"Huwag niyong pabayaan si Chester. Please." Tumango si Koline at niyakap ako. Nasa harap na kami ng bahay at patuloy ko parin sinasabi na alagaan nila si Chester."Huwag ka ng magalala. Magpahinga ka Ada ha?" Humiwalay ako sa yakap at tumango. "Huwag ka na munang mag online. Okay?"
"Ha?"
"Kami na rin magsusundo sayo bukas."
"Hindi na kailangan."
"Kailangan. O siya. Pasok na. Bye!" Pumasok na siya sa sasakyan ni Aldous at umalis na sila.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa bahay. Kahit hindi na ako tumingin sa salamin ay alam ko na mugto parin ang mga mata ko. Winalang bahala ko nalang ito. Buti nalang rin at hindi na gaano pansinin ang mga pasa ko sa braso.
Wala si Inay marahil ay nasa club. Okay narin iyon para walang magtatanong sa kung bakit ganito ang itsura ko.
Pagod na pagod ako ngayong araw dahil sa dami ng nangyari. Ayoko mang isipin pero lagi kong naalala ang paraan ng pagtingin saakin ni Chester. Halata ang galit at dismaya sa tingin niya. Nandidiri na ba siya saakin? Ayaw niya na ba saakin? Hindi niya na ba ako mahal? Napakadaming tanong ang naglilikot sa utak ko ngayon. Gusto kong itanong kay Chester lahat. Pero natatakot rin ako sa mga sagot niya saakin. Parang hindi ko ata kakayanin kung sasabihin niyang hindi niya na ako mahal dahil sa mga nalaman niya. Parang hindi ko ata kakayanin na mawala siya saakin.
Mahal ko na ba si Chester?
Ganito ba magmahal?
Hindi rin ata maganda na umuwi ako dito sa bahay. Mas lalo akong nalulungkot.
Humiga nalang ako sa kama ko at pinagmasdan ang picture namin ni Chester sa cellphone ko. Kailan lang ito kinuha at ang saya saya naming dalawa.
Matutulog na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Notification iyon sa facebook. Naconnect pala ang cellphone ko sa wifi ng kapitbahay namin. Sunod sunod ang tunog niyon at mukhang tinadtad nga ako. Nakakapagtaka dahil hindi naman ako madalas magbukas ng facebook ko. Binuksan ko ang notification na iyon at napunta ako sa isang video. Halos wala kang makita sa video dahil sa dilim nito. May sumunod na mga ungol. Naging klaro ang video. Video iyon ng dalawang tao na gumagawa ng milagro.
Kumabog ang dibdib ko ng mamukhaan ko si Chester. Siya yung nasa video. Siya yung lalake sa video. Siya ang may ka sex.
Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw nila akong pagbuksan ng facebook ko?
Unti unti ng bumagsak ang mga luha ko. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Chester. Parang sasabog na yung puso ko.
Huminga ako ng malalim bago dumampot ng jacket at onting pera. Kailangan kong pumunta kina Sofia ngayon at kausapin mismo sila.
Napatigil ako sa pagsara ng bahay ng makita ang pamilyar na sasakyan. Napalunok ako ng makita kung sino iyon. Siya ang pupuntahan ko dapat pero ngayon na nandito siya sa harap ko at nakangisi saakin ay parang natatakot na ako.
"Saan ka pupunta?" Ngumiti siya pero iba ang ngiti na iyon. Nakakatakot. Hindi ako sumagot sa kaniya. Ngayon at nakita ko siya ay unti unti ng nabubuo yung galit ko. Unti unti na akong nilalamon ng galit dahil sa video na nakita ko kanina.
"Pupuntahan mo si Agustin?!" Marahas niyang hinawakan ang isang braso ko.
"Aray!" Mas diniinan niya ang pagkakahawak doon. "Ano ba Chester!"
"Hindi ka makakaalis, Ada. Pagsisisihan mo ito." Bumitaw siya sa braso ko. Tinignan ko ito at namumula narin ito. Paniguradong papasa nanaman ito. Narinig kong tumunog ang sasakyan niya. Binuksan niya ang isang pinto at marahas akong hinila.
"Ano ba! Hindi ako sasama sayo!"
"Sasama ka sa ayaw mo't hindi. Wala ka ng karapatang magdesisyon ngayon. Sakay!" Tinignan ko siya ng masama bago tuluyang sumakay sa sasakyan niya. Huminga ako ng malalim at pinipigilan ang luha na tumulo. Pero sadyang masama na siya dahil itinigil niya ang sasakyan at marahas na hinawakan ang mukha ko. "Oh? Bakit ka umiiyak? Dahil ba hindi mo makikita si Agustin?"
"Hindi ako pupunta kay Agustin!"
"Sinungaling!"
Nagulat ako at para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng tumama ang malakas na sampal sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na sinampal niya ako. Hindi ako makapaniwala na kaya niya akong saktan.
Yumuko nalang ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko.
Tumigil ang sasakyan niya kaya pagkakataon ko na para punasan ang pisngi ko. Umalis siya ng sasakyan at binuksan ang pinto ko. Hindi ko namalayan na nandito pala kami sa condo niya. Nakasunod lang ako sa kaniya hangang sa makaabot kami sa condo niya.
Isinandal niya ako sa pinto ng condo niya ng makarating kami. Mala demonyo ang mga mata niya at para akong isang pirasong karne na gusto ng lapain ng isang leon.
Agresibo ang paraan niya ng halikan niya ako. Halata sa mukha niya ang galit at libog. Hindi na siya nagatubli na angkinin ako dahil pinunit niya pa ang damit ko. Wala na akong nagawa kundi umiyak. Umiyak ng umiyak. Hindi ako nasasarapan sa ginagawa niya bagkus nasasaktan ako.
Nang matapos niya akong pagrausan ay umalis siya. Nakahiga ako sa kama at ramdam ko ang sakit ng aking ari. Hindi siya tumigil hanggang hindi ako humihiyaw sa sakit. Ito ba talaga ang gusto niya?
---
Nikie's Note
Dali na type na kayo ng comment para malaman ko kung anong feels niyo dito sa chapter na ito. Hehe.
10 votes for the next chapter. 😉
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
Votes and comments are highly appreciated. ❤️
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
Roman d'amourHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...