"Charles, pwede mo akong sunduin? As in now na." Hindi nagmaktol si Charles sa kabilang linya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pinatay na ang tawag.
I can't stay here lalo na't humindi ako sa alok ni Chester. Ayokong maging unfair sa kaniya. Alam kong aalis ako ng bansa at maiiwan ko siya. Kahit masakit at nakakapanghina ng loob na nagawa ko iyon ay nakapagdesisyon na ako.
Busy ang lahat sa baba habang ako nagbibihis. Bitbit ko ang bag na dala ko kanina at tinungo ang pinto. Nanikip ang dibdib ko ng makita ko si Chester na basang basa ang mukha ng luha.
"Baby," pumikit ako ng maramdaman ang yakap niya saakin. "Please, Marry me." Ilang beses akong lumunok bago tinangkang alisin ang pagkakayakap niya saakin. "Mahal na mahal kita."
Mas lalong nanikip ang dibdib ko ng lumuhod siya sa harap ko habang yakap ang bewang ko. This sight is painful.
Umiling ako at marahang tinanggal ang pagkakayakap niya saakin. Nang makawala ako sa yakap niya ay tumakbo na ako papaalis. Nadaanan ko si Koline at Aldous kaya napatigil ako sa pagtakbo.
"I'm sorry. Mahal na mahal ko kayo." Niyakap ko sila ng mabilis bago takbuhin ang sasakyan ni Charles. Rinig ko ang tawag sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Baka kapag lumingon ako ay bawiin ko ang lahat ng desisyon ko.
This heartbreak is my choice. I chose to break his heart. I chose to break mine.
Umiyak ako sa balikat ni Brianna buong flight. Alam niya rin ang ginawa ko at wala itong sinabi saakin kundi 'Magiging okay ka rin' at puro magagandang salita. Ni walang lumabas sa bibig niya na paninisi o 'You did this pero you're crying'. Mugtong mugto ang mata ko dahil sa walang sawang iyak. Lutang ako nung makarating kami sa bahay dito sa Chicago. Madaming nagwewelcome at ngumingiti saakin na kasambahay pero ni hindi ko sila magawang ngitian pabalik.
Iniwan ako ni Bri sa magiging kwarto ko dito sa malaking bahay ni Tatay. Sabi niya dapat daw magpahinga ako. Pero paano ko naman yun gagawin kung pag pikit ko ay mukha ni Chester ang nakikita ko? Ang bigat parin ng dibdib ko dahil sa ginawa ko.
"Sis? Di ka makatulog?" Nandito ako sa sofa at nakabukas ang TV sa harap ko. Kapag nasa kwarto lang ako ay baka mabaliw na ako. Sobrang nagiguilty ako sa ginawa ko. Tama lang ba ang naging desisyon ko?
Tinignan ko si Brianna bago tumango. "Aww. My baby sister." Lumapit ito saakin at niyakap ako. "You'll find more guys here." Tumango ako kay Brianna kahit ang totoo ay wala sa isip ko ang paghahanap ng lalake.
Bahala na si batman. Limang taon akong maninirahan dito sa bahay na ito at susubukan kong kalimutan ang mga nangyari sa pilipinas. Unti unti, Ada. Kaya mo yan.
____
"Ada, are you in there?" Nagtalukbong ako ng kumot ng marinig ang boses ni Brianna. "My god! This place is a mess!" Hinila nito ang kumot na nakatakip sa mukha ko kaya nasilayan ko ang liwanag sa aking kwarto. Umirap ako ng makita ang mukha niyang nandidiri saakin. "Ano? Tayo na jan!" Umiling ako at tumagilid kaya ang bukas na bintana na ang nakikita ko.
"I cooked you a meal. Kahapon ka pa pala tinatawagan ni Dad pero hindi ka sumasagot. He pushed me to come here to check on you."
"Okay lang ako."
"No, you're not. Nanggaling ka nanaman ba sa bar? You smell alcohol and cigarettes." Kung hindi ko lang kapatid si Brianna ay siguro nasigawan ko na ito at pinalabas ng kwarto ko. "Get over him, Sis. You saw him living his soon to be father figure with the woman she had scandal with. Hindi pa ba sapat sayo yon na eye opener?"
Nakaramdam ako ng matinding galit ng maalala ang nakita ko noong araw na iyon. Makalipas ang apat na buwan rito ay umuwi ako ng pilipinas na hindi alam ng pamilya ko. Gusto ko lang naman na kausapin si Chester dahil sobrang kinakain na ako ng guilt lalo na kapag naaalala ko yung mukha niyang nagmamakaawa saakin. Naisip ko rin noon na tanggapin na ang alok niyang kasal saakin pero matatagalan lang kami ikasal dahil nandito ako sa ibang bansa. Ang dami kong naisip na pwede naming gawin ero naglaho iyon noong makita ko siya kasama si Ella. Nakita ko sila sa isang restaurant and the worst part? Ella is pregnant. Masayang masaya silang dalawa at panay ang himas ni Chester sa umbok na tiyan ni Ella. There were no sadness visible in his face. Maaliwalas ang mukha nito at masayang masaya na akala mo hindi naturn-down ang alok sa kasal.
Simula non puro na ako alak at bar. Bumalik ako sa dati kong gawain at nawalan na ako ng pake. Kapag tinatalakan ako ni Brianna, pasok sa isang tainga labas sa isa.
Itutuloy...
____Nikie's Note :
Oh, don't hate me. ☺️
Don't you just love double update? Haha
Thank me by commenting your reactions. 😉Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomansaHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...