And this time… I really won.
That night napagdesisyunan ni Jad na wag mo na naming kunin si Jolie sa nanay ko instead we have to take this beautiful evening upang masolo namin ang isa’t isa.
Pagpasok namin bahay, bago pa buksan ni Jad ang ilaw ay agad niya akong hinila at binigyan ng mahigpit na yakap.
Tapos non ay hinawakan ng dalawa niyang palad ang magkabilang pisngi ko at saka niya ako hinagkan sa labi. That was so passionate…
Hindi ko na namamalayan na binubuhat niya na ako papanik ng hagdanan at papasok ng kuwarto namin.
Niyakap niya ako sa likuran ko habang dinadampian ng labi niya ang bare back kong likuran hanggang sa kagatin niya ang pagkatali ng halter kong damit.
“Ito na siguro ang tamang panahon upang bigyan na natin ng kapatid si Jolie.” Ang bulong niya habang hinagkan niya ang batok ko.
Umikot ako at tumingin sa kanya, “Yes.” At saka naman ako ang nagbigay na mainit na halik sa kanya.
Pagpunta ko sa Binondo upang kunin si Jolie ay kinamusta agad ako ni Lexa.
“Kamusta naman ang gabi niyo ng asawa mo?” ang tanong niya sa akin.
Ngumiti ako kay Lexa, “That was very wonderful. Sobrang saya, kitang-kita ko talaga sa mga mata ng asawa ko ang matindi niyang pagnanasa sa akin. He’s really awesome last night. Hmp! Wagi ako ron Tol, akala yata ng Che-ann nay an maagaw niya sa akin ang asawa ko, sorry na lang siya, patay na patay sa akin si Jad.”
“Go girl! Dapat ganyan nga, kahit may asawa ka na hindi ka dapat magmukhang losyang. Maslalong wag kang magpadaig sa Che-ann nay un! Teka gusto mo bang sumama sa akin?”
“Bakit saan ka pupunta?”
“Sa isang bar, magpaparty at may imi-meet na ka-date, dali na samahan mo na ako para makilatis mo na rin yang ka-date ko.”
Nagpaalam ako kay Jad na sasamahan ko si Lexa upang i-meet ang ka-date niya, pumayag naman si Jad at iniwan ko muna sa kanya si Jolie habang sinasamahan ang kapatid ko.
First time ko sa isang bar, kaya medyo shock ako sa environment nito. Inuman left and right, malakas na music, may mga naghahalikan pa na couples sa sulok-sulok at napakadilim.
Sa isang table ay naghihintay ang ka-date ng kapatid na si Gan.
“Hi!” agad na lumapit si Lexa kay Gan, “Ate si Gan, Gan ang kapatid ko.”
Mukhang magkasing-edad lang si Gan at si Lexa. Sabagay sabi ni Lexa kabarkada si Gan ng kaklase niya.
Natatawa na lang ako tuwing pagmamasdan ko ang dalawa. Sa kabila kasi ng kadaldalan ng kapatid ko ay siya namang kinaurong ng dila nitong si Gan, maybe because nahihiya rin siya sa akin.
Nagpaalam na magsi-CR si Gan kaya nagkaroon kami ng chance ni Lexa na mag-usap, “ Sa tingin ko torpe siya.”
“Kindda, pero mas guwapo pa rin si Bry. Hay bakit pa kasi hindi pa rin maalis sa puso ko yung lalaking yun.”
“Wag mo ng isiksik ang sarili mo sa kanya, masasaktan ka lang. Masaya nay un kay Attorney.” Ang bilin k okay Lexa.
“Hay, ano pa nga bang magagawa ko.” ang sabi ni Lexa.

BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...