Hindi dapat ako lumuha at manginig sa kaba
Dahil sa Pag-ibig Niyang taglay ako’y nagtitiwala
Tatayo ako at hindi magpapaapekto sa aking kaaway
Magmamahal ako, lalaban at ngingiti habang buhay.
Ito ang tulang binigay ko sa kanya na nagpasimula ng closeness naming ni Jad. Sa parereminisce ko sa kuwarto namin ni Jad ay binuklat ko ang iba pang laman ng cabinet niya. Walang bakas ng Che-ann akong nakita ron puro alaala ni Des ang nabuklat ko ron. Sa isang box niya muling itinago ang tulang ito… hindi ako makapaniwala na sa katagal-tagal ng panahon ay nagawa pa rin niyang itago ang simpleng tulang ito.
Hindi kagandahan ang Odessa’s poem, actually isa siyang tula na natalo sa isang poem writing contest pero nagawa pa rin niyang maging special sa kanya ang tulang ito.
Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok dito. Lumabas ako ng kuwarto at binuksan ang pintuan.
“Im sorry…” bungad sa akin ni Jad na nakatayo sa pintuan at may dalang bouquet. Napayuko siya at napaiyak, “Im sorry talaga.”
Yumakap ako sa kanya at humingi rin ng tawad sa kanya.
“Nalaman k okay Mama na dadaan ka rito kaya nagpunta ako rito.” Ang sabi niya sa akin, “Im sorry Des, dapat inintindi kita. Alam ko namang di mawala sayo ang pagseselos kay Che-ann but I want you to know na kahit ilang Che-ann pa ang humarap sa akin ngayon ay ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko. Mahalaga ka sa akin, Des, kayong dalawa ni Jolie, while Che-ann is just a past na ayoko ng balikan pa.” hinawakan ni Jad ang mga kamay ko, “Kung alam mo lang Des kung anong naramdaman ko nong una mo akong sinagip sa tulay nay un…Hindi ko mapigilan ang sarili ko non na pagmasdan ka… pagmasdan ang babaeng sumagip ng buhay ko. Des, ikaw ang tumulong sa aking mabuhay muli at mahalin ka ng higit pa kay Che-ann. Please trust me and believe me kapag sinabi ko sayong mahal na mahal kita.”
Napatango ako kay Des, “Naniniwala ako sayo. Jad sorry din sa pagiging immature ko at sa mga insecurities ko. Promise, magtitiwala na ako sa pagmamahal mo…”
Muli akong niyakap ni Jad nang mahigpit. Now I realized kung gaano kaimportante ang salitang pagtitiwala sa isang relasyon…
Oo nga Che-ann has it all, walang-wala ako kumpara sa kanya… pero ako pa rin ang tinadhana ng Diyos para kay Jad at dapat akong kumapit don.
Dapat kong alisin ang insecurities sa aking sarili… at magtiwala sa sarili ko, sa taong minahal ko at sa Poong maykapal. Kesa mainsecure ay bakit hindi na lang tayo magpasalamat sa Diyos sa mga blessings at mga magagandang pangyayari sa ating buhay… tulad ng Kanyang pag-ibig. At yun ang nais iparating ng aking tula… Ang tula ni Odessa. /FIN
![](https://img.wattpad.com/cover/2068566-288-k831209.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...