12

124 3 0
                                    

Parehas kaming di makatulog ni Jad nang umiyak ng napakalakas si Jolie sa gitna ng gabi.

Buhat-buhat ko si Jolie at pilit pinapatahan ang bata, “Jolie, tahan na please.”

Tinignan ni Jad si Jolie, “Isugod na kaya natin siya sa hospital. I think there is something wrong.”

Napaiyak ako sa sinabi ni Jad, “Ha? Anong wrong?”

Kinuha niya sa akin si Jolie at hinila niya ako palabas ng bahay upang sumugod sa hospital.

Naconfine si Jolie ng ilang araw sa hospital upang doon obserbahan. Sabi ng doctor, viral infection lang daw pero kailangan pa rin ng observation sa bata. Hindi kami mapalagay ni Jad, siguro ganon talaga ang feeling kapag first time parents, lagi kang takot para sa anak mo.

Sa pagkakaconfine ni Jolie sa hospital ay di naman nakalimot ang mga kaibigan at kaanak naming. Dinadalaw nila kami at sinasamahan sa hospital para kay Jolie maslalo na sa mga oras na kailangan naming magsalitang mag-asawa sa pagbabantay sa bata.

“Ate? Ano bang sabi ni Bry? Anong oras ba niya dadalawin si Jolie?” sabi ni Lexa na panay ang tingin sa salamin. Sila mama at Lexa muna ang kasa-kasama ko sa pagbabantay habang may inaasikaso si Jad sa kanyang trabaho.

“Hoy Lexa, ano ka ba namang bata ka? Andito ka para tignan ang pamangkin mo at hindi tumingin ng lalaki.” Sabi ni mama sa kanya.

Naikuwento ni Lexa sa amin na sa kasal pa lang naming ni Jad ay nagkainteres na siya kay Bry. Makulit daw kasi ito, palakaibigan at mukhang flexible kasama.

“Hindi ko alam eh. Nagtext siya kay Jad, mukhang may dadaanan yata.”

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan ng tinutuluyan naming kuwarto sa hospital.

Agad binuksan ni Lexa ang pintuan umaasang sina Bry iyon. Napasimangot siya ng makitang si Nilo ang nasa pintuan.

“Hi Lexa.” Sabi ni Nilo at saka inabot dito ang isang bulaklak.

“Ay ang sweet mo naman. Nagdala ka talaga ng flowers para sa pamangkin ko.”

“Ay hindi kay Jolie yan, sayo yan.”at nilabas niya ang isang lata ng baby’s milk, “Ito ang para kay Jolie.”

Napatango si Lexa, “Ah, ganon ba.”

Napangiti ako. Bagkas sa mukha kasi ni Lexa ang disappointment, siguroý naiisip niya na sana ay si Bry na lang ang nagbigay sa kanya ng bulaklak.

“Hi everybody!”napatingin kaming lahat nang dumating si Meng, “Kamusta na ang maganda kong inaanak?”at nilapitan niya si Jolie upang kurutin ito sa pisngi, “Ang cute-cute mana sa ninang.”

“Hoy, mahiya ka nga kina Jad at Des sa pinagsasabi mo na nagmana sayo yan. Baka matakot yung mag-asawa kapag yang kadaldalan mo ang minana ni Jolie sayo.” Sabi ni Nilo sa kanya.

“Aba! Nagsalita ang cute! Ang kapal naman ng mukha mo, anong tingin mo sa sarili mo ha, guwapo?”

“Shhh, tumigil nga kayo baka umiyak ang bata.”saway ko sa kanilang dalawa na parang aso’t pusa sa tuwing magkikita na lang sila.

“Hay, pasensya ka na friend ha, hindi ko lang kasi ma-take yung kagaspangan ng ugali nitong bwisita mo!”

“Hala, ako pa ang bwisit ha? Hoy, lumalayo-layo ka nga sa bata, may infection yung bata at baka lumala yung infection kapag lumapit-lapit ka sa kanya.”

“Ang kapal! Ang kapal talaga! Hoy ikaw ang infection noh, infection ka ng lipunang ito. Isang lalaking walang magawa kundi manakit at magpaasa ng mga babae.”

ANG TULA NI ODESSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon