Gab gave me another meaning of what love truly is. Accepting your partner's flaw is the true essence of love. Hindi lang sa pag sabi ng 'I love you' ang kahuluguhan ng pagmamahal. Dapat tanggap rin natin ang mga pagkakamali at pagkukulang ng taong mahal natin at mahal tayo.
Ano kayang ginawa kong maganda noong pastlife ko para bigyan ako ng ganito kabait at mapagmahal na lalaki sa buhay?
Handa akong sumugal ulit sa pagmamahal basta kasama ko siya. Kung ano man ang mga malalaman ko sa nakaraan ay hindi niyon maapektuhan ang nabubuo kong damdamin para sa kaniya.
"What?!" Kulang nalang sapakin ni Brianna si Kuya Steven ng sabihin ko ang tungkol kay Chester noong gabi ng kasal nila. Pinalipas ko muna ang isang linggo bago ito sinabi kay Brianna dahil alam kong ganito ito magrereact. "Kilala mo pala ang gagong yun?!" Kita ang galit sa mukha ni Brianna. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam niya ang lahat ng nangyari at ang masama pa, kilala lang pala ni Kuya Steven.
"Hindi ko alam na ang Chester na ex ni Ada ang Chester na kilala ko. Maraming Chester sa mundo, Wifey. " Rinig ko ang boses ni Kuya Steven. Hindi kasi ito nakaharap sa screen ng ipad dahil narin siguro sa takot sa kapatid ko.
Tama nga naman si Kuya Steven. Napakaraming Chester sa mundo pero sa kasamaang palad, ang Chester na kilala ko ay kilala rin pala niya. What a small world.
Desisyon kong sabihin ito kay Bri dahil hindi ko na alam kung kanino ako lalapit. Panatag ang loob ko dahil napagusapan naman na namin ito ni Gab at pumapayag na ito na makipagkita ako pero nababahala parin ako at kailangan kong may makausap ring iba ukol rito. At alam kong si Bri lang ang tanging choice dahil baka may ibang gawin si Charles kung malalaman niya man ito.
"You've been through a lot, Ada, and I guess you'll need this closure. Galit rin naman ako sa kaniya pero this will help you recover and have a nicer future with Gab. Alam ko naman na mahal na mahal ka niyang Gabriel na iyan." Lumingon ako kay Gab na prenteng nakaupo sa kama. He looked at me when he heard his name.
"I know, Sis." I gave her an assuring smile. "Sige na. Nakakaistorbo na ako sa inyo." Pipindutin ko na sana ang end call pero biglang sumingit si Kuya Steven.
"Talk to Chester." Tumango ako kay Kuya Steven at pinatay na ang tawag.
He looked serious nung sinasabi iyon saakin. Bigla tuloy akong kinabahan.
___
My hands started to sweat and the pounding of my heart started to beat crazily when we arrived at our destination. Ngayon ang araw na napagusapan namin ni Chester na magusap and it's been days since we last saw each other.
The crazy pounding of my heart stopped when Gab held my hand. He gave another smile at kahit alam ko na mahirap rin para sa kaniya ito ay nagagawa niya paring maging matapang sa harap ko. I needed his strength. Dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi ko ito kakayanin kung mag-isa lang ako ngayon.
"I love you."
"Thank you, hun. Wait for me, okay?" Tumango si Gab at humalik sa noo ko.
As much as I wanted him to be beside me the whole time, pinili niya na maiwan sa sasakyan. He doesn't want to invade my privacy at gusto niya na makapagusap kami ni Chester ng masinsinan. Lumingon ako sa sasakyan at nakita pa itong ngumiti muli saakin. He mouthed another 'I love you' before I entered the café.
Chester smiled and waved at me ng magtagpo ang titig namin. Nasa pinaka gilid itong parte ng café. Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa harap nitong upuan.
Tinignan ko siya muli pero bakit pakiramdam ko hindi ito yung Chester na dati kong minahal? Something is different from him. Naka cap ito na hindi naman nito ginagawa. He doesn't like caps dahil nasisira ang pagkakaayos ng buhok niya. His fair skin became more fair. His pinkish lips became pale and I can see dark circles on his eyes. Dahil ba sa lamig ng panahon kaya siya maputla?
"Thank you for seeing me today." Ngumiti siya at mas lalong nabubuo ang mga palaisipan saakin. "Akala ko hindi ka na magpapakita saakin." Humawak siya sa kamay ko na nakapatong sa lamesa at binigyan iyon ng halik. His hand is cold. Parang yelo ang nakahawak sa kamay ko ngayon.
"Okay ka lang ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin ito. "Bakit ang lamig ng kamay mo? You look so pale. Okay ka lang ba, Chester?"
"Will it change if I said I'm not."
Itutuloy...
___
Nikie's Note:
✌️✌️✌️
Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.
Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉
Be safe, everyone! 😘
BINABASA MO ANG
ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETED
RomanceHighest Rank : #1 in Teen Fiction Completed: October 18, 2020 Kapag nagtanong ka sa baranggay kung 'nasaan si ada', alam na agad kung bakit. marahil naghahanap ka ng pampainit ng iyong malamig na gabi o magpaparamdam sayo ng sarap na hanggang langit...