ADA XIX

13.4K 63 4
                                    

I dedicate this chapter sa lahat ng walang sawang nagbabasa sa storya ni Ada. I hope you enjoy it as much as I enjoyed writing and thinking about it.

Hi FreakishLittleLady &&& ElaineTuliao0, thank you for reading!

❤️
A
____

Naka ilang lagok ako sa hawak na beer ng muling magtama ang tingin namin ni Chester. Kanina niya pa ako tinatapunan ng tingin dahil takot siguro nito na bumalik ako sa mga naglalaro ng billiard. Matapos ang nakakakilabot na pagusap niya saakin kanina ay nilayo niya ako sa mga naglalaro ng billiard. Ni hindi na ako nakapagsalita pa kanina at sinunod nalang ang gusto niya. Ano bang magagawa ko e baka maulit nanaman yung nangyari kanina? Mukha pamandin siyang handang makipagaway.

Panay ang bigay nito ng malagkit na titig lalo na kapag nakikita niya ang katawan ko. Hindi ko rin naman mapigilan ang sarili ko na titigan siya. Hello?! Kung nakikita niyo lang sana kung paano siya humalakhak at makipagusap sa mga kaibigan niya rito ay paniguradong tatalunin niyo siya agad. Napakagwapo niya at idagdag pa ang makisig niyang pangangatawan at ang kaniyang...

OMG! Kahit saan nanaman napupunta ang mga tingin mo, Ada. Sa mukha ka tumingin huwag sa katawan!

Bigla tuloy naginit ang katawan ko kaya pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay. Grabe parin ang epekto niya saakin. Hindi ako nagswimming pero ramdam ko ang pamamasa ng aking mother cave.

"Frenny! Let's dance!" Nakangiti akong nagpahila kay Sofia. Nakabukas na ang strobe lights at mayroon naring malakas na music. Nagtatalunan na ang iba roon dala narin siguro ng alak.

Hinila ko narin si Koline na nakatayo sa isang tabi. Para kaming sira ulong tatlo na nagsasayaw at nagtatatalon. Tawa rin kami ng tawa kahit wala namang nakakatawa. Dala nalang rin ng alak siguro.

"Huwag niyo akong kakalimutan ha?" Tinitigan ako ni Sofia bago bagukan. Mahina ko lang itong sinabi at nagulat pa ako noong narinig niya.

"Bakit? Saan ka naman pupunta aber?"

Nag kibit balikat nalang ako bago yakapin silang dalawa. Ginawa nilang masaya at memorable ang college days ko. Kung hindi dahil sa dalawang bakekang na ito ay hindi ako mag eenjoy ng ganito. Wala sana akong babaunin na magagandang memorya sa pag alis.

Napalitan ang kanta na tinutugtog sa mas malumanay. Magkahawak kamay kaming tatlo at nagsoslow dance.

"Thank you sa lahat lahat, Sofia at Koline." Kanina pa ako nagpipigil ng luha ko. Selfish ba ako? Nakapagdesisyon na akong hindi sabihin sa kanila ang pagalis ko. Selfish nga talaga akong tao.

"Bakit pakiramdam ko nagpapaalam ka saamin?" Para akong nasamid sa sarili kong laway. Nakatingin na ang mga mata ni Koline saakin na parang minamasid ako. Ang talino talaga nitong Frenny ko na ito.

"Baliw. Syempre hindi na tayo magkikita araw araw." Umiling ako kay Koline at binigyan siya ng ngiti. Pero mukhang hindi ito kumbinsido sa naging sagot ko.

"Oo nga naman, Koline. Ikaw nababaliw ka lang e!" Inakbayan ni Sofia si Koline kaya naging malumanay na ulit ang kaniyang mga mata. "O ayan na ang sundo mo."

Ngumuso ito kaya naman sinundan namin ng tingin at nakita namin si Aldous na mukhang sinusundo na saamin si Koline. Nagkakamot ito sa kaniyang ulo habang nakangiti. Tumango kami kay Koline at binitawan na namin siya.

"Aba!" Sumulpot rin si Ralph na nagpahagikgik sa isa kong kaibigan. Parang kiti-kiti si Sofia kapag nakikita si Ralph. Kulang nalang mag hugis puso yung mata niya e.

Well, masaya naman ako para sa mga kaibigan ko. Deserve nila ang maging masaya. Kung lolokohin man sila ng mga gagong ito, handa naman akong rumesbak. Nakangiti ako na lumayo sa mga nagsasayaw. Nakakahiya naman kung tutunganga nalang ako doon diba?

Pabalik na sana ako sa dati naming pwesto ng may biglang pumulupot na braso sa bewang ko. Hinigit niya ang katawan ko bago ako ikutin para magkaharap kami.

Sumilay ang ngiti sa aking labi ng tuluyang magtagpo ang mga tingin namin. Ang kaninang mga kamay ko na nasa dibdib niya ay nilipat ko sa kaniyang batok. Mas inilapit naman nito ang katawan ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang napaka gwapong mukha ni Chester lalo na't napaka lapit namin sa isa't isa. Mula sa magulo niyang buhok, bilugang chestnut brown na mata, mahabang pilikmata, pointy nose at kaniyang mapupulang labi. Lahat iyon ay bumubuo ng napakagandang masterpiece.

"Ang ganda mo." Ilang beses na akong nasabihan na maganda ako pero kapag sa kaniya nanggagaling ang pinakapaborito ko. Siguro dahil ang boses niya ay parang musika saakin.

"Matagal na." Hindi ko na kayang makipagtitigan sa kaniya! Para akong inaakit ng mala pusa niyang mata.

"Let's go somewhere." Hindi na ako nakapagsalita ng bigla nalang niya akong hilahin. Magkahawak kamay kami habang tinatahak ang daan na hindi ko alam. May ipinatong siya sa balikat ko na jacket kaya sinuot ko naman. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling iyon dahil wala naman siyang pangitaas kanina.

Lumayo kami sa gulo ng party at nandito na kami ngayon sa harap ng beach. Gabi na o baka naman umaga na at tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang ilaw namin.

"I'm sorry, Ada." Humarap siya saakin at hinawakan ng maigi ang kamay ko na kanina niya pang hawak. Base sa nakikita ko ay basa ang kaniyang mukha. Umiiyak siya?

"Sa lahat ng katarantaduhan ko. Sa mga nagawa ko sayo. I'm sorry, baby ko." Hinawakan ko ang mukha niya bago alisin ang mga luha gamit ang hintuturo ko. "I'm sorry."

"Shh..." Gusto ko nalang siyang yakapin at sabihin na okay lang ang lahat pero para ko nalang rin niloloko ang sarili ko. Galit rin ako sa mga nangyari pero ngayong nakikita ko siyang umiiyak sa harap ko ay nanlalambot ang puso ko. "Okay na yun. Tapos na yun." Ngumiti ako sa kaniya. Yumakap ito saakin na malugod ko ring tinanggap. Ng bumitaw ito sa yakap ay meron na siyang makalaglag panty na ngiti.

Lumuhod ito sa harap ko at may kinuha ito sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang mata ko ng marealize kung ano ang nangyayari. Napahawak ako sa aking bibig ng makita ang maliit na box. Omg!

Nagtubig ang mata ko ng buksan niya ito at makita ko ang isang singsing. Wala itong dyamante o ano mang palamuti, simple lang ito at mayroon itong maliit na knot sa pinakatuktok.

"This is a promise that I'll love you no matter how hard challenges come. That I'll never hurt you nor make you cry. I promise to be by your side." Natutop ko ang bibig ko dahil naubusan na ako ng salita. Paano ko pa sasabihin sa kaniya na aalis na ako? Paano na kami? "I love you so much, Ada. Will you marry me?"

Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Naguguluhan ako.

"Chester," nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. "T-Tumayo ka please." Nabasag na ang boses ko. Naguguluhan ako! "I'm sorry. I'm really sorry."





Itutuloy....

___

Nikie's Note:

Enggkkkk...

I don't usually write dramatic scenes dahil hindi ko talaga ito forte, pero sana nagustuhan niyo. Hehe.

Magalit na kayo kay Ada. Huwag saakin please. Hahahahaha

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Votes and comments are highly appreciated. ❤️

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon