“Sure ka ba talaga diyan? As in sure na sure na.” ilang beses sa akin tinatanong ni Meng kung sigurado na ako sa naging desisyon ko. Ang desisyon na hindi na tumuloy sa Dubai upang makasama si Jad.
“Menggay, ayoko lang na may pag-awayan pa kami ni Jad. Ayoko ring iwan siya.”
“Ang sa akin lang kasi, sayang ang offer.” Sabi ni Meng, “Pero wala akong magagawa kung mas manghihinayang ka kung di kayo magkakabalikan ni Jad.”
“Meng, kayo ko ito ginagawa ko dahil mahal ko si Jad at ayokong mawala siya sa akin. Ayokong isipin niya na katulad ako ng ex niya.”
“Ay speaking of ex. Narinig mo nab a ang bali-balita?”
“Anong bali-balita?”
“Nagfile ng divorce si Che-ann at saka yung asawa niyang Stateside.”
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa ibinalitang iyon ni Meng sa akin, “S-saan mo na naman napulot yang balitang yan?”
“Nakasalubong ko kaya sa mall yung isang barkada niyang sosyalista.”
“B-bakit naman sila magdidivorce?”
“Disappointed kasi silang dalawa sa isa’t isa, two years na kasi silang nagsasama pero wala pa silang anak. “
“Parang ganon lang maghihiwalay na sila. Grabe naman.”
“Eh alam mo naman sa ibang bansa dib a? Parang masagi ka lang ng asawa mo divorce na. Sabi pa nga nila after the divorce babalik na raw yun sa Pilipinas. Ang bongga niya ha, tignan mo pagbalik mo pagbalik niya rito sa Pinas dalaga uli siya.”
Babalik siya ng Pilipinas? Pero bakit pa? Masaya na kami ni Jad, maganda ang takbo ng relasyon namin tapos sisirain lang ng pagbabalik ni Che-ann. Ayokong mawala sa akin si Jad, ayokong magkahiwalay kami sa pagbabalik ng babaeng yun.
Maghapon akong hindi makamove on sa balita sa aking iyon ni Meng. Ni hindi ako makakain at makapagconcentrate sa trabaho sa kakaisip sa pwedeng mangyari sa pagbalik ni Che-ann.
Paano nga kung tuluyan na akong iwan ni Jad?
Ganon na lang ba yun? Pagkatapos kong ireject ang Dubai para sa kanya ay iiwan din pala niya ako para sa Che-ann na iyon.
Pinilit ko rin namang labanan ang mga negatibong iniisip ko.
Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na mahal ako ni Jad. Mahal na mahal ako ni Jad. Ilang beses ko yun narinig sa kanya, ilang beses ko rin naramdaman pero ilang beses ko rin nakita si Jad non na halos mamatay kay Che-ann.
Kailangan may gawin ako. May dapat akong gawin para hindi mawala si Jad sa akin. at kailangan magawa ko yun sa lalong madaling panahon!
“Hello?”
“Hi Jad!” bati ko kay Jad sa telepono.
“Hi, Baby. Bakit napatawag ka?”
“Magkita naman tayo oh. May kailangan lang akong sabihin sayo.”
“Talaga? Paano bay an? May party si Nilo eh.”
“Ha ganon ba? Pero Jad, importante talaga ito eh.’
“ Sige-sige, if that’s really important, I will tell Nilo that I can’t come. Sige let’s meet later.”
Maaga akong dumating sa isang Japanese restaurant kung saan kami magkikita ni Jad upang paghandaan ang lahat. Punong-puno ng kaba ang dibdib ko habang hinihintay si Jad. Natatakot ako. Paano kung tanggihan niya ako? Nakakahiya lang. pero ito lang talaga ang tanging paraan upang hindi tuluyang mawala si Jad sa piling ko.
Nang makita kong papasok na si Jad sa restaurant ay maslalong bumilis ang kaba sa dibdib ko. Nilapitan niya ako, hinalikan at saka umupo sa tapat ko.
Tinawag niya ang waiter at nag-order kami ng sushi, teriyaki at red iced tea.
“Ano ba yang sasabihin mo sa aking importante? Kinakabahan tuloy ako.” Sabi niya sa akin.
“ Ako rin. Kinakabahan ako.”
“Pansin ko nga. Namumutla ka eh.” hinawakan niya ang braso ko, “Hey, chill lang baby, ako ang kinakabahan sayo eh.”
Ngumiti ako sa kanya. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanin at ang teriyaki na inorder namin.
“Okey let’s eat.” Ibinaligtad niya ang bowl na nakataob sa kanyang harapan kanina pa upang magsimula ng kumain.
“Ano ito?” napatingin siya sa isang silver na singsing na nakalagay sa loob ng nakataob na bowl, “Naku, may nakaiwan siguro nito dito. Wai-“
Bago pa niya tawagin ng tuluyan ang waiter ay pinigilan ko siya, “Teka Jad. Nagkakamali ka.”
“Ha?”
“Hindi yan naiwan ng kung sino man.”
Napakinot ang noo niya “Anong ibig mong sabihin?”
Nagsimula ng mamula ang aking pisngi. Hindi ko alam kung dapat ko pang ipagpatuloy ito, pero sige na nga, heto na, itutuloy ko na kahit nakakahiya.
Kinuha ko ang singsing na iyon, inabot ko ang isa niyang kamay at saka nanginginig na isinuot sa isang daliri niya ang singsing.
Huminga muna ako ng malalim at saka sinabing…
“Jad Florencio, will you marry me?”
![](https://img.wattpad.com/cover/2068566-288-k831209.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...