11

109 3 1
                                    

"Jad, ano ba ito?" inalalayan niya ako pababa ng kanyang sasakyan at inalis na ang piring sa aking mga mata.

"Tsaran!" napangiti ako nang makita ang isang 2 storey house na sinasabi niyang binili niya.

"Sayo ito?"

"Anong akin?" inakbayan ako ni Jad, "Atin ito!"

Binuksan naming ang pintuan ng maindoor at napangiti ako ng makitang fully furnished na ang bahay. Talagang inayos na ni Jad ang lahat bago kami lumipat.

"Okey ba?'

"Jad ang ganda! Hindi ako makapaniwalang dito tayo titira." Napayakap ako kay Jad dahil sa sobrang tuwa.

Sinamahan pa niya ako sa ibang parte ng bahay. May tatlong room iyon sa second floor tamang-tama sa pagbubuo ng pamilya.

Binuksan niya ang dalawang maliit na kuwarto, "This is for our children."

At binuksan niya ang malaking kuwarto, "And this is our love nest." Bumulong si Jad sa akin, "Hinanda ko na yung kama para sa ating dalawa."

Ngumiti ako kay Jad at binulungan din siya, "Mamaya na yan, ipakita mo muna sa akin yung kabuuan ng bahay."

Natawa si Jad at hinalikan niya ako sa noo.

Makaraan ang tatlong buwan....

Hindi ko mapigilan ang aking bibig, parang bawat minute yata ay parang may inaasam akong kainin. Kanina ay lugaw, sopas, tapsilog at manggang hilaw na sobrang asim.

" Ate, ang takaw mo." Sabi sa akin ni Lexa habang pinagmamasdan niya akong kumakain sa tindahan naming sa Divisoria.

"Oo nga." Dugtong ni mama, "Kanina ka pa kain ng kain."

"Ewan ko ma. Hindi matahimik ang sikmura at ang bibig ko eh. Weird nga eh, parang nahihilo na nga ako."

"Para ka namang buntis." Natigilan si mama sa nasabi niya, "Buntis ka?"

Napatigil din ako, "Buntis? Ako?"

Kinahapunan din niyon ay dinala ako ni Jad sa doctor upang siguraduhin na buntis ako. Hindi nga nagkamali si mama sa kanyang hinila, buntis nga ako. Isang buwan na akong buntis.

Abot langit ang tuwa ni Jad nang malaman niya ang condition ko pero ako, hindi ko alam. Hindi ko alam kung matutuwa ako o dapat kabahan.

"Para kasing ang bata-bata ko para magka-anak, hindi ako sure kung pwede ba akong maging nanay." Sabi ko sa kaibigan kong si Meng nang ikinuwento ko sa kanya ang sitwasyon ko.

"Bata? Anong akala mo sa sarili mo ha? Katorse? Saka ano ka ba naman Des, may asawa ka, nag-asawa ka at kapag nag-asawa ka kasama na rin don ang pagtatayo ng pamilya."

"Eh Meng hindi naman kasi yun talaga ang plano ko."

"Eh anong plano mo? Magpapakasal ka kay Jad para wala ng mahabol pa sa kanya si Che-ann. Assurance ba na sayong-sayo na siya."

Napayuko ako.

Tama si Meng, sa edad ko at kahit mahal na mahal ko pa si Jad ay hindi pa pumapasok sa isip ko ang pagkakaroon ng pamilya. Ang gusto ko lang naman ay ang makasama si Jad.

"Des, natatakot ka lang kaya mo naiisip yan pero think positive, it's a blessing, baby yan noh. Saka dib a ang saya-saya ni Jad ng malaman niyang magiging daddy na siya? kaya dapat ikaw din happy ka."

Ngumiti ako kay Meng. Tama siya, kahit sa tingin ko ay hindi pa ako handa ay dapat maging Masaya ako dahil isa itong blessing para sa aming mag-asawa.

Lumipas ang mga araw, unti-unting lumobo ang tiyan ko. Naramdaman ko na ang karaniwang nararamdaman ng mga nabubuntis. Ang palaging nahihilo, ang mahirap na pagkilos, ang pananaba at ang pagiging pangit. Ang pangit ko talaga at hindi ko alam kung paano nasasabi ni Jad na maganda ako sa kalagayan kong ito.

ANG TULA NI ODESSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon