin siyang magbalik sa akin."
"Pards, alam mo, masyado mo siyang mahal eh at hindi deserve ng babaeng yun ang ganon klaseng pagmamahal mula sayo." Sabi ni Bry sa kanya, "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pero isang araw ay makakalaya ka rin sa feeling mong yan saka ang daming iba diyan, di hamak na mas okey pa kesa diyan kay Che-ann at talagang deserving sa pagmamahal mo."
Palihim kong pinagmasdan si Jad sa pag-iyak. Meron pa palang mga lalaki ang katulad niya, ang labis magmahal sa isang babae. Akala ko kasi sa mga kuwento na lang sa TV, pelikula at pocketbooks makikita ang mga ganon klaseng pagmamahal. Hindi ko naman kasi nakita yun sa akin sariling ama.
Five years old lang ako non at one year old lang ang kapatid ko na si Lexa nang iwan kami n gaming ama at sumama ito sa kanyang kabit sa Mindanao. Walang magawa non si mama, nakiusap siya sa tatay naming na wag kaming iwan pero hindi niya ginawa yun nabalitaan na lang namin na may tatlong anak na ang tatay naming sa babaeng iyon.
Nagsumikap siyang buhayin kaming magkapatid. Namuhunan siya para sa isang maliit na tindahan ng tela sa Divisoria upang buhayin kami. Nasaksihan naming kung paano siya nangulit sa mga customer niya para bumili sa kanya at kung paano siya hindi halos natutulog upang magtrabaho. Nagpapasalamat nga kami sa Diyos at sa ganong paraan ay nakaraos ang pamilya namin.
"Hoy baka delay na naman yang delivery niyan ha." Sabi ni mama sa isang niyang supplier "Nong isang araw galit na galit na yung customer ko dahil sa kabagalan niyo."ugali na ni mama ang maging mainitin ang ulo sa trabaho siguro dahil sa pressure at stress ng trabaho at dahil na rin sa pasaway talaga ang mga supplier at trabahador niya.
" Ma, calm down nga, kung delay ng delay ang delivery niya eh di maghanap ka na ng ibang supplier."sabi naman ng easy go lucky kong kapatid na si Lexa. Kung ikukumpara sa akin ay malayong-malayo kaming magkapatid, mas lalo na sa ugali. Dahil siguro sa nakamulatan niya na ang matiwasay na pamumuhay ng aming pamilya ay ganon na lang ka-easy ang buhay kay Lexa. Mahilig magpaganda, parelax-relax lang at pala gimik. Marami ring manliligaw si Lexa pero wala namang sinasagot dahil para sa kanya sakit lang ng ulo ang pagboboyfriend. Siya yung tipong she wants to enjoy life to the fullest.
May punto rin naman si Lexa, kung papasok nga naman siya sa isang relasyon ay baka ma-broken hearted lang siya at maging depressing lang ang teenage life niya kaya mas pinili niyang maging isang Malaya at masaya na teenager.
May kumatok sa pintuan n gaming bahay at pinagbuksan iyon ni Lexa, "Oh ate, may bisita kang cute."
Pagsilip ko sa pintuan ay nakita ko si Jad na nakangiti sa amin.
"Oh Jad, napadalaw ka."
"Yayain sana kitang lumabas."
"Ako?"
"Uy magdidate..."panunukso ni Lexa sa amin.
"Ano eh Jad, sasamahan ko pa kasi mamaya si mama sa tindahan eh." Paliwanag ko kay Jad.
"Ay naku, pasensya na iho ha. Weekend kasi ngayon at magpapasko kaya kailangan ko ng kasama sa tindahan."
"Hmp si mama talaga oh, KJ. Minsan na nga lang may magyayang makipagdate kay ate ayaw pang payagan."sabi ni Lexa.
Tumango si Jad, "Ah ganon po ba. Eh baka naman po kailangan niyo pa ng isang assistant."
"Jad, naku nakakahiya naman."
"Buti niyo naman akong maging driver ha o di kaya kargador."
"Wala kang magawa sa inyo noh."ang sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin, "Gusto ko kasing maging busy."
Naisip ko ang nangyari sa kanya sa restaurant, marahil dahil don kaya niya gustong maging busy. Ayaw niya ng magmukmok sa isang tabi at isipin pa si Che-ann.
"Ah okey sige. Sumama ka sa amin sa Divisoria."
Sa Divisoria ay tuwang-tuwa si Jad sa mga nakikilala niyang mga suki ni mama. Kinukulit niya rin ang ibang mga trabahador naming at tinutulungan sa pagkukuha ng tela sa bodega.
"Umamin ka nga sa akin." Sabi sa akin ni mama, "Yan bang lalaking yan, nanliligaw sayo yan?"
"Ma?"
"O baka boyfriend mo na."
Umiling ako kay mama, "Wala po ma. Kaibigan ko lang yan g si Jad."
"Eh ba't niyayaya kang lumabas kanina. Tapos ngayon sinamahan pa niya tayo rito."
"Gusto lang maging busy nung tao ma."at bumulong ako kay mama, "Broken hearted kasi."
"Ganon? Baka sa sobra niyang gustong maging busy ay sa iyo mauwi yan." Sabi sa akin ni mama.
Hindi iyon ang naging huli ng pagsama-sama sa amin ni Jad sa Divisoria. Halos every weekend na namin siyang nakakasama sa tindahan at nakakatuwang makita na pati mga suki at kasamahan namin ay naging kaclose niya na. Kilalang-kilala na nga siya roon at madalas mapagkamalan na boyfriend ko.
Nakakatawa pa nga dahil lahing binabati si mama ng mga suki niya na "Ang swerte mo naman sa mamanugangin mo." Natatawa na nga lang si mama sa mga pinagsasabi nila.
Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ko...
Kahit napakasikip sa Divisoria ay talagang ipinilit niyang makapasok ang kanyang sasakyan. Bumaba siya ng kanyang kotse at pagkakita niya sa amin ni Jad na nag-uusap ng mga oras na iyon ay agad siyang lumapit sa amin.
"Ikaw ba?"tanong niya kay Jad, "Ikaw ba ang boyfriend ni Des?"

BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...