To: Brianna
Your friend won't even answer her phone. Are you sure na gusto niya talagang magpakasal?
Malapit ko ng murahin si Annelyn sa text dahil panay ang rason nito saakin kapag may appointments kami. Para naring kasal ko ang gaganapin dahil lahat na ng gusto ko ang nasusunod.
From: Brianna
Nakakaramdam na daw ang fiancé niya na may ginagawa behind his back. Patience, sis.
Tinago ko na ang cellphone ko at itinuon nalang sa clearbook sa harap. Sa week na napili ni Future bride ay meron akong mga events. Kaya nagkakaaligaga na rin ang mga staff ko sa pagbalanse sa oras nila.
Dalawang buwan na ang nakalipas at isang buwan nalang ay ang plano niya ng kasal. Sa limang buwan na pagpaplano ay bilang lang sa daliri ang beses ng pagkikita namin.
Pumasok si Sarah- secretary ko, at sinabi ang mga appointments ko ngayong araw.
"Miss, Event Avenue would like to highlight you in their latest magazine." Nabalik sa kaniya ang tingin ko. Matagal akong hindi umimik kaya ito na ang nagsalita. "I'll decline their offer?"
"Let me think about it. I have to consult Gab first. Can you connect my line to Gab. Thank you, Sarah." Ngumiti ito bago bumalik sa lamesa. Wala pang tatlong segundo ay nakausap ko na si Gabriel.
Lalabas kami for lunch at susunduin na lang namin yung kambal. Kapag busy kasi kami pareho sa trabaho ay nakina Nanay o Mommy ang kambal.
Nasa labas ako for a meeting when I recieved Gab's message. Nasa labas na daw siya ng restaurant kung saan ang meeting ko.
Agad kong tinapos ang meeting with my suppliers. I paid the bill at iniwan nalang sila para makapag lunch na. Nang pumasok ako sa sasakyan ni Gab ay naroon na ang kambal sa kanilang car seat.
"Hi, Nanay!" Sabay nilang sabi at kumakaway pa.
"Hello, my babies." Kumaway rin ako sa kanila. Tumingin rin ako kay Gab na nakangiti sa driver's seat. "Where are we eating? I'm starving." Hinawakan nito ang kamay ko at binigyan iyon ng halik.
Hindi ako sinagot ni Gab at basta nalang nagmaneho. We ended up in a famous burger fastfood chain. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na dito nila gusto kumain. I can hear the twin's applause ng makita ang fastfood.
Nasa sasakyan palang kami pero parang bumabaliktad na yung sikmura ko. Nakikita ko palang yung burgers nasusuka na ako. Pinagbuksan ako ni Gab ng sasakyan. I am feeling something in my stomach lalo na nung bumukas ang pinto ng fastfood at maamoy ko ang nilulutong patties.
"Babe?" Napahawak ako sa bibig ko and trying hard not to vomit. Kinapit ko ang isang kamay sa braso ni Gab at umiling. "You don't want here?"
I am a fan of fastfood chains pero hindi ko alam kung anong nangyayari saakin ngayon.
Parang umiikot ang paningin ko nang makapasok uli ako sa sasakyan. Talo ko pa ang lasing sa pakiramdam na ito e. "Are you sure you're okay?"
"Okay lang ako. Can we eat at home nalang?" I answered him without opening my eyes. Narinig ko nalang na kinakausap niya yung kambal. I woke up ng maramdamang buhat niya na ako. He placed me on our bed at humalik sa noo ko.
Nagising ako na may maliliit na kamay na nakayakap saakin. Tulog ang kambal sa tabi ko at may bakas pa ng luha sa pisngi nila. I wiped those tears bago ko hinalikan ang pisngi nila.
Nakaramdam ako ng gutom ng makababa ako sa kusina. I can smell something fried and delicious.
"Hey, babe." I saw Gab in an apron. Lumapit siya saakin at humalik sa labi ko. "Are you okay? What do you want to eat?"
"I'm starving, babe. Pancakes please?" Pinaupo niya muna ako sa isang bar stool bago siya bumalik sa pagluluto. Gab makes the best pancakes in the world. Naalala ko noong buntis pa ako sa kambal ay madalas iyon ang hingiin ko.
"Nanay!" Umalingawngaw ang tawag saakin ng kambal. Nagising siguro dahil wala na ako sa tabi nila.
"No running on the stairs. Nanay is here." Sinalubong ni Gab ang kambal. Agad rin namang nagpabuhat ang dalawa at umupo sa tabi kong bar stool.
"Pancake, Tatay?" Tumango si Gab kay Gavin bago tapusin ang pagluluto at binigyan kami ng tig iisang plato. "Pancake is for mornings?"
"Nanay wants pancake, anak." Ngumiti ako kay Gavin bago simulang kumain. Nakatayo naman si Gab sa harap namin at tinitignan lang kami kumain ng mga anak niya.
After 2 days of rest, saka lang ako nakabalik sa trabaho. Muntik nanaman naming pag-awayan pero he knows I love this job. At dahil pumayag siya na bumalik nako, pumayag narin akong magkaroon ng driver.
"1 chocolate, Adam." Tulak tulak ni Yaya Jona ang kart na unti unting pinu puno ng kambal ng kung ano ano. Kasunod rin namin si Manong Bert na driver ko.
Sunday ngayon at napagisipan kong mag grocery at syempre sumama saakin ang kambal. Nakahawak sila sa kart pero kapag nalilingat ako ay may dinadagdag sila.
"Do you want strawberry or banana?"
"Both!" Tumawa sila ng magsabay silang magsalita. Ang cute talaga nilang dalawa. Idagdag pa na parehas silang naka denim jeans and jacket ngayon.
"Can I get yogurt, Nanay?" Tumango ako kay Gavin at agad naman siyang nagpaabot sa Yaya niya.
Iniwan ko sila sa fruit section dahil nakalimutan kong kumuha ng sabon ni Gabriel. Pabalik na sana ako sa kanila pero nadaanan ko ang mga tampons.
Inaalala ko palang kung meron pa akong tampons ng may biglang sumingit na bata saakin.
"What is that, Nanay?" Hawak ko ang isang box ng tampons at nakatingin doon si Gavin. "Nanay?"
"For females, anak. Let's pay na."
Natapos kami sa grocery at tumambay muna sila sa opisina ko bago kami pumunta kay Gabriel.
"Tatay!" Tumakbo agad ang kambal sa Tatay nila na agad rin naman silang binuhat. Kaya rin siguro naging mas macho si Gab dahil sa panay na pagbuhat sa kambal.
Naka reserve si Gab sa isang steak house. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero mukhang ayos lang ako rito. Nagiging pihikan uli ako sa pagkain.
"I don't want wine, love." Tumango si Gab bago ibalik sa ice bucket ang wine. Humagikgik naman ang kambal ng ilabas ni Gab ang isang bote at nilagyan ang baso nila. Grape juice. Tuwang tuwa yung kambal na akala mo umiinom talaga sila ng wine.
Matapos ang dinner ay umuwi rin kami agad. Nagpresenta si Gab na siya na ang magpapatulog sa kambal kaya nauna na ako sa kwarto namin para makaligo na.
After my warm bath, umupo na ako sa harap ng vanity table ko at nagsimulang patuyuin ang buhok ko.
"You get dizzy lately." He entered our room at dumaretsyo sa likod ko para masahehin ang ulo ko. "I'll cancel my appointments tomorrow. You need to see a doctor."
"Okay lang ako, babe. I just need to rest." He kneeled infront of me at mas tinignan ang mukha ko. I tried looking away dahil alam ko na umiba ang ichura at aura ko.
"You look so pale, babe." He carressed my cheek and kissed my forehead. "I don't want you like this. I don't want you sick. I'm afraid"
"Shh... I love you." Hinila ko siya at hinalikan sa labi.
I love you, our twins and this angel in me.
___
Nikie's Nite:
Yey! Enjoy the updates. Comment kayo para isunod ko yung next update. 😊
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...