Thirty minutes na ang nakakaraan mula sa eksaktong oras na pinag-usapan namin ni Bry na magkikita kami sa library upang gumawa ng thesis ngunit hindi pa siya dumarating.
Nasimulan ko ng gawin ang isang chapter ng thesis namin, nakapagbasa na rin ako ng mga libro ngunit hindi pa rin dumarating si Bry. Ang hirap naman ng ganito, ang hirap ng may kapartner sa thesis na hindi dedicated sa pag-aaral niya, wala naman akong choice kundi pagtiisan si Bry, bunutan kasi ang pagpili ng partner at ang malas ko naman dahil siya ang nabunot ko.
Malapit na akong mainis kay Bry. Kumukulo na ang dugo ko, sasabog na ang puso ka dahil puro ako na lang ang gumagawa ng thesis na ito. Paano kapag defense na? Ako na lang ba ang magsasalita sa harap ng mga panel, karbo ko na lang lahat.
“Bry, bwisit ka talaga.”bulong ko sa sarili ko.
“Hi!”napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin, si Jad.
“Nasaan na ang kaibigan mo?” tanong ko sa kanya.
Napakamot ng ulo si Jad, “May basketball practice kasi sila ngayon eh, pero darating din siya mamaya-maya.”
Napapikit ako sa inis sa kaibigan niya. Alam naman pala niyang may practice siya eh di sana nimove niya yung oras ng paggawa naman ng thesis. Gusto yata talaga ng lalaking iyon ako lahat ang gumawa habang siya taga tanggap na lang siya ng grades niya.
“Sana, sinabi niyang may practice pala siya para hindi na ako magmukhang tanga dito.”
“Pagpasenyahan mo na yung taong yun, sira talaga yun.”
Parehas kayong dalawa, magkaibigan nga kayo.
“Ano pa bang magagawa ko? Gagawa na lang ako ng thesis ng mag-isa.”
“Kung gusto mo pwede kitang tulungan? Kahit taga-sulat mo lang o di kaya taga kuha ng libro, its fine with me.”
Ngumiti ako sa kanya, “Salamat ha.”
“Ay oo nga pala, I read your poem last night.”
“Talaga?”
“Now I know kung bakit nga siya natalo sa contest.”
Napakunot ang noo ko sa kanya.
“Masyado kasi siyang simple at mababaw, wala man lang twist o di kaya pambigla. Para ngang ang common na ng mga linya ng tula nay un eh. Para ngang kinopya mo lang sa ibang tula na nababasa mo sa diyaryo o sa magazine o di kaya sa mga pangelementary Filipino books.”
Kapal! Ang kapal manglait ng mokong na ito. Kung magsalita daig pa ang mga professional na writers.
“Salamat sa mga panlalait mo ha.”
“Hindi naman, isipin mo na lang isa ako sa audience mo na nagcricritic ng gawa mo.”
Sige iisipin ko na lang na magaling ka. Magaling kang manlait.
“Pero wag kang mag-alala, tinamaan naman ako sa tula mo nay un eh. Nagka-impact naman siya sa akin. Tignan mo nga dahil sa tulang yun heto ako ngayon, buhay na buhay.”
Napangiti ako sa sinabi. Buti naman kahit papano ay nagkasilbi sa kanya ang tula kong yun.
“So? Hindi ka na magpapakamatay?”

BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...