"Go Chester!!!" Tinignan ko ng masama yung mga babae na sumisigaw para sa jowa ko. Aba! Nandito na nga ako sa harap nila e!Exibition Game kasi ngayon at syempre kasama si Chester dahil varsity siya. At kalaban nila ang ibang professors dito sa school.
"Grabe! Si Sir Agustin hindi talaga pinapalusot si Chester!" Sofia.
"Kaya nga e! Parang galit na galit." Koline
Kahit maingay ay rinig na rinig ko ang pinaguusapan ng mga kaibigan ko. Sino ba namang tanga ang hindi makakapansin sa nangyayari sa court. Naiinis na ako kay Agustin. Ano bang problema niya? Oo alam ko na ganito talaga ang laro ng basketball pero nakakairita parin.
Parang alam ko na kung ano ang problema niya. Alam niya at nakikita niya kaming dalawa lagi ni Chester na magkasama. Malamang ay nakarating na rin sa kaniya kung ano kami ni Chester. Ako ang dahilan? Pwedeng oo pwede ring hindi. Aishhh. Naguguluhan ako ha!
"Baby!!! Congrats." Lumapit agad ako kay Chester pagkatapos ng game nila. Syempre panalo sila.
"Thank you. Shower lang ako." Humalik siya sa noo ko bago nag jog papunta sa lockers nila.
Nakaupo lang ako sa may bench naghihintay kay Chester ng lumapit saakin si Agustin.
"Hi Ada. Namiss kita." Lumapit pa ito na parang gustong hawakan ang pisngi ko. Pero lumayo ako rito. "O? Bakit ka lumalayo saakin ngayon?" Umalis ako sa harap niya. Ayokong may makakita saamin.
"Matapos mo akong paglaruan?" Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mag-salita ulit siya. "I fell for you, Ada." Ilang ulit akong lumunok dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. "D-dahil ba kay Medina?!" Nilingon ko siya nung lumakas ang boses niya.
"Ano ba! Baka may makarinig sayo." Lumapit ako ng katamtaman lang para marinig niya ako.
"I never dated Penelope, babe. Ikaw lang naman e." Lumapit siya kaya agad ko siyang tinulak.
Mas kumalabog ang dibdib ko ng makita si Chester na palapit na. Nilampasan ko si Agustin na ramdam na ramdam ko ang titig saakin. Hinawakan ko agad ang kamay ni Chester para hindi na lumapit kay Agustin pero si Agustin na ang mismong lumapit saamin.
"Medina," matalim ang tingin ko kay Agustin ng banggitin niya ang surname ni Chester. "Nice game." Mas lumapit ito saamin at nakipagkamay kay Chester. Nakangiti naman si Chester na nakipagkamay rin. Hindi na sila masyadong nakapagusap dalawa dahil hinila ko na si Chester.
"Bakit nagmamadali ka, baby?" Natigil ako sa paglalakad at hinarap si Chester.
Think, Ada. Think!
"Nagugutom na kasi ako."
"Ha? Dapat kanina mo pa sinabi." Humalik ito sa noo ko bago kami tuluyang umalis sa gym.
--
Kinuha ko ang tshirt ni Chester na nasa sahig at sinuot. Katatapos lang namin gumawa ng milagro at tulog na tulog siya. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha.
Kakayanin ko bang sabihin sa kaniya ang lahat ng sikreto ko? Ang lahat ng nagawa ko? Kakayanin ko kayang makita ang dismaya sa mukha niya? O ang pandidiri niya?
Iniisip ko palang na lumalayo siya saakin na may pandidiri ay naninikip na ang dibdib ko.
Kailangan ko ba siyang iwan para lang hindi siya masaktan? Kakayanin ko ba siyang iwan?
Kapag iniwan ko ba siya mareresolba ang lahat ng ito?
Gustong gusto ko ng sabihin sayo, Chester. Lahat lahat. Pero nahihiya ako. Nakakahiya ako.
---
Nikie Note:
Ano sa tingin niyo ang dapat gawin ni Ada? Leave it the comments!
Also, please read my other works. ;)
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
Votes and comments are highly appreciated. ❤️
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...