5

116 4 2
                                    

Dumadami na ang tao sa tapat sa labas building na iyon upang saklolohan si Jad pero tila wala pa rin itong kibo sa tuktok ng building.

“Jad! Jad!”tinatawag ko ang pangalan niya pero wala siyang naririnig, “Jad ano ba? Bumaba ka na nga riyan.”

“Sir! Bumaba na po kayo riyan.”napatingin ang lahat sa security guard na may dalang megaphone. Dali-dali akong lumapit sa guwardiya at hinablot ang megaphone mula sa kanya.

“Hoy Jad! Ano bang ginagawa mo riyan ha?! Ano? Magtatry out ka na namang magsuicide ha!”napansin kong tumingin si Jad sa akin, “Ganyan na lang ba ang gagawin mo sa buhay mo ha? Sa tuwing madedepress ka at sa sa tuwing maririnig mo ang pangalan ng babaeng yun, ganyan na lang ba ha? Yan na lang ba ang solusyon sa lahat ha Jad! Nakakainis ka!!! Bakit yung babaeng lang ba na iyon ang pwedeng magmahal sayo ha? Hindi pa pwedeng ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, hindi ba pwedeng ako…”di ko mapigilan ang maiyak sa mga sinasabi ko.

“Jad, ang tanga-tanga mo talaga! Sige kung sa tingin mo yan ang tatapos sa lahat ng paghihirap mo, sige tumalon ka na. Tumalon ka na!”napayuko ako sa kakaiyak at napapikit. Bwisit ka Odessa, kapag tumuloy yan sa pagtalon yan at dumanak ang dugo dito baka pagsisihan mo ang lahat. Iiyak-iyak ka pa riyan!

“Wah!!!”sabay-sabay nagsigawan ang mga tao sa paligid. Marahil ay tumalon na siya. Paalam, paalam Jad.

“Grabeh!!!”

Patuloy sa tilian ang mga tao pero wala pa rin akong naririnig na bumulabog sa ibaba.

Kinalabit ako ng isang lalaki, “Miss, ikaw bay un?”at itinuro niya sa akin ang isang pahabang banner na nakasabit sa harap ng building, mula sa mismong kinatatayuan ni Jad.

Odessa, I love you! Jad.

“I-I love you? Bakit? May I-love you diyan.” Agad kong kinuha ang megaphone at kinausap muli si Jad mula sa itaas ng building, “J-jad? Anong ibig sabihin nito ha? Sandali, hintayin mo ako diyan.”isinauli ang megaphone sa guwardiya at agad akong pumasok sa loob ng building na iyon.

Pumunta ako sa elevator at ilang beses pinindot ang button nito. “Miss, sira yung elevator namin. Sa fire exit ka na lang dumaan.”at itnuro niya sa akin ang isang maliit na pintuan kung saan may nakalagay na fire exit.

Dali-dali akong pumasok sa maliit na pintuan na iyon at dahil sa nahihirapan ako sa pagtakbo dahil sa taas ng takong ng aking sapatos ay tinanggal ko muna ito at pumanik ako sa hagdanan ng nakayapak.

First floor…

Second floor…

Third floor…

Fourth floor, napahinto ako sandali dahil sa sumasakit na ang aking dibdib at hinihingal na ako sa kakatakbo.

“Des…”

Napatingin ako sa itaas, andoon si Jad at pababang lumapit sa akin.

“Des, okey ka lang?”sabi niya sa akin ng may pag-aalala nang mapansin niyang hawak-hawak ko ang aking dibdib at naghahabol ako ng hininga.

“H-hindi ako makahinga…”

“Ikaw naman kasi eh, sana hinintay mo na lang ako sa baba, wag ka na sanang sumunod sa akin dito. Gusto ko lang naman kasing malaman mo na mahal kita eh.” Agad akong ibinuhat ni Jad pababa ng hagdan na iyon at saka sinugod ng hospital.

Paggising ko ay natagpuan ko na ang sarili ko na nasa loob ng emergency room at katabi ko si Jad.

“Anong nangyari?”

“Sabi ng doctor, sinumpong ka lang daw ng asthma mo at nasobrahan ng tension at over fatigue.”

“Hindi ako makapaniwala, muntikan mo na akong mapatay Jad.” Sabi ko sa kanya.

“Im sorry. Pinanerbiyos ba kita.”napakamot siya ng kanyang ulo, “Ganon kasi ang style ko sa panliligaw eh.”

“Bwisit ka talaga Jad, papatayin mo ako sa style mo ng panliligaw. Pwede mo namang sabihin sa akin iyon ng hindi ka pupunta sa ituktok ng building at pakakabahin ako.”

Hinawakan ni Jad ang aking kamay at hinalikan ito, “Sorry na, sorry na please.”

Ngumiti ako sa kanya, “Basta wag mo ng gagawin yun. Sira ulo ka talaga.”

Ilang sandali pa ay dumating ang mama at ang kapatid kong si Lexa, “Anong nangyari?”

“Tita…”napansin kong namutla si Jad parang nakaramdam siya ng takot sa aking mama.

“Ma, wag na po kayong mag-alala, natension lang daw ako at sinumpong ng hika, siguro dahil sa halos araw-araw ay sumasalang ako sa interview kaya ako nagkaganito.”

“Ganon ba? Buti na lang pala anak, andito si Jad para dalhin ka rito.” Hay kung alam lang ni mama ang totoo na si Jad talaga ang dahilan kaya ako andito.

“Ate, don’t worry. Kanina may customer si mama na taga-media, isa siyang editor in chief ng isang diyaryo, maari ka raw niyang ipasok sa team nila.”

Napangiti ako sa balita sa akin ni Lexa, “Talaga?”

“Anak, matutupad na rin ang isang pangarap mo na maging writer.”

Napapikit ako at nagpasalamat sa Diyos sa magagandang balita na natanggap ko sa araw na iyon na kahit muntikan ko ng ikamatay.

Nagvolunteer si Jad na siya na ang magcheck-out sa akin sa hospital at mag-uwi sa akin sa bahay dahil sa kailangang asikasuhin ni mama ang negosyo at may pasok sa school si Lexa. Okey lang naman yun tutal parang nagovernight lang ako sa hospital.

“Uy dahan-dahan ha.”sabi niya sa akin habang ginabayan ako palapit sa sasakyan niya na nasa parking lot.

“Jad, ang OA mo, hinika lang ako hindi ako naaksidente. Nagiguilty ka noh? Kasi ikaw ang dahilan kung bakit na-ospital ako.”

“Gumagawa na nga ng paraan para makabawi eh.”

“Hmp! Hindi ko talaga makakalimutan yung araw na iyon na muntikan na mag50-50 ang buhay ko dahil sayo.”

“Tama na nga please, nakokonsensya na nga ako eh.”sagot niya sa akin.

“Kasi yun yung araw na una kang nagpropose sa akin mula sa tuktok ng seven-storey building. Hay sira ulo ka talaga.”

“Oh kailan ba?”      

“Anong kailan?”

“Kailan mo ba ako sasagutin?”

“Aba, apurado ka naman yata, pagkatapos mo ako muntikan tsugiin eh maniningil ka agad ng sagot.”

“Eh gusto ko lang kasing malaman kung maychance.”

“Atat? Atat ka talaga. Kayo talagang mga lalaki at pano kung wala kang chance, gigive up ka na?”

Nag-isip siya sandali, “Ah… eh…”

“Sige na nga, uwi na nga muna tayo.” Dahil siguro sa takot ko rin na sagutin niya ako na gigive up kaya naisipan kong ibahin na lang ang topic at yayain na siyang umuwi.

Sa tuwing dadalaw sa bahay si Jad ay lagi siyang may dalang kung anu-ano, chocolates, stuff toys, bulaklak na talaga namang pinagtataka sa bahay naming.

Hindi ko rin naman itinago sa bahay na nanliligaw na si Jad at natutuwa naman sila para sa akin pero nagtataka sila kung bakit sa tatlong buwan na panliligaw sa akin ni Jad ay hindi ko pa rin siya sinasagot ng oo. Mukha naman daw na masaya ako kay Jad at wala naman silang tutol kung sakaling magkakaroon kami ng relasyon.

Ang totoo niyan, kung anuman ang nararamdaman sa akin ni Jad ay alam kong ganon din ako sa kanya. Oo, mahal ko si Jad, baka nga mas mahal ko siya kesa sa mahal niya ako. Pero iinisp ko kasi ang feelings sa akin ni Jad. Natatakot kasi ako. Natatakot kasi ako na baka isang araw ay masaktan na lang ako dahil napagtanto ko na isa lang pala akong panakip butas.

ANG TULA NI ODESSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon