ADA XII

16.9K 57 2
                                    


Nakaupo ako malapit sa parking area at nagbabakasakaling mahagilap ng mata ko ang sasakyan ni Chester. Hawak ko ang cellphone ko at paulit ulit siyang tinatawagan pero hindi ito sumasagot. Grabe na yung kabog ng dibdib ko.

"Ada, ano ba ang nangyari? Bakit ka may pasa sa braso?" Kanina ko pa kasama si Koline at meron naring ice bag sa mga braso ko. Panay lang ang tawag ko kay Chester. Kung nagbalak siyang sunduin ako kanina, malamang nakita niya kami ni Agustin. Sana hindi sila nagusap.

"Anong nangyari?" Humahangos si Sofia ng makarating saamin. "Bakit ka may pasa? Sino ang may gawa sayo nito?"

Umiling ako sa mga tanong nito. Naluluha nalang ako habang hindi makapagsalita. Gusto ko nalang makita si Chester ngayon at makapagpaliwanag. Niyakap ako ni Sofia kaya ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha ay bumuhos na.

"Chester!" Lumayo ako kay Sofia at nakita si Chester. Kakapark niya lang ng sasakyan niya. Tumayo ako agad at lumapit sa sasakyan niya.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hagkan. Gusto kong ipaliwanag sa kaniya kung ano ang mga nagawa ko dati. Kung bakit ko iyon nagawa. Gusto kong tanggapin niya parin ako.

"C-Chester." Tinignan niya lang ako tapos ay umalis na. Yung mga tingin niya. Ibang iba sa kung paano niya ako tignan dati. Nawala yung... pagmamahal. Nalaman niya na ba? Nagusap ba sila?

"Girl, kumain ka muna." Kanina pa ako umiiyak kina Sofia at Koline. Mugtong mugto na ang mata ko at wala na akong pake kung ang pangit pangit ko na. Nandito kami sa bahay nila Sofia. Dito nila ako dinala dahil iyak ako ng iyak.

Umupo ako sa kama at sinunod ang sinabi ni Sofia. Tahimik lang kami habang kumakain ako. Ramdam ko na kanina pa nila gusto malaman kung ano ang nangyayari pero hindi lang nila ako pinipilit na magkwento.

Mabubuti silang kaibigan pero hindi ko pa ata kaya na magkwento sa kanila. Isa isang problema muna.

"Matulog ka muna, Ada. Mugto na eyes mo." Sofia. Tumango ako sa kanila. Siguro nga kailangan ko na talaga munang matulog. Kaninang umaga pa ako umiiyak.

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na boses. Rinig ko ang mga boses nila Sofia at Koline. Naghugas muna ako ng mukha sa cr. Nakita ko kung gaano kapangit ako ngayon. Lumabas ako ng kwarto ni Sofia at nakita silang dalawa na tutok na tutok sa mga cellphone nila.

"Gago siya."

"How can he do this?!" May ipinakita si Koline kay Sofia kaya natutop nito ang kaniyang bibig. "I'm gonna kill him!"

"Anong nangyayari?" Parehas silang nagulat ng makalapit ako. Tinago rin nila ang mga cellphone nila kaya mas lalo akong nagduda.

"Natawagan ko na si Tita. Okay lang daw na dito ka muna." Sofia. Tumango ako sa kaniya pero hindi nawala ang pagdududa ko. Mayroon silang itinatago saakin.

Nakaupo kaming tatlo sa sofa at nakabukas ang tv. Nakatutok ang mata ko doon pero parang wala ako sa sarili. Nakatingin lang ako doon at hindi ito maintindihan.

Tumunog ang doorbell nila Sofia kaya bumangon ito para buksan.

"A-Ada," nilingon ko siya at nagulat ng makita na binubuhat nila papasok si Chester. Mapupungay ang mata nito at nakangisi ng magtama ang mga mata namin. Lumapit ako sa kaniya pero tinaboy niya lang ang kamay ko.

"Ako ng bahala, Ada." Ralph. Nakarinig ako ng 'tsk' galing sa kaniya bago nila ito buhatin muli.

Pinadaretsyo na ni Sofia na ipabuhat sa guestroom nila.

"Sorry Ada. May laro kanina kaya late ko napuntahan si Chester. Kaninang tanghali pa pala siyang umiinom." Ralph. Tumango lang ako rito. Umalis rin sila nung naihiga na nila si Chester. Inabot naman saakin ni Koline ang isang basin at bimpo. Nagabot rin si Sofia ng damit na pagpapalitan nito. Pinunasan ko ang mukha at katawan niya bago binihisan ng damit.

Natutulog ito at mahina pang humihilik.  Humawak ako sa pisngi nito at tumitig sa napaka amo niyang mukha.

"Chester," huminga ako ng malalim. "Kung ano man ang meron saamin ni Agustin, wala na iyon simula ng makilala kita. Sana ako ang paniwalaan mo." Nagpipigil nanaman ako ng luha ko. Bakit pagdating sa kaniya ay napaka iyakin ko?

Malapit na ako sa pintuan ng marinig ang impit na ungol nito. Nilingon ko siya at nakita itong bumabangon na sa kama. "Chester." Umupo ito sa gilid ng kama at napahawak sa ulo niya. Lalapit na sana ako pero itinaas niya lang ang hintuturo niya na sign para hindi ako lumapit.

"Not now." Huminga ako ng malalim at pinigilan ng mabuti ang mga luha na tumulo.

"S-sige." Mabigat man ang damdamin ay pinilit ko paring lumabas at iwan siya doon.

Hindi ako napansin ng mga kaibigan ko na lumabas ng kwarto. "Uhm, pwede niyo ba akong ihatid?" Nakita kong tumango si Ralph.

"Uuwi ka? Hindi kayo maguusap?" Lumapit saakin si Koline. Umiling ako bago nagsalita.

"Huwag daw ngayon. Uuwi muna ako. Kayo na muna ang bahala sa kaniya." Tumango si Koline. Nagprisinta silang dalawa ni Aldous na ihatid ako.

Tahimik lang ako habang pauwi kami. Naglalampungan naman silang dalawa sa harap ko. Masaya ako para kay Koline dahil hindj na siya tomboyan ngayon at talagang tinanggap niya na si Aldous. Sana all tinatanggap.

___

Itutuloy...

---

Nikie's Note

What do you think about the update? Leave your comment below!

Don't forget to vote. ☺️

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Votes and comments are highly appreciated. ❤️

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon