Tama ba na kahit ganun ang ginawa niya saakin kagabi ay hihintayin ko parin siya? Pero gusto ko na mag usap kami. Galit ako sa kaniya di lang dahil sa ginawa niya saakin kagabi pero galit rin ako sa kumakalat na video niya. Paraan niya ba ito para makaganti saakin?Ilang oras na mula ng umalis siya pero eto ako si tanga na hinihintay siya. Dumaan ang lunch at dinner ay hindi parin ito umuuwi. Nasaan na kaya siya? May balak pa kaya siyang bumalik rito? Nagsisisi na tuloy ako na iniwan ko ang cellphone ko.
Nakaidlip ako sa sofa agad rin akong bumangon para icheck kung nandito na si Chester. Maguumaga na pero wala parin ito. Nasaan na kaya siya?
Nakarinig ako ng sunod sunod na doorbell. Agad akong pumunta sa pintuan at ininda nalang ang sakit sa pagitan ng hita ko.
Bumugad saakin si Chester na nakaakbay sa isang babae. Nakangisi yung babae saakin habang akay akay ang lasing na si Chester.
"A-ako na." Pero tila hindi nito narinig ang sinabi ko bagkus tinulak niya pa ako para makadaan silang dalawa ni Chester. "Sino ka?"
"Ella. Girlfriend ni Chester. Pwede ka ng umalis. Ako na ang bahala sa kaniya." Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi makagalaw. Anong sabi niya? Girlfriend? Paano mangyayari iyon e ako ang girlfriend ni Chester. "Bingi ka ba? Umalis ka na. Shoo!" Tinulak niya ako kaya na out of balance ako. Lumagapak ang pwet ko sa sahig at napaaray ako dahil doon.
Siya ba yung kasama ni Chester sa video?
"I-ikaw ba yung..."
"Ako nga."
Hindi na ako nagtanong pa. Tama na ang pagiging masokista, Ada. This is not you.
Nakarating ako sa bahay at maraming tinanong si Nanay saakin pero ni isa ay wala akong sinagot. Nahiga nalang ako sa kama ko at nagkulong. Nagkulong ako hanggang sa hindi nauubos ang luha ko. Para na rin akong patay dahil durog na durog na ako. Durog na durog na ang pagkatao ko pati ang puso ko.
Ganito ba talaga magmahal?
--
Nagising ako at ang tanging nakikita ko ay ang kulay puti. Imposibleng nasa langit ako dahil demonyo ako. Napakarami kong kasalanan kaya hindi ako deserving mapunta sa langit.
"Ada? Anak!" Nakita ko si Inay na humahagulgol sa tabi ko. Nandito pala ako sa ospital. Buhay pa pala ako?
"Anak naman, hindi ko kakayanin kung mawawala ka saakin. Please naman." Umiiyak si Inay sa harapan ko at nagmamakaawa. Pero bakit wala akong maramdaman?
Pumasok si Itay at hinawakan ang isang kamay ko. Nakayakap na ngayon si Inay sa kaniya.
"Okay ka lang ba, Ada?" Isang tanong lang mula sa ama ko ay umiyak na ako. Humagulgol na ako ng maramdaman ang yakap niya.
Umiyak lang ako kay Tatay habang siya ay hinahaplos ang likod ko. Ng tuluyan na akong kumalma ay ikinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Halata ang galit kay Itay. Marahil dahil walang kwenta ang anak niya. Siguro kung hindi ako nakaconfine ngayon ay sinampal niya na ako o kaya naman itinakwil na.
Dalawang araw na pala akong nandito sa ospital. Dehydrated ako at stressed kaya ngayon lang ako nagising. Buti nalang daw at sinira ni Itay ang pintuan ng kwarto ko. Nakahandusay na daw ako sa sahig nung makita nila ako.
"Pwede ka ng madischarge mamayang hapon, Ada. But make sure na hindi na ito mangyayari uli." Tumango ako sa doktor. Binigyan nila ako ng gamot dahil nakitaan rin nila ako ng signs of depression.
Nang hapon ding iyon ay lumabas na ako ng ospital. Sinundo kami ni Itay dahil ulit niya na may surprise daw sila ni Inay saakin.
Pumasok ang sasakyan sa loob ng isang private subdivison. Kilala ang pangalan na nakalagay sa gate niyon at alam kong mahal ang mga lupa rito. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay.
"Ada." tumingin ako kay Itay at kinuha ang inaabot niyang envelope. Binuksan ko ang envelope at nakita ang isang titulo. Nakapangalan ito saakin. "Ito na ang bago niyong bahay." Nanlaki ang mata ko at niyakap si Itay. Niyakap ko rin si Inay na umiiyak nanaman sa gilid namin.
Nanlalaki parin ang mata ko ng pumasok kami sa loob. May mga gamit na sa loob at ang kulang nalang ay kami mismo.
Nagpasalamat muli ako kay Tatay. Matagal ng pangarap ito ng Nanay ko ang magkaroon ng sariling bahay. Basta masaya ang nanay ko ay masaya narin ako.
Nasa loob na ako ng sarili kong kwarto na triple ang laki sa dati kong kwarto. Masaya naman ako e. Pero nalulungkot parin lalo na kapag naaalala ko ang nangyari noong umalis ako sa condo niya. Hindi ko ata kayang kalimutan ang araw na iyon.
Ilang araw matapos naming lumipat ng bahay ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ang mga kaibigan ko. Gusto ko naring ikwento sa kanila ang lahat ng nangyari kaya nagipon talaga ako ng lakas ng loob. Ilang araw nalang rin ay gagraduate na kami at magkakalayo na talaga.
Nandito ako sa isang coffee shop at hinihintay sila. Kinakabahan ako sa kung paano ang magiging reaksyon nila. Katulad rin ba ng kay...
"Ada!" Tumayo ako at sinalubong ng yakap sina Koline at Sofia. "Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang nagpakita saamin? Alam mo bang nagaaalala rin kami." Koline.
"Pumunta kami sa dati niyong bahay pero ang sabi nila ay hindi na kayo doon nakatira."
"Pasensya na." Hindi pa ako nagsisimula magkwento pero naiiyak na ako. Ano ba namang mga luha ito. Napakababaw.
"Ada, alam na namin." Tinignan ko silang dalawa. "Yung kay Sir Agustin at yung ginawa sayo ni Chester. Alam rin namin yung video niya na kumalat."
Aaminin ko na wala pang buwan ang nakakalipas mula ng lahat ng iyon kaya memoryang memorya ko pa lahat.
"Masaya ba siya kay Ella?" Tumawa ako. "Nakilala ko yung ipinalit niya saakin. Sana maging masaya sila."
"Pero--"
"Ayoko ng makarinig ng balita kay Chester, Sofia. Huwag muna ngayon. Masakit pa e."
"Naiintindihan ko na nasasaktan ka. Pero kailangan niyong magusap. Parehas lang kayong may ginawang mali."
"Wala akong ginawang mali. Yung mga nangyari saamin ni Agustin ay nangyari bago pa naging kami ni Chester. Ito ba ang sinasabi niya sa inyo?" Namuo ang galit saakin. Alam ba talaga nila ang tunay na nangyari o ang alam lang nila ay yung sinabi ng ibang tao?
---
Nikie's Note
Parang easy lang yung 10 votes para sa inyo e. Kaya naman para sa next chapter. Kailangan ng 20 votes and 10 comments. 😉
Dali naaa para malaman na kung ano ang susunod na mangyayari kina Ada at Chester. Malay niyo may Sexy time ulit sila. Mwahahaha
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
Votes and comments are highly appreciated. ❤️
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...