10

128 3 0
                                    

“Jad Florencio, will you marry me?”

Ngumiti siya sa akin “Ha?”

Inulit ko muli ang tanong ko, “Will you marry me?”

At bigla siyang tumawa.

Napayuko ako. Sabi ko na nga ba. Magmumukha lang akong katawa-tawa dito. Nakakahiya lang itong ginagawa ko. Pinahiya ko lang ang sarili ko sa harap ng lalaking pinakamamahal ko.

Napansin ni Jad na hindi ako makaimik at nanatili akong nakayuko, “Im sorry.”

“Sige okey lang kung ayaw mo.”

“No, hindi yun. Im sorry dahil natawa ako.” Ngumiti siya sa akin, “Na-surprise kasi ako. Hindi ko akalain na uso na pala na ang babae na ang nagpropropose ng kasal sa boyfriend nila.”

Ngumiti ako at di umimik.

“Okey, okey. Tutal naman ay naunahan mo na ako eh di ibabalik ko na lang sayo yung tanong mo.”

Napatingin ako sa kanya.

“Odessa Garcia, will you marry me?”

“Weh? Pakakasalan mo ko?”

Kinuha niya ang bag niya at may kinuha siyang maliit na kahon doon, “Pinaghandaan ko na ito, naghihintay lang ako ng tamang timing, hindi ko nga lang akalain na magiging ganito kaaga ang proposal ko.”

Binuksan niya ang kahon kung saan laman ang isang diamond rin at saka niya isinuot yun sa daliri, “Des, I want you to be my wife and to be the mother my children. Gusto kong makasama ka habang buhay, sa hirap at ginhawa.” At hinalikan niyang ang kamay ko, “Till death do us part.”

Napanganga ako. Hindi ko akalain na ganito ang magiging kahihinatnan ng mga plano ko.

“Jad, oo. Gusto kong maging asawa mo at makasama mo habang buhay. Yes Jad, I will marry you.”

Umabot sa anim na buwan ang naging preparations ng kasal naming ni Jad hanggang sa dumating na nga ang araw kung saan nagpalitan na kami ng “I do’s” at nangakong magkasama habang buhay sa harap ng dambana.

Iyon na yata ang isa mga pinakamagandang alaala ng buhay ko. Ang magmartsa ako sa aisle ng simbahan habang inaabangan ako ng lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay. Napaiyak ako ng ningitian ako ni mama, for twenty two years na pag-aalaga niya sa akin, heto siya ngayon ipauubaya na ako sa lalaking mahal na mahal ko.

Marami-rami rin ang aming bisita. Madami rin kasi kaming kamag-anak at mga kaibigan pero natutuwa akong makita ang kanilang mukha na masaya para sa amin. Pagkatapos ng peaceful at solemn na seremonyas ay nagtuloy kami sa aming reception. Ang saya-saya sa reception, nagbibiruan ang lahat at nagtutuksuhan. Nagbigay kasi ng sari-sarili nilang mga mensahe ang mga close friend at family naming ni Jad. May nakakaiyak na message, may parang wala lang at may nakakatawa.

Nang ihagis ko ang bouquet ay maswerte itong nakuha ng kaibigan ko na si Meng habang ang playboy naman na si Nilo ang nakakuha ng garter.

Tawa ng tawa ang lahat dahil alam nila madalas magkainisan sa school noon sina Meng at Nilo. Lagi kasing tsinitsismis ni Meng si Nilo tungkol sa mga babae nito sa school. Kaya kahit ayaw pa nilang magkiss ay talagang itinulak nila Bry at Lexa ang dalawa para magkiss ang mga ito.

Natapos ang reception na tawa kami ng tawa ni Jad dahil kina Meng at Nilo. Lumabas kami ng Bridal car at pumasok ng hotel na di pa rin magkamayaw sa pagkuwekuwentuhan tungkol sa mga nakakatuwang eksena ng aming kasal.

Sabay kaming sumakay ng elevator at nagkataon lang na kaming dalawa lang ang nasa loob nito.

“Paano kaya kung huminto ang elevator na ito? Eh di dito tayo maghahoneymoon? Pwede di ba?” sabi niya sa akin.

Napatigil ako sa pagtawa at biglang kinabahan. Oo nga pala, ito ang unang gabi ng magkasama kami ni Jad. Magkasama sa iisang kuwarto at magkatabing matulog at masyado akong naging abala sa paghahanda upang makalimutan kong i-ready ang aking sarili sa unang gabi naming ito.

Nagbukas ang elevator at napasigaw ako ng bigla akong buhatin ni Jad papasok n gaming kuwatro.

“This is the night that I really waiting for!” pagpasok naming sa malamig na hotel na iyon ay inilapag niya ako sa ibabaw ng kama at saka niya mabilis na hinubad ang suot niyang polo.

“Teka!” sabi ko sa kanya, “Hindi pa ba muna tayo maliligo?”

Inamoy niya ang kanyang sarili, “Oo nga noh. Ano? Sabay na tayo?”

“Ha? Ah.. pwede bang ako na lang muna?”

Pumayag siya kaya agad ko naman kinuha ang bathrobe at mabilis akong nagtungo sa banyo.

Suot ang bathrobe ay lumabas na ako ng CR at sumunod naman sa aking naligo si Jad.

Nagsusuklay ako ng aking buhok habang nakaupo sa kama at naririnig ko si Jad sa banyo na kumakanta ng “Careless Whispher”

Napaayos ako ng aking suot na bathrobe. Alam ko, napasakit ng mararanasan ko sa gabing ito. Ganon ba talaga siya kaexcited sa ganon? Napahawak ako sa aking dibdib, malakas at mabilis ang tibok nito. Ready na ba ako para rito? Handa ko na bang ibigay ang bagay na matagal kong pinagkaingat-ingatan kay Jad.

Lumabas siya ng banyo na may tapi ng tuwalya at saka lumapit sa akin.

“Baby? Are you ready for this?” piñatay niya ang main light at saka binuksan ang nag-iisang lamp shade ng kuwartong iyon.

“Ahmm.” Nanginginig ako. Hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot sa unang gabi namin ni Jad.

Inalis ni Jad ang tuwalya, ang nagiisang takip sa katawan niya at napatulala na lang ako nang tumambad sa akin ang kanyang kabuuan.

Lumapit siya sa akin habang napaatras ako sa pagkakaupo sa kama hanggang sa tuluyan na siyang napaibabaw sa akin.

Napapikit ako nang marahan niyang hinalikan ang aking labi at tinugunan ko naman ang halik na iyon. Hanggang sa unti-unting nag-iba ng estilo ng mga halik niya hanggang sa di ko na namamalayan na nawala na pala sa pagkatali ang suot kong roba at naramdaman ko ang init ng balat ni Jad sa akin.

Himalang nawala ang takot at kaba na nararamdaman ko ang tanging nais ko lang ay madama ang pagmamahal ni Jad at madama ni Jad ang pagmamahal ko sa kanya.

“I love you Jad.” Ang nasabi ko sa kanya.

Sandali siyang tumingin sa akin at ningitian niya ako, “I love you Des.” At muli niya akong hinalikan hanggang tuluyan niya na akong dalhin sa dapat papuntahan ng unang gabing iyon.

ANG TULA NI ODESSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon