13

96 3 1
                                    

Natulala ako nang makilala kong si Che-ann yun. Mas gumanda si Che-ann ngayon compare noong college days naming, mas sume-sexy, mas pumorma at mas nakakaiinggit tignan. Kinabahan ako, natakot, ito na ba ang bangungot sa buhay ko.

“kailan ka pa bumalik sa Pilipinas?” tanong si Jad sa kanya.

“Yesterday.” At napatingin sa akin si Che-ann, “Wife mo?”

“Oo si Des, batchmate natin siya nong College.”

“I heard nga, kaya nga pamilyar ang mukha niya sa akin. Anyway, tutal andito naman kayong dalawa.” At nilabas ni Che-ann ang isang card mula sa bag niya, “Invited kayo rito.”

Binasa ni Jad ang invitation, “College Reunion sa batch natin? Hindi ko alam na may reunion pala tayo.”

“Naku mabilisang plano lang yan naming, remember Dorothy, yung friend ko. We met kasi in Newyork tapos naisip naming tutal sabay naman kaming uuwi dito sa Pilipinas why don’t we organize a reunion, alam mo kasi na-miss talaga naming ang Pilipinas kaya naman we love to make kuwentuhan with our college friends. Hoy, punta kayo riyan ha.”

“Sure.” Ngumiti si Jad, “Pupunta kami.”

“That’s nice! Sabihan mo na rin yung mga friends mo ha.”

“Oo ba!” ang sagot ni jad.

“Sige I go ahead, bibisitahin ko pa kasi yung kamag-anak ko nakaconfine dito eh. See you sa reunion ha. Aasahan ko yan, Des?”

“Ha? Am.. oo naman, pupunta kami.” Ang sagot sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad si Che-ann palayo sa amin.

“Wow excited na ako sa reunion na ito!” ang pahiyaw na sinabi ni Nilo nang mabasa niyang ang invitation na binigay sa amin ni Che-ann.

“Excited ka ha? Baka ma-disappoint ka kamo kapag nakita mo ang mga ex mo na may asawa’t anak na.” ang sabi ni Harry sa kanya. Knowing naman kasi si Nilo ang habol niya lang sa reunion ay makita muli ang mga sexy at magaganda naming kabatchmate.

“Bakit naman ako madidisappoint, hindi na ako affected sa kanila noh, past is past. Kung Masaya na sila sa mga asawa nila, Masaya rin naman ako na…”

            “Nag-iisa.” Sabay na sinabi ni Meng at Harry.

            “Ang nakakatawa kasi sayo ang dami-dami mong naging babae nong college, tapos ngayon kung kailan ka tumanda saka ka hindi makahanap ng babaeng uutuin.” Ang sabi ni Meng sa kanya.

            “Ang kapal mo ha, kung magsalita ka parang hindi ka single.” Ang sagot ni Nilo sa kanya.

            Inakbayan ni Harry si Nilo, “Tol, magseryoso ka na kasi dahil sa edad nating ito ang mga ka-age natin ang hinahanap mapapang-asawa hindi syota at hindi fling. Bakit di mo na lang kasi utuon yang pansin mo kay Meng, tutal pareho naman kayong single di ba?”

            Natawa ako sa sinabi ni Harry.

            “Yan! Kaseryo-seryoso bay an?!” ang sabi ni Nilo sabay duro kay Meng.

            Binato ng throw pillow ni Meng si Nilo, “Ang kapal mo feeling mo kaseryo-seryoso ka ha?!”

            “Oops, guys, awat na. Natutulog si Jolie baka magising yung bata sa ingay niyo.” Natutulog kasi si Jolie sa kuwarto niya habang kinakausap ko ang tatlo kong makukulit na bisita.

            “Teka, friend, may isusuot ka na ba for the reunion?” tanong ni Meng sa akin.

            “Am, binigyan na ako ni Jad ng pambili kaya nga lang hindi kasi ako makalabas ngayon ng bahay dahil kay Jolie.”

ANG TULA NI ODESSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon