“Miss Garcia, we are very glad to tell you that you have passed the criteria of our school to work as a teacher in Dubai.”
Napangiti ako, “Talaga po. Akala kop o hindi niyo na ako tatawagan eh, matagal na rin kasi akong nag-apply, ilang buwan na rin po.”
“Well surprisingly natanggap ka sa school namin. Good thing is kami na ang bahalang mag-ayos ng mga papers mo.” At may inabot siya sa aking mga forms, “You just need to fill this up for your visa application.”
Masaya kong inabot ang mga application form at tinignan ito.
“Naku kailangan mo ng magpaalam muna sa boyfriend mo niyan kasi matagal-tagal din kayong di magkikita.”
Unti-unting naalis ang sayang nararamdaman ko. Naalala ko si Jad, ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman niyang may balak akong magtrabaho sa ibang bansa.
Nagfifill up ako ng application form sa bahay nang dumating si Jad, “How’s my baby?”at hinalikan niya ako sa pisngi at saka napatingin sa form na sinusulatan ko.
Kinuha niya ang form na iyon at binasa ito, “Visa application? Aalis ka ba?”
“Oo nga eh, nagulat din ako. Akala ko kasi hindi ako tanggap non pero ito bigla nila akong tinawagan at sinabihang tanggap na ako bilang teacher sa isang Filipino school sa Dubai.”
Umupo siya tabi ko, “Bakit hindi mo naman sinabi sa akin, balak mo rin pala akong iwan.”
“Jad…”
“Wala ka pa rin pa lang pinagkaiba kay…”
Napahinto siya sa pagsasalita. Gustuhin man niyang kalimutan si Che-ann pero sa tuwing naiisip niya ito ay nasasaktan pa rin siya.
“Never mind.”ang sabi niya.
“Nasasaktan ka pa rin noh.”ang sabi ko sa kanya.
“Huwag na natin siyang pag-usapan.
“Dahil nasasaktan ka pa rin.”
“Des, wag na natin siyang pag-usapan pwede ba?’
“Kung talagang tapos na ang lahat sa inyo Jad dapat pwede na natin siyang pag-usapan. Dapat matagal na natin siyang pinag-uusapan, dapat hindi ka naaapektuhan sa tuwing naaalala mo siya o sa tuwing naririnig mo ang pangalan niya. Jad, hindi ko talaga alam kung paano mo nasasabi sa akin na mahal mo ako eh sa tingin ko naman apektakdong-apektado ka pa rin diyan kay Che-ann.”
“Hanggang ba ngayon hindi ka pa rin naniniwala sa feelings ko sayo?”tumayo siya “Ilang buwan na tayo Des, pero hanggang ngayon hindi mo pa rin makuhang maniwala sa akin.”
Napipi ako, hindi ko alam ang isasagot niya dahil ang totoo, marahil tama siya, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuhang maniwala sa kanya. Tuluyan siyang lumabas ng bahay namin at iniwan niya akong nakayuko sa harapan ng application form na iyon.
Dumaan ang isang araw…
Ikalawang araw…
Tatlong araw na kaming di nag-uusap ni Jad at sobrang namimiss ko na siya. Gusto ko man siyang tawagan o i-text man lang pero di pa rin maalis sa isipan ko na apektado pa rin si Jad kay Che-ann. Madaming tanong at haka-haka ang tumatakbo sa isipan ko:
Mahal pa kaya niya si Che-ann?
Magkakabalikan pa kaya sila ni Che-ann?
Siguro noon, noong sila pa ni Che-ann, hindi niya paabutin ang tatlong araw na di sila nag-usap o nagkita.
Ang sakit. Ang sakit-sakit isipin na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Jad si Che-ann. Sana man lang, kaya kong pantayan si Che-ann sa buhay niya.
Nagdesisyon akong ituloy na ang pag-aayos ko ng working visa sa Dubai. Tutal mukhang hindi na siguro kami magkakabalikan pa ni Jad. Nagpunta ako sa agency upang ipasa ang application form at sabi nila ay tatawagan na lang daw nila ako kapag ayos na ang mga papeles ko at ready na akong umalis.
Ready na ba talaga akong umalis? Handa na ba akong iwan si Jad? Ano? Ganito na lang matatapos ang lahat sa amin ni Jad? Walang usap-usap, walang ni ho ni ha. Ayoko, ayokong matapos na ganito lang, dapat may closure ang lahat sa amin ni Jad.
Sumakay ako ng taxi patungo sa bahay nila Jad.
“Wala po si Sir Jad dito.” Sabi ng katulong nila.
“Nasaan daw nagpunta?”
“Ahm, noong mga nakaraang gabi po ay lagi niyang kasama ang barkada niya eh.”
“G-ganon ba?” Nai-imagine ko na. Siguro ay naglalasing na naman siya tulad ng dati. Naglalasing siya dahil kahit anong gawin niya at kahit andito ako sa buhay niya ay di pa rin niya makalimutan si Che-ann.
Sumakay muli ako ng taxi patungo sa bahay namin. Habang umaandar ang taxi ay di ko mapigilan ang mapaiyak sa tuwing maalala ko si Jad. Sayang, sayang na pag-iibigan, akala ko pa naman magtatagal kami ni Jad. Ang sakit pala ng ganito, ang sakit palang masaktan ng pag-ibig. Ito na nga yung bagay na iniiwasan ko kaya ako nagdalawang isip na sagutin si Jad at heto ako ngayon, nararanasan ko na nga at mas masakit pa siya sa inaakala ko.
Patuloy ang pagbagsak ng malakas na ulan, napakadilim ng kalsada at walang tao sa paligid. Umuwi akong brownout sa lugar naming at ang tanging ilaw lang na nasisilayan ko ay ang ilaw mula sa sinasakyan kong taxi.
“ Mama, dito na lang ho.” Pinara ko ang taxi sa may kantong malapit sa bahay namin.
Lumabas ako ng taxi at binuksan ko ang dalang kong payong.
“Odesssa!”
Napalingon ako sa pinagmulan ng tawag na iyon. Hanggang sa makakita ako ng isang aninong papalapit sa akin. Tinitigan ko ang pigurang iyon habang papalapit sya sa akin.
“Odessa…” basang-basa ang kanyang kasuotan at nakahalukipkip siya na parang giniginaw.
“Jad, ano ka ba? Bakit ka nagpapabasa sa ulan? Paano kung magkasaki….” Pero bago ko pa maipagpatuloy ang mga sinasabi ko ay patakbo na siyang lumapit sa akin. Hinablot niya ng kanyang braso ang aking batok at saka inaabot ng kanyang labi ang aking labi.
Sa pagkakaalam ko malamig ang paligid, malakas ang ulan pero ang mga halik sa akin ni Jad, sa kabila ng basang-basa naming kasuotan ay isang matinding init ang pumapagitan sa aming dalawa. Nararamdaman ko yun sa bawat galaw ng labi niya sa akin, sa aking mukha, sa bawat haplos ng kanyang mga kamay sa aking balat.
Talagang namiss ko si Jad, namiss ko ang lahat-lahat sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko na iparamdam sa kanya iyon. Nabitawan ko ang hawak kong payong upang may kasabikan ang tugunin ang bawat halik niya sa akin, isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya at di ko rin mapigilan ang pagbagsak ng aking luha habang kahagkan ko siya.
Sandaling tinitigan ako ni Jad, “Miss na miss kita. Mahal na mahal kita Odessa.”
Ngumiti ako kay Jad pero patuloy pa rin ang pagbagsak ng aking luha, “Ako rin. Miss na miss na rin kita, mahal na mahal kita Jad. Im sorry, hindi kita kayang iwan.”
Tumango si Jad, “Im sorry din. I love you so much.” At saka niya hinalikan ang akin noo.
Sa gitna ng sitwasyon naming iyon ni Jad ay hindi pa rin tumigil ang paghinto ng ulan ngunit hindi balakid ang anumang lakas ng ulan sa pag-iibigan naming ni Jad. Sana maging senyales na lang ang ulan na ito bilang blessings sa amin ni Jad.

BINABASA MO ANG
ANG TULA NI ODESSA
RomanceMinsan ang tunay na pag-ibig ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan Minsan itoý umuusbong sa mga simpleng bagay Katulad ng isang pirasong papel Na naglalaman ng isang simpleng tula Ngunit pinagsimulan ng isang magandang pag-iibigan Na...