ADA XXXI

9.1K 50 7
                                    

Hindi ko forte ang drama scenes kaya pagpasensyahan niyo na ito. Babawi naman ako sa bed scenes. Hekhek.

___

"Will it change if I said I'm not." Pagkatapos niya magsalita ay bigla itong ngumiti. "I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi yon." The way he smiles ay halatang meron itong tinatago saakin.

"Is there something wrong? Bakit pakiramdam ko may tinatago ka saakin."

Huminga ito ng malalim bago binigyan ng halik ang kamay ko. "I have to tell you something." Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko na parang ayaw na nitong bitawan. "I... I have bone cancer. Stage IV."

Bone cancer...

Cancer...

Stage IV...

4?

Parang tumigil yung paghinga ko at saka lang ako nakahinga ng maayos ng maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabibin.

He smiled na parang simpleng balita lang ang sinabi niya. My eyes started to burn at hindi ko na pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"A-Are you... Are you getting treatments? Kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi saakin. Chester, bakit ngayon lang?"

"Yes. I'm getting chemotherapy." Tinuro niya ang cap niya. "Wala akong lakas na sabihin sayo noong kasal ng kapatid mo kasi alam ko na naguguluhan ka parin. At sobra sobra akong nagpapasalamat ngayon dahil nandito ka. The moment I saw you happy, I don't want to interfere anymore. Tama na yung sakit na naidulot ko sayo. Ngayong alam kong masaya ka na, hindi ko na ipipilit ang sarili ko. Handa narin akong mamatay dahil nakita naman na kita."

"Bullshit!" Hindi ko kayang marinig ang mga ito. Paano niya nasasabi ang mga ito? "Dapat sinabi mo saakin nung una palang! Tara na sa ospital." Tumayo ako at hihilain na sana siya pero napahinto ako ng mapagtantong nakaupo na pala ito sa wheelchair at putol na ang isang paa.

"Ada," I lost it. I lost control on my body at dahan dahan akong napaluhod sa harap niya. Hawak ko ang bibig ko at panay parin ang tulo ng luha ko. "Stand, please. Baby," Nakahawak siya sa dalawang braso ko at pinapatayo ako pero hindi ko iyon magawa. Humahagulgol na ako na parang bata na nawalan ng laruan. Lumalandas narin ang luha sa pisngi niya.

"Bakit hindi mo sinabi saakin? Chester naman e." Gusto ko siyang sigawan o suntukin man lang pero pinipigilan ko yung sarili ko. Ayoko makadagdag sa sakit na nararamdaman nito ngayon.

Oh god. Kahit maraming hindi magandang nangyari noon ay hindi niya deserve ang ganito. No one deserve this sickness.

"I don't wanna be the reason of your tears anymore. Hindi ko kaya na nakikita kang umiyak dahil saakin." Pinunasan niya ang pisngi ko na basang basa na ng luha. His cheeks also drenched with tears. "I'm sorry for making you cry. I'm sorry for making that beautiful face sad." Patuloy parin ito sa pagpunas sa luha sa pisngi ko. "Baby, please. Umupo ka."

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at pigilan ang pag-iyak pero hindi ko kinaya. I lost all my might na pigilan iyon at inilabas nalang lahat. Kung wala pang bumuhat saakin ay hindi ako maaalis sa pwesto ko kanina. Tinignan ko ang bumuhat saakin at nakita si Gab. Kumindat siya at ngumiti kaya pinilit ko ang sarili kong ngitian rin ito. Umalis rin ito agad matapos niya akong maiupo sa dati kong inuupuan.

"Ada, baby," hinawakan uli ni Chester ang kamay ko ng magtapat na kami. "Please, stop crying." He continued wiping the tears on my cheeks. Nakatitig lang ako sa mukha niyang may luha rin. Nanginginig ang kamay ko na inabot ang pisngi niya at pinunasan rin iyon.

He smiled at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya. "Hindi pa ako handang mamatay." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang muling pagluha. "I'm scared." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Hindi ka mamamatay. Hindi." Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. "You'll fight this, okay? Yung Chester na kilala ko hindi sumusuko. Never siyang sumuko. Fight this goddamn cancer." Muli siyang ngumiti at hinila ako para yakapin.

Tangina. Tangina talaga.

After our small talk, kinailangan niya ng bumalik sa ospital. Nalaman ko rin sa kasama niyang nurse na kakatanggal lang pala nung paa niya at inoobserbahan pa iyon ng mga doktor. Marami pa sana akong gustong itanong pero mukhang mas kailangan na ni Chester bumalik sa ospital. Sinabi naman saakin ni Chester ba pwede ko lang siyang dalawin kung kailan ko gusto.

Sinalubong ako ni Gab ng yakap noong bumalik ako sa sasakyan niya. He's smiling pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Iyong tinik sa dibdib ko ay parang mas lalong bumaon at ngayon mas nahihirapan na ako.





___

Nikie's Note:

So ito na! Sinisipag na ang ate niyo girl. Hehe pasensya na at natagalan! Mahal ko kayo. 😉

Mas napapasaya niyo ako sa comments niyo. Sa comments niyo rin nakasalalay ang updates. More comments, more chances of new updates. Hehe

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Ps. Magingat ang lahat sa COVID-19. Maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol, use facemask, uminom ng tubig at huwag ng lumapit sa mga may sakit. Be safe everyone! 😘

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon