ADA XXIX

10K 72 12
                                    

Pagkapasok namin sa room ay saka ko lang naramdaman ang pagod. Hindi naman ako iyong kinasal pero sobra ang pagod ko. Gusto ko nalang sana matulog at yumakap kay Gab pero alam ko sa sarili ko na dapat kong sabihin sa kaniya ang nangyari kanina.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakalaylay ang legs ko sa dulo ng kama. Dahil hindi pa ako nagtatanggal ng heels at ayoko naman na madumihan ang kama namin ni Gab. Halata siguro sa itchura ko ang pagod dahil si Gab na ang nagtanggal ng heels ko at hinihilot narin nito ang paa ko. Such an angel. Iyong mga sweet gestures na ganito ni Gab ang nagdadagdag ng kaniyang kagwapuhan.

Kaya gandang ganda ako sa sarili ko e.

Umupo ako at tumitig sa mukha niya. Puro masama ginawa ko rati pero bakit ganitong anghel ang meron ako ngayon? What good thing did I ever do to deserve someone as good as him?

"Do I deserve you?" Nagulat ito sa tanong ko pero hindi niya iyon pinahalata bagkus ngumiti lang ito. "Gabby," I pat the space beside me at umupo siya roon.

"He's here."  Huminga ako ng malalim at humawak sa kamay niya. I wanted to tell him everything at kahit pa man hindi ko pa sinasabi na nasa party kanina si Chester ay alam niya na. Dahan dahan akong tumango at naghintay ng reaksyon mula rito pero tanging ngiti lang ang ibinigay nito. "I understand if you want to be with him. I won't push you to like me if you're not over him."

Nainis ako sa sinabi niya. Sa tingin niya ba hindi siya kagusto gusto?

Sinuntok ko ang dibdib niya kaya kumunot ang noo niya. Hindi ko na napigilan na lumandas ang mga luha sa pisngi ko. He's so selfless. Una ginusto niya na gamitin ko siya para makalimot. Ngayon naman, parang tinataboy niya ako.

Pinunasan niya ang pisngi ko at ngumiti nanaman. But that smile didn't reach his eyes. I hate that I'm affecting him. Alam ko naman na nasasaktan ko siya ngayon.

"Aaminin ko na nagulat ako noong nakita ko siya. Kinabahan at nangatog ang tuhod. Noong nakita ko siya, nag flashback yung sakit. Nagflashback yung mga panahon na nilalasing ko yung sarili ko sa alak para lang malimutan siya. But the strange thing is, when I saw him again, I didn't felt the butterflies on my tummy. There were no more blurring effect. It felt like the love I had for him... is gone. Pero natatakot rin ako na kapag nalaman ko ang side niya ay mag-iba ang nararamdaman ko. Unfair ako sayo at alam ko iyon. Natatakot akong saktan ka, Gab. Kaya gusto ko muna kausapin ka bago ako magdesisyon. Will you still stay kahit walang kasiguraduhan? Hindi mo rin ba ako iiwan? Kasi Gab natatakot narin akong maiwan lang." Nakatingin lang siya saakin at panay lang ang punas sa pisngi ko. He held my cheek and stared directly at my eyes.

Handa ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Naisip ko na ang pwede niyang isagot at hinanda ko na ang sarili ko para sa araw na ito. Naghanda na ako para sa worst.

"I love you." It caught me off guard. Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging sagot niya sa mga sinabi ko. Akala ko magagalit siya saakin o susumbatan niya ako. Pero taliwas sa mga inisip ko ang sinabi niya. "I love you, Ada." Mas lumapit siya at humalik sa noo ko.

Nang magpantay na ang mukha namin ay nakita ko muli ang maganda nitong ngiti. Iyong ngiti niya na makalaglag panty. Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti rin kahit pa patuloy ang pagbagsak ng luha. "Gab, habang tumatagal. Mas nakikita ko na hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo. You're too perfect for me."

"Don't say that, hun. I'm not perfect either. I get scared and paranoid and angry and sad. I get all this emotions thinking you might leave me but I chose to trust you and my love for you."

"Kahit walang kasiguraduhan? Gab, don't settle for less."

"I'm not. I trust you, hun." Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "If ever you wanted to talk to him, I can accompany you. I'll be by your side."

Noong nakilala ko si Gabriel, hindi ko inaasahan na ganito siya magmahal.

I won't stop myself to love him. He deserves the same love he gives.

___

Nikie's Note:

Sino naiinlove kay Gab? Taas ang paa!

Mas napapasaya niyo ako sa comments niyo. Sa comments niyo rin nakasalalay ang updates. More comments, more chances of new updates. Hehe

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Ps. Magingat ang lahat sa COVID-19. Maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol, use facemask, uminom ng tubig at huwag ng lumapit sa mga may sakit. Be safe everyone! 😘

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon