ADA XXXV

8.8K 72 17
                                    

"What if I'm dying?" Inikutan ako ng mata ni Gab dahil sa sinabi ko na ikinahalakhak ko. Hinila ko ang baba nito at binigyan ng halik ang kaniyang pisngi.

"Bad joke." Nag peace sign ako bago sumandal uli sa kaniya. Parehas kasi kaming nakaupo rito sa hospital bed at nakayakap ito saakin.

Kakatapos lang lahat ng tests at hinihintay nalang namin ang doktor para sa results

Umalis lang si Gab sa pagkakayakap saakin noong pumasok na ang isang babaeng doktor. May kasama rin itong nurse na tinignan agad ang swero na nakatusok saaking kamay. I held Gab's hand dahil mas kinabahan ako ng tignan na ako ng doktor. Hawak niya narin kasi lahat ng resulta ng mga tests ko. Paano nalang kung may malubha na pala akong sakit? Bago ko palang naamin kay Gab ang nararamdaman ko kaya hindi pwede na mamatay na ako agad. Iniisip ko palang na mamatay ako at maiiwan itong magisa ay sumisikip na ang dibdib ko.

"I have all your test results." Nakangiti ang babaeng doktor saakin kaya pinilit ko ring ngumiti pabalik. Ito na ba yung time na sasabihin niya ang sakit ko? Shet!

"Am I dying?" Humigpit ang hawak ni Gab sa kamay ko. Siguro kung hindi rin ako nakaupo rito ay kanina pa ako nabagukan ng magulang ko.

"What? No. No. You're perfectly fine. The abdominal pain you experienced is normal for pregnant women. Your body is adjusting to your growing baby inside you."

Ano? Pregnant? Women? Buntis? Ako?

"You're 6 weeks pregnant. Congratulations." Nakipagkamay pa saakin iyong doktora habang nakangiti samantalang ang utak ko ay nagpoproseso palang.

Hindi ako natatakot noon na mabuntis kahit pa man ilang beses nila akong putukan sa loob dahil meron akong shots na kinukuha noong nasa pilipinas palang ako. Nang pumunta na ako rito ay hindi na ako nakapagpatingin sa doktor muli. Kaya siguro naka shoot si Gab dahil matagal na yung last na pag take ko ng shots.

Tinignan ko si Gab at parehas rin itong nagulat sa narinig. Nawala ang saglit na katahimikan ng mag-ingay ang mga magulang namin.

"Magkakaroon na tayo ng Apo!" Naglulundag si Nanay at Tita Melissa habang magkahawak ang kamay. Sina Tatay naman ay busy sa mga telepono nila habang may mga kausap.

Nagpaalam na yung doktora pero eto parin kami ni Gab at tahimik. Tanging ingay lang ng mga magulang namin ang maririnig sa buong hospital room. Hindi ko makita sa mukha ni Gab kung ano ang iniisip niya. Ayaw niya ba ng balita o gusto niya?

"Ada," lumingon ako kay Gab. Malapit na akong iiyak kung hindi lang siya nagsalita! "Did I heard it right? I'm going to be a father?" Nawala na ang lahat ng iniisip ko dahil sa excitement na nakikita sa mata ni Gab. Akala ko tahimik siya dahil ayaw niya ang balita na kaniyang narinig. "I love you." Lumapit siya at niyakap ako.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maluha. My hand went to my stomach and lightly touched it. I can't believe I have a growing person in me.

Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin ng marinig ang hikbi ko.

"Akala ko ayaw mo e. Ang tagal tagal mong mag salita." Nakangiti ito na pinupunasan ang pisngi ko.

"Why would you think like that? The day I confessed my feelings for you is the same day I saw you marrying me and bearing my children. You and our tiny bud is my everything. I love you."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Mygod. Hindi ko inaasahan na mas mamahalin ko si Gab ng ganito.

___

Excited ang mga Grandparents ng anak ko kaya kahit 4 months palang akong buntis ay nakumpleto na ang lahat ng gamit sa nursery room. Gusto sana namin ni Gab na kami mismo ang bibili ng mga gamit pero naunahan na kami. Bigla nalang dumating ang mga gamit para sa kwarto ng anak namin. Ilang beses na rin kaming nagpupunta sa OB-gyne na mismong kaibigan ni Tita Melissa para icheck si Baby. Si Tita Melissa at Nanay lang ang may alam sa gender ng bata dahil narin sa kagustuhan namin ni Gab ng surprise.

"Gabby," agad napunta saakin ang tingin ni Gabriel ng pumasok ako sa kaniyang opisina. Kinuha na nito ang pwesto na matagal ng binibigay ng kaniyang Dad sa kanilang kumpanya. Excited father kaya tinanggap na nito. "Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Ms. Helen." Inirapan ko ito ng makarating siya sa harap ko.

"It slipped, hun. Are you okay?" Lumapit ito saakin at humalik sa noo ko bago ako inalalayan papasok. May bitbit akong lunchbox na mismong ako ang nagluto. Madalas kasi na nasa bahay sina Nanay kaya tinuturuan nila akong magluto. Kung dati panay sunog na prito ay ngayon kaya ko ng magluto ng adobo at sinigang.

"Nagdala ako ng pagkain mo. Hindi ka na nga nagbreakfast kanina sa bahay, hindi ka pa naglunch ngayon. Gusto mo ba talaga akong patayin sa pagaalala?" Binuksan ko na ang mga containers na dala ko. Papagalitan ko pa sana ito pero nadala na ako sa pagyakap nito saakin.

"Thank you for this. I love you." Bulong niya malapit sa tenga ko na nagpakilig saamin ng anak ko. Oo pati anak ko ay kinikilig dahil sa kalokohan ng tatay niya.

"I love you too. Isang beses pa na sabihin ni Ms. Helen na hindi ka--"

"Alright." Ngumiti nalang ito saakin at siya na ang nagayos sa mga containers na dala ko.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng nagsimula na itong kumain. Tumango ito ng matikman ang luto ko. Ilang beses ko ring narinig ang salitang 'Masarap'. Minsan naiisip ko nalang kung binobola lang ako ni Gab kapag kinakain nito ang mga luto ko. Mas magaling parin kasi itong magluto kesa saakin e. Nakakatuwa na kaya ko na talagang magluto ngayon. Ang sarap pala sa pakiramdam na ikaw ang nagpprepare ng pagkain ng taong mahal mo. Pinanood ko lang siya habang kumakain. Minsan sinusubuan rin ako nito na ikinangingiti ko rin.

"Gabriel Alejandro. I'm watching you." Humalakhak ito bago ako hinalikan sa labi.

"I won't cheat, hun. You're still sexy and hot in my eyes. I love you." Humalik ito sa noo ko. "I love you."- sa labi ko. "I love you."- shoulders. "I love you." - likod ng palad. At lumuhod ito bago binigyan ng halik ang munting tiyan ko. "I love you so much, little guy."

That simple gesture melts my heart.




___

Nikie's Note

Heyooo! Can I ask a simple favor? Comment a baby name na gusto niyo para sa anak ni Ada at Gab. Something unique, please. Pwede kayong mag suggest ng girl or boy names. And kindly place kung bakit iyon ang napili niyong name. I'll dedicate a chapter para sa mapipili kong name. Kung nahihiya po kayong mag comment ay pwede niyo lang pong imessage saakin. Hehe

Don't worry malapit ng magkaroon muli ng steamy bed scenes. Ofcourse I won't forget that.

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Ps. Huwag ng lalabas ng bahay! Be safe.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon