ADA XVI

14.8K 60 4
                                    


Ramdam ko ang paghilab ng sikmura ko at parang gusto na nitong lumabas ng tuluyan kaya kahit nakapikit pa ako ay tinahak ko ang banyo. Nakayakap na ako sa inodoro at kulang nalang sambahin ko ito. Inilabas ko ang lahat ng gustong lumabas

"Hindi na ako uulit mag bar! Hindi na talaga."

Nagmumog ako at naghugas ng mukha ng matapos ako. Tumitig ako sa mukha ko sa salamin. Gulo gulo ang buhok ko at nagkalat rin ang lipstick sa labi ko. I look like shit.

Naisip kong maligo pero ng hahanapin ko na ang tuwalya ko ay saka ko lang naisip na wala ako sa banyo ko sa bahay. Halos kulay itim ang mga gamit roon na ibang iba sa mga gamit ko. Napamura ako ng makitang iba narin ang suot kong damit.

Wala na akong maalala sa mga nangyari kagabi. Oh my god! Nasaang lupalop ako? Maghi hysterical na sana ako pero nakarinig ako ng katok sa pinto ng banyo. Kinakabahan man ako pero nagawa kong buksan ito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang tao sa likod ng pinto. Kumabog ng mabilis ang puso ko ng magtama ang paningin namin. Paano ako nakapunta dito?

"Nasa laundry yung damit mo. Nasukahan mo kasi kagabi. I changed you into my clothes dahil hindi naman kita pwedeng pabayaan." Lumunok ako at napatingin sa damit ko. "Ready na ang brunch. Let's eat."

Hindi ako nagsasalita ng maglagay siya ng pagkain sa pinggan ko. Ala una na at tanghali na. Panigurado hinahanap na ako sa bahay pero eto ako nagawa pang kumain sa harap ng lalakeng mahal ko--- ehhh??? Yan talaga naisip mo, Ada?

"Ihahatid nalang kita mamaya."

"No. Hindi na kailangan."

"Ada." binitawan ko ang hawak kong kubyertos dahil nawalan na ako ng gana kumain. Tumayo na ako at bumalik sa kwarto niya. Nahanap ko ang mga damit ko kagabi kaya sinuot ko na iyon. Hawak ko ang clutch ko at sakto namang may tumatawag doon.

Napamura ako ng makita ang pangalan na tumatawag saakin.

"Ada! Sa tingin mo hindi kita mahahanap?" Rumehistro ang galit na boses ng half brother kong si Charles. Shit. Magaling siya sa IT chenelin kaya hindi ako magtataka kung alam niya kung nasaan ako ngayon. "I'll go get you in 15 minutes. Galit na galit si Dad." Natampal ko ang noo ko bago ilagay ang phone sa clutch na bitbit.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Chester na naghihintay saakin. Dadaanan ko nalang sana siya pero nahawakan niya ang braso ko.

"Huwag ngayon, Chester. Baka itakwil na ako ng Tatay ko." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at naglakad palabas ng condo niya.

Nahagilap ko ang pulang sasakyan ni Charles sa labas ng building. Prente itong nakasandal sa kaniyang sasakyan. Tumaas ang kilay niya ng sulyapan niya ang tao na nasa likod ko. Ofcourse, Si Chester.

Nilingon ko si Chester at magsasalita na sana ako pero natigil iyon ng maramdaman ko ang akbay saakin ni Charles. Anong meron dito?

"Sino ka?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Charles."Bakit kayo magkasama ni Ada?"

"Charles!" Hinila ko na siya pero nagmatigas ang hayop. Nakatingin sila sa isa't isa na para silang mga leon. Wait, what? Ang sama ng tingin ni Chester kay Charles. Iniisip niya ba na boyfriend ko si Charles? Ew.

"Boyfriend mo ba siya, Ada?" Natahimik ako sa tanong ni Chester. Hindi ko alam kung anong sumapi saakin dahil tumango ako. Nakita ko kung paano napalitan ng lungkot ang mga mata niya. What the hell? E siya nga may Ella! Napaka walang kwenta.

Hinila ko na si Charles para makaalis na kami. Panay ang loko ni Charles saakin at nakakairita na.

"Ako? Boyfriend mo?" Binato ko ang clutch sa kaniya na mas nagpatawa rito. Panay parin ang tawa nito hanggang sa makauwi kami sa bahay nila Tatay. Kung hindi lang siya nagdadrive ay malamang sinabunutan ko na siya.

Kinakabahan ako lalo na ng pumasok kami sa bahay at naabutan namin sila na nakaupo sa sofa. Seryoso ang mukha ng mga magulang ko at parang gusto ko na tuloy magpakain sa lupa.

"We're home." Napunta saamin ang tingin nila ng magsalita si Charles. Siniko ako nito para magsalita na ako pero umurong ang dila ko lalo na't nakatingin na saakin si Itay. Patay ka talaga, Ada.

Naka ilang lunok muna ako bago pumasok sa opisina ni Itay dito sa bahay nila. Sa tanang ng buhay ko, hindi ko pa nakikita na nagalit ang tatay ko. Baka ito palang kaya nanginginig talaga ako sa takot.

"Anong pumasok sa isip mo at umalis ka ng walang bodyguard?!" Nakayuko lang ako dahil baka pag tinignan ko siya ay umiyak nalang ako bigla. "Kaligtasan mo lang ang iniisip ko, Ada!"

Huminga ito ng malalim na siguro pinapakalma ang sarili. "Pagkatapos ng graduation mo, sumama ka na sa america." Napataas ang tingin ko dahil sa huli nitong sinabi. "Sumama ka na kay Brianna sa America at atupagin niyo ang mga business natin doon." Naguguluhan pa ako pero umalis na si Itay at iniwan na akong naka nga-nga.

Nanlumo ako ng makita si Inay na nasa pinto.

"Nay! Ayoko po." Yumakap ako rito at parang bata na nagsusumbong. "Hindi po ako sasama, Nay. Ayoko po na iwan kayo."

"Wala tayong magagawa sa desisyon ng Tatay mo, Ada." Mas nanlumo ako sa sinabi ni Inay.

"Iiwan ko kayo? Nay, Ayoko."

"Kung hindi ka kasi umalis ng walang bodyguard ay hindi ito mangyayari. Sundin mo nalang ang Tatay mo dahil ito naman ang ikabubuti mo."

Sumalampak ako sa higaan ko ng makarating ako sa sarili kong bahay. Naiinis man pero iniintindi ko nalang si Tatay. Wala narin naman akong magagawa kundi sumunod sa kaniya.

Itutuloy...

____

Nikie's Note :

As promised, kahit hindi natin na hit ang quota ay meron ng bagong dalawang chapters. Sana nagustuhan niyo! 😘

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon