Natulala ako nang makarating kami sa sinasabi niyang madilim, tahimik at masosolo naming ang isa’t isa. Akala ko sa isang pribadong lugar kung saan pwedeng maganap ang mga bagay na hindi pa dapat maganap. Dinala niya ako sa isang mataas na lugar, sa isang rooftop ng isang hotel kung saan kitang-kita ang mga ilaw ng kamaynilaan. Madilim ang kinatatayuan naming kaya mas naappreciate naming ang iba’t ibang kulay ng view.
Napahinga ako ng maluwag at napasandal ako sa balikat ni Jad habang pinagmamasdan ang paligid, “Ang sarap naman dito…”
“Sabi ko naman sayo eh, tatanggi ka pa.”
“Hmp, malay ko bang dito mo ako balak dalhin, akala ko kasi kung ano na.”
“Napakamalisyosa kasi ng isip mo eh, ikaw yata ay may balak gawin sa akin eh. Okey lang, hindi ako tatanggi.”
“Huh? Hindi ah, ang kapal mo.”
“Joke lang.”at ningitian niya ako.
“Paano mo pala nadiscover na maganda rito?”tanong ko sa kanya.
“May inattenan kasi kaming reception dito sa hotel na ito. Naglalakad-lakad ako sa paligid hanggang sa matuklasan ko itong site na ito.”
“Hmmm, may taste ka pala sa mga ganito ha.”sagot ko sa kanya.
HInawakan niya ang kamay ko at saka niya ikrinus ang mga daliri niya sa daliri ko, “Ulitin mo nga yung sinabi mo sa akin kanina.”sabi niya sa akin.
“Yung anong sinabi ko?”
“Yung sabi mo sa akin bago ka pumasok sa opisina.”
“Ah yun, bakit naman?”
“Ang sarap kasing pakinggan non eh, maslalo kapag galing sayo. Dali na, isa pa.”
Inilapit ko ang labi ko sa kanyang tainga at saka siya binulungan, “I love you.”
“Isa pa nga.”
“I love you.”
“Ulit pa.”
“I love you. I love you. Mahal na mahal kita. Oh, okey nay un ha. Madami nay un.”at sumandal uli ako sa balikat niya.
Itinaas niya ang kanyang kamay at inilagay niya iyon sa isa ko pang balikat na parang nakaakbay na siya sa akin.
Napatingin ako kanyang kamay at napangiti. Boyfriend ko na nga ito, umaakbay na siya sa akin. Mula sa balikat ay ibinaba niya ang kamay sa aking braso at saka pinisil ito.
“Jad, ano bay an?”
Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Ang laki kasi ng braso mo eh.”
Tumingin ako ng matalim sa kanya, “Kung makapanglait ng braso ha, parang ang ganda ng katawan ha.”
“Joke lang.” At inalis niya ang kanyang kamay sa braso ko.
Tinignan ko ang orasan ko, magaalas otso nap ala, kaya pala medyo kumakalam na ang sikmura ko, “Jad, kumain na muna tayo, gutom na ako.”
Tumayo si Jad at inalalayan niya ako sa pagtayo, “Muntikan na natin makalimutan ha, hindi pa pala tayo kumakain.”
“Oo nga eh.”
Paalis na sana kami ng roof top nang may narinig kaming putok. Nagulat kaming dalawa ni Jad at napatingin sa pinanggalingan ng tunog nay un.
Pareho kaming namangha sa makukulay na ilaw na lumabas na madalim na kalangitan. Nagkakagandahan ang mga fireworks! Para silang mga falling stars na iba’t iba ang kulay.
“Ang ganda naman…”
Natapos ang mga siguro five minutes na firework display nay un pero di pa rin maalis ang mga mata namin ni Jad sa kalangitan. Parang nakalimutan na rin namin ang gutom na nararamdaman namin kanina.
Sabay kaming napahinga ng maluwag at saka nagkatinginan sa isa’t isa.
Lumapit siya sa akin at saka niya hinawakan ang isa kong pisngi. Napapikit ako nang unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha hanggang sa maramdaman ko na lang na marahan niyang idinampi ang kanyang labi sa aking labi.
Hindi ko alam ang aking gagawin, napako ako sa kinatatayuan ko habang dinadama ang bawat galaw ng kang labi sa akin hanggang sa nakuha ko ng tugunan ang galaw nito.
Hay, parang fireworks, parang nakakakita pa ako ng mga fireworks habang nakapikit ako. Parang nagsicelebrate ang buong mundo sa mga sandaling iyon. ang natatanging sandali naming dalawa ni Jad.
Lahat siguro ng relasyon ay dumaan sa mga mata ng ibang tao. Isang bagay na hindi naming naiwasan ni Jad. Simula’t simula pa lang alam ko naman, iba kami ni Jad. Magkaibang mundo ang ginagalawan naming, habang isa akong simpleng nilalang na laking Divisoria ay siya naman ay isang lalaking galing sa may kayang pamilya, glamoroso at may sosyal na mga kaibigan.
Napadaan ako sa isang mall nang makita ko sa isang mamahalin at kilalang bar si Bry kasama ang iba pa nilang kaibigan ni Jad. Kakawayan ko na sana si Bry pero natigilan ako nang marinig ko ang mga pinag-uusapan nila.
“Bry, bilang bestfriend ni Jad, sino sa tingin mo ang mas mahal niya, si Che-ann o si Des?” tanong ng kaibigan nilang si Nilo, isang kilalang playboy noong college kami.
“Minahal naman talaga ni Jad si Che-ann, alam nating lahat iyon. With Des, nakalimutan niya na ang feelings niya kay Che-ann.” Sagot ni Bry sa kanila.
“I don’t think so, mahal pa rin non si Che-ann.”sabi naman ni Harry, isang anak ng pulitiko. “Look guys, nagtry magsuicide si Jad because of Che-ann, talagang he’s really crazy over Che-ann. Eh yang si Des, dib a nadevelop lang naman siya sa babaeng yun.”
“Saka, tignan niyo, di hamak naman na mas maganda, sexy at mas maipagmamayabang mo si Che-ann kesa kay Des.” Dagdag pa ni Nilo.
“Guys, sobra kayo ha. Maganda rin kaya si Des at saka ang isang bagay na nagustuhan ni Jad kay Des ay dahil sa napakabait nito.”napangiti ako sa narinig kong pagtatanggol sa akin ni Bry, “Okey nga si Des, simple lang, hindi pa sosyal at hindi rin maarte.”
Lumayo na lang ako sa kanila, ayoko nang marinig ang mga susunod na sasabihin ng mga kaibigan ni Jad. Masakit kasi yun para sa akin, masakit ikumpara sa ex ng boyfriend mo maslalo na kung alam mong wala ka talagang binatbat sa ex niya.
“Oh really! You are a writer. Alam mo iha, I really love to read kaya naman hangang-hanga ako sa mga writers.” Sabi sa akin ng ina ni Jad.
Nasa sa sixties na ang ina ni Jad. Ito ang laging kasa-kasama ni Jad sa Pilipinas dahil madalas na nag-aout of the country ang kanyang ama dahil sa negosyo at nasa Canada naman ang kanyang iba pang kapatid at may sari-sarili ng pamilya.
“Actually, I also write. Minsan nga kapag bored na bored na ako rito sa bahay nagsusulat na lang ako ng mga tula, doon ko na lang ibinubuhos ang boredom ko then pinapadala ko siya sa mga newspaper publication, napopost naman yung mga gawa ko.”
“Wow ang galing niyo naman.”ang papuri ko sa kanya.
“Practice makes you better iha.”
“Totoo nga po yan. Saka po, nakakainspire din po kasing magsulat.”
“Sa tingin ko naman ay matalino ka, madami tayong pagkakasunduan, most especially in writing. Congratulations Jad, for having her.”
Napangiti kaming dalawa ni Jad. Natuwa ako, sa kabila ng lahat ay may isang kapamilya si Jad na buong pusong tinanggap ako. Para tuloy gusto kong tumalon sa sobrang katuwaan. Napakasarap ng feeling kapag tanggap ka ng pamilya ng taong minamahal mo.
Tama nga ang sabi ng iba, hindi madaling pumasok sa isang relasyon. Hindi palaging masaya meron talagang ups and downs. Dumaan sa isang pagsubok ang relasyon naming ni Jad nang may natanggap akong isang liham.
Isang sulat galing sa isang Filipino school sa Dubai. Nakalagay doon na pumasa ako sa evaluation nila at tinatanggap na nila ako sa trabahong inapplyan ko sa kanila noon.
![](https://img.wattpad.com/cover/2068566-288-k831209.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...