Kahit sa loob ng sasakyan ay hindi kami nagkikibuang mag-asawa. Kahit nga itong si Alexa ay nabibingi na at naiilang na sa katahimikan namin.
“S-salamat kuya ha, ate…” at nahihiyang bumaba si Alexa ng sasakyan namin.
“Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa akin ito.” Ang sabi niya sa akin.
“Nagsisisi ka nab a? Pinagsisisihan mo na siguro na ako ang pinakasalan mo.”
“Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ha?”
Tumingin ako kay Jad, “Ang problema ko.. ikaw… ayoko mo akong mag-enjoy.”
“Des, hinihigpitan ba kita? Ang gusto ko lang naman ay alagaan mong mabuti ang anak natin.” Ang sabi ni Jad.
“Gusto ko lang namang mag-enjoy sa buhay ko eh.”
“Des, may asawa’t anak ka na… hindi ka na dalaga na pwedeng gawin ang gusto mong gawin at maglamyerda kung saan-saan.” Ang sabi niya sa akin, “Okey, alam ko naman na medyo na-miss mo rin ang single life dahil maaga tayong nag-asawa. Naiintindihan ko naman yun eh, pero accept the truth na may sarili ka ng pamilya at hindi na tama na gawin mo pa yan.”
“Jad… napapag-isip ka na ba ha? Naiisip mo na ba na sana si Che-ann na lang ang nakatuluyan mo at hindi ako?” ang sabi ko sa kanya.
“Oh, bakit naman nadamay si Che-ann dito?” tanong niya sa akin.
“Dahil kung hindi lang tayo nagpakasal agad ay siguro binalikan mo na yung babaeng yun…”
“Ano ba yang pinagsasabi mo ha?”
“Totoo naman di ba? Totoo naman, that Che-ann is better than me!”
Napabuntong hininga si Jad, “Noon pa man, alam ko naman kung bakit mo ako niyayang magpakasal agad sayo, dahil nalaman mong divorced na si Che-ann at natatakot kang balikan ko siya dahil Malaya na siya uli. Pero tignan mo naman ang ginawa ko Des, pinakasalan pa rin naman kita dib a?”
“Ginawa ko yun Jad, dahil mahal kita at ayokong mawala ka sa akin.”
“Ayoko rin namang mawala ka sa akin. Pero bakit ba ang lahat ng bagay ay nangyayari sa ating dalawa ay dahil lang sa takot mo kay Che-ann?”
“Oo. Takot ako kay Che-ann at kung takot man ako kay Che-ann ay dahil yun sa pagmamahal ko sayo!” umiyak ako ng umiyak at di ko mapigilang lumabas ng kotse at pumasok ng bahay ng nanay ko.
“Mahirap na talagang alisin ang isang bagay na para ng isang multo sa buhay mo.” ang sabi ng Mama ko habang kinukuwento ko sa kanya ang naging away namin ni Jad.
“Naiintindihan kita anak pero ayokong maghiwalay kayo ni Jad dahil lang sa multong yun. Alam ko naman na di pa rin maalis sayo yung pagiging broken hearted ni Jad sa ex niya, anak kung baga sa pelikula, hindi ka nakakamove on sa eksenang yun kahit tapos na ang pelikula. Para kasing ikaw ang hindi maka-move on sa ex ng asawa mo at hindi ang asawa mo. Anak, kausapin mo ng masinsinan si Jad, mag-usap kayo ng mabuti at magtiwala ka sa kanya.”
Tumingin ako kay Mama, “Ma, paano kung sabihin niya sa akin na mahal pa rin niya si Che-ann? Ma, masakit yun…”
“Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, tatlong taon kayong nagsama ni Jad, isipin mo ang tatlong taon nay un. Isipin mo ang masasayang mga panahon na magkasama kayo at kung paano mo pinakikita ang pagmamahal mo sa kanya. Sigurado ako anak, kung masakit man ang nanyari sa asawa mo non sa ex niya, napunan mo nay un nong minahal mo siya.”
Natouch ako sa advise mula sa aking ina at di ko mapigilang yakapin siya nang mahigpit bilang pagpapasalamat sa kanya.
Hindi ko alam ang aking gagawin nang umapak ako sa bahay nila Jad upang puntahan si Jolie. Ano bang sasabihin ko sa kanya, “Hi” o “Hello”, “kamusta?” hay hindi ko talaga alam.
Naabutan ko ang ina ni Jad na nagpapatutog ng Classical Music sa kanyang piano habang nakaupo sa sofa ang yaya ni Jolie bitbit ang anak ko.
“Hi Ma.”
“Des, Iha, sayang wala si Jad dito, nag-overtime sa opisina.”
“Am… gusto ko lang pong makita si Jolie.”
Tinawag ni Mama ang isang kasambahay nila at nagpahanda ng juice para sa akin. nagpatuloy siya sa pagtugtog at nakinig ako sa pagtugtog niya.
“Ma, mukhang tatalino ang anak ko rito ha. Sabi kasi nila nakakatalino raw yung pakikinig ng mga classical music.” Ang sabi k okay Mama.
“Sa tingin ko hindi na kailangan ni Jolie ng Classical Music para tumalino. She’s smart like you, magmamana siya sayo.”
Natawa ako, “Hindi naman po ako matalino, si Jad po ang matalino.”
“No iha, matalino. Youre a genius actually, writer ka kaya.”
Natawa lang ako sa sinabi ni Mama.
“Ang hirap kasi sayo wala kang bilib sa sarili mo. You know what sa lahat ng mga naging girlfriends ng anak ko, ikaw ang pinakanagustuhan ko.”
“T-talaga po.”
“Naalala ko kasi sayo ang sarili ko. dati kasi iniisip ko hindi ako ang deserving na babae para sa asawa ko. Hindi kasi ako makapaniwala na me, a simple and plain woman will marry a well known businessman. Pero habang lumilipas ang panahon na magkasama kami narerealize ko, I really deserve him, because the Lord give him to me.”
“Iha, you are so special that my son loves you very much, ano pa bang gusto mong gawin ng anak ko para mapatunayan niya yun sayo?”
Napayuko ako, “Sorry po, pati kayo naapektuhan sa mga pagkukulang ko.”
Tinapik ni Mama ang balikat, “You have to trust my son, iha. Trust him and trust yourself also. Yan ang magiging solusyon mo sa problema niyo.”
BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...