“Ikaw ba?”tanong niya kay Jad, “Ikaw ba ang boyfriend ni Des?”
Natawa si Jad sa tanong ni Alfred. Ang negrong pandak pero makapal ang bulsa pati na rin ang mukha na matagal nang nanliligaw sa akin. May malaking parentahan na pwesto sina Alfred sa Divisoria, kaya naman talagang mayaman sila.
“Anong tinatawa-tawa mo diyan?”
“Oo, ako nga. ako nga ang boyfriend ni Des”kinurot ko tagiliran si Jad nang yun ang sinagot niya kay Alfred.
Biglang humagulgol ng iyak si Alfred sa harapan namin, “Akala mo ha! Mang-aagaw! Inagaw mo sa akin si Des!”
“Am, Alfred, let me explain…”sabi ko kay Alfred.
“I don’t wanna hear any explanations, Des. Nasaktan mo na ang puso ko!”
Tumakbong lumuluha si Alfred papalayo sa amin. Hindi ko na maalis sa damdamin ko ang pagkaawa sa lalaki. Kung alam niya lang, isa lang kasinungalingan ang natuklasan niya.
Sa kabila naman ng pagkaawa ko kay Alfred ay siya namang paghalakhak ng sobra-sobra ni Jad.
“Kung makatawa ka parang wala ng bukas ha.” Sabi ko kay Jad.
“ Eh kasi… natatawa kasi ako sa itsura niyang manliligaw mo. Parang tsonggo!”
“ Lakas! Lakas manlait.”
“ Ano ba yang manliligaw mo, Des. Sabihan mo ngang ayusin niya yung pagmumukha niya.”
Napabuntong hininga ako, “Ang lakas talaga, grabe. Ang yabang mo! Pasensya na ha, yung tsonggo lang po na yun ang matiyagang nanligaw sa akin. Pasensya na din po ha, hanggang doon lang po kasi ang level ng kagandahan ko, hanggang doon lang sa tsonggong iyon.”
At tumalikod na ako dahil sa kabwisitan kay Jad.
“ Pero infairness, kahit ganon ang itsura niya marunong siyang pumili ng babae. Maganda ang taste niya kasi napansin ka niya.”
Lumingon ako kay Jad at ningitian ito, “ Mambobola! Halika na nga magtrabaho na tayo.”
Nang makagraduate kami ng college ay palagi pa rin kaming magkasama ni Jad. Sinamahan niya ako sa pag-aapply ko ng trabaho. Habang siya naman ay nagtritraining sa pagmamanage ng sarili nilang negosyo.
Nasa Makati kami dahil may scheduled interview ako noon. Pinagdrive niya ako papunta sa interview ko at sinamahan ako hanggang loob ng building.
“ Naku, pasensya na Jad ha. Naistorbo pa kita sa patritraining mo sa business niyo.”
“ Ayos lang yun, kesa naman pabayaan kitang mag-isa dito, eh kung maligaw ka, ang laki-laki rin nitong Makati noh.”
“ Salamat talaga.”
“ Jad?”
Napatingin kami ni Jad sa may-edad na lalaki na tumawag sa kanya sa opisinang yun, “Ikaw nga, Jad. Long time no see.”
Napansin kong biglang sumeryoso ang mukha ni Jad pagkakita sa lalaking iyon, “ Kamusta nap o, tito?”
“ Im fine. Eh ikaw?” tinignan ako ng lalaki, “Siya na ba ang girlfriend mo ngayon.”
Naisip kong baka magsinungaling na naman si Jad sa lalaking iyon kaya inunahan ko na siya sa pagsagot, “ Naku hindi po, kaibigan lang po niya ako. Sinasamahan niya lang po ako sa interview ko.”
“ Ah ganon ba. Akala ko pa naman ay napalitan na ni Jad ang pamangkin ko.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ng lalaking iyon. Pamangkin? Pamangkin niya si …
“ Kamusta naman po siya?”
“ She’s doing fine in the US. Hindi pa nga mabuntis-buntis eh pero mukhang happy naman siya sa kanyang career and marriage life.”
Ngumiti si Jad, “ Ah talaga po, mabuti. Buti naman. Good for her.”
“ Am sige na Jad, I have to go ahead, may ka-business meeting pa ako eh.” Paalam sa amin ng lalaki, “ Nice seeing you.”
“ Sige po.”
“ Am Jad, halika na.” Anyaya ko kay Jad.
“ Sabi nila tatawagan na lang daw nila ako.” Natapos na ang interview ko pero natapos yun sa salitang tatawagan na lang daw nila ako, ang nag-iisang dialogue na lagi na lang sinasabi sa mga interview na inaatenan ko.
“ Ah talaga, malay mo next week tawagan ka na nila.” Sabi ni Jad.
“ Hmp, asa pa ako. Kung talagang interesado sila sa akin ay dapat last week ay tinatawagan na nila ako.”
“ Ganon yata talagang kahirap magtrabaho ng work ngayon. Bakit kaya di ka mag-apply sa mga diyaryo, Com-arts naman ang tinapos mo eh, ayaw mo na bang magsulat?”
“ Siyempre gusto. Pero sige susubukan ko na rin.” Naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko kaya nagpapara muna ako sa isang seven-eleven na nadaanan namin.
“ SIge, ikaw na lang ang pumasok, dito na lang ako.” Ang sabi ni Jad sa akin kaya mag-isa akong pumasok sa convenient store na iyon upang bumili ng pagkain.
Nakapila na ako sa counter upang bayaran ang binili kong hotdog sandwich at canned softdrink nang mapansin naming nagkakagulo sa labas ng tindahang iyon.
“ Bossing anong nangyayari?” tanong ko sa security guard.
“May lalaki sa rooftop, balak yatang magpakamatay.”
Kinalibutan ako at biglang nataranta. Naalala ko ang sinabi ng tiyuhin ni Che-ann na nakasalubong naming kanina:
She’s doing fine in the US. Hindi pa nga mabuntis-buntis eh pero mukhang happy naman siya sa kanyang career and marriage life.
“ Ay Diyos kop o, mukhang heto na naman kami.”
Agad akong lumabas ang convenient store at tinignan ang tuktok ng 7-storey ng building na iyon.
Hindi nga ako nagkamali nang hinala. Andoon nga si Jad, nakatayo sa tuktok ng gusali na iyon at nasa malayo ang tingin.

BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...